"Yes, I know! Kaya nga nag-boyfriend na ako e. Nag boyfriend ako ng lalaking gusto ako! Kasi nga gusto ko nang mawala itong nararamdaman ko para sa 'yo!"

"Frey."

"Alam mo? Ang labo labo mo! I introduced my boyfriend! Pinakita ko sa 'yo na kaya kong sumaya sa piling ng ibang lalaki. Pinakita ko na hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo! Pinakita ko na may ibang lalaki na kaya akong mahalin at pahalagahan! But what did you do? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong um-akto ng ganoon kanina. You always said na hindi ka nagseselos at wala kang pakialam aa akin but you know what? Action speaks louder than voice! Hindi magkatugma ang sinasabi mo sa ginagawa mo! You confused me, Kenshin and I hate you for that!"

Natahimik siya.

Punyeta, kung hindi niya ako gusto, e'di hindi! I'm aware of that! Pero sa ginagawa niya, sa tingin ba niya ano pang iisipin ko? Na hindi talaga niya ako gusto? Seriously? Nakakabobo na ang lalaking 'to!

"Frey, I'm hundred percent sure that you just did that for me. Huwag mong gamitin ang lalaking iyon dahil lang ni-reject kita."

"Sorry pero hindi ko soya ginagamit. I'm happy with him and I'm looking forward for more moments with him. He cares for me, Kenshin. And it feels so good."

Tumalim na naman ang tingin niya sa akin.

"Kaya please lang, Kenshin. Panindigan mo ang sinabi mo na hindi mo ako gusto. You are just my friend and for your information, you just crossed the line. Wala kang karapatan, iyan ang gusto kong ipaalala sa 'yo."

Tinalikuran ko na siya pero pinigilan niya ako sa braso ko. Nagpumiglas ako saka muli siyang hinarap.

"What? Bitawan mo ako, Kenshin."

"Break. Up. With. Him." Dahan dahan at matigas na sabi niya.

I slapped him.

"Ako ang magde-decide para sa sarili ko. Ako lang at wala nang iba." Ngumisi ako. "Hindi porket mahal kita, pwede mo ng pakialamanan ang desisyon ko sa buhay ko. You have no right to order me around. Wala kang karapatang pigilan ako sa mga ginagawa ko, Kenshin. You know why? Because you're just a fucking friend. A friend with limitation."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Umalis na ako. Wala akong pakialam kung napalakas ang pagkakasampal ko sa kaniya. He deserved it!

Anong karapatan niyang paasahin na naman ako? Kahit ilang saglit lang 'yon, oo umasa ako dahil punyeta 'tong puso ko, napakahina!

But sorry, I'm helping myself para mapigilan ang pagiging marupok ko pagdating sa kaniya.

TINAWAGAN ako ni biatch. First day daw niya sa Hashtag bar as cashier so pinapupunta niya ako doon para tumambay. At dahil napakaganda at napakabait kong kaibigan, pumunta ako.

Bumaba na ako sa kotse ko. Tinawagan ko si shingshangshung kanina at tinanong ko siya kung busy siya dahil kung hindi, niyaya ko siyang pumunta rin sa Hashtag bar.

Alam kong mali ang ginawa ko na ginamit ko siya. Kaya nga kakausapin ko na siya mamaya na gusto kong maging mas malapit kami sa isa't isa para mas makilala namin ang isa't isa at sasabihin ko na I won't mind kug ma-fall ako sa kaniya. Hindi ko pipigilan ang sarili ko. Mas maigi nga iyon e para mawala nang tuluyan ang nararamdaman ko para kay Kenshin.

Pagpasok ko sa Hashtag bar ay hindi pa ganoon karami ang tao. Tanghali palang at mas maraming tao kapag gabi.

Duniretso ako sa may bar counter kung saan malapit ang cashier.

"Biatch!" Tawag ko.

Sa part na tinulungan ni kensh na magkaroon ng work si biatch, masaya ako at thankful sa kaniya. Doon lang sa bagay na 'yon. I hate him for real.

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon