Chapter 24: In One Condition

3.3K 50 1
                                    

[AMIA’S POV]

Nalulula  si Amia sa mansyong nasa harapan niya. Hindi niya akalaing makakakita siya ng kastilyo sa tunay na buhay. Akala niya ay sa mga fairytale books lamang iyon pero totoo pala. Ito ang bahay nila Hiro. Higit pa pala sa inaakala niya ang kayamanan ng pamilya nito.

Nasa harap na sila ng napakalaking pintuan. Pintuan pa lamang ay parang ginto na ang halaga. Si Hiro ay pumasok na agad sa mansyon ng mga ito dala si baby Samuel. Alexander ang tawag nito sa anak nila pero siya ay mas gusto pa rin na Samuel. Siya ay naiwan sa pintuan. Napakalinis ng bahay nito. Parang ayaw niyang pumasok dahil baka madumihan niya iyon.

“Oh my gosh, Hiro! Is he?”

“Yes! He’s my son.”

“God! He is really a Kress. Look at that man!”

Nagtago siya sa may halaman nang nakita niyang may mga lumapit kila Hiro. Tuwang tuwa ang mga ito sa anak nila. Tinignan niya ang mga tao doon. Napakagagandang nilalang nila. Mas nanliit siya sa sarili niya. Walang sinabi ang suot niya sa mga suot ng mga ito. Mas lalo niyang gusting magtago na lamang ng makita ang pantaloon niyang kupas na kupas na. Ang sandalyas naman niya marumi dahil sa mantsa ng putik at ang t-shirt niya ay may sulsi pa sa bandang likuran.

Sobrang hirap niya. Dumi lamang siya sa mga ito.Hindi siya bagay makipag-usap o makipaghalubilo sa mga ganitong uri ng tao.

“Ma’am, saan n’yo po gustong tumuloy?”

Nagulat si Amia sa nagsalita sa kanyang likod. Kasambahay ito roon base sa damit nito. Hindi ito katandaan pero mas may edad ito sa kanya. “Ah...kwan kasi...Si Hiro po ang magsasabi po yata kung saan.”

“Ah, oo. Siya nga ang nagsabi sa aking kayo na raw ang mamili ng matutuluyan n’yo.”

“Ah, ganoon po ba?” aniya. Sumilip muli siya sa loob. Nagkakasiyahan pa rin ang mga ito. “Ah, Ate pwede po ba sa inyo nalang po ako tatabi?”

Nagulat ito. “Sa amin po? Sa maid’s quarter? Eh, nako  bakit naman doon? Nakakahiya.”

“Nako, hindi naman po. Ku..kung hindi po pwede kahit sa kusina nalang po. Basta kahit saan po huwag lang po sa loob nitong mansyon.”

Nanunuri ang tingin nito sa kanya. “Eh, ang daming kwarto dito sa mansyon. Kahit limang kwarto pa gusto n’yo.”

“Hindi po ako sanay sa ganyang kalaking tahanan. Kubo nga lang po ang meron ako, eh.”

“Ay, oo nga pala.  Sabi nga po pala si Sir Hiro, kung gusto n’yo na raw pong umalis ay bahala na raw po kayo.” Nahihiyang sabi nito.

Nanikip ang dibdib niya.”Kung pwede nga lang po akong umalis ay aalis na ako pero hindi ko po kayang iwan ang anak ko.”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon