Chapter 39: Science and Faith

3.8K 58 0
                                    

[AMIA'S POV]

"Wag na. Diyan ka nalang. Ako nalang ang maghahatid diyan. Sige na huwag ka ng makulit, Mister. Magpapahatid nalang ako sa driver. Bye. Love you!"

Kausap ni Amia si Hiro sa phone. Naiwan nito ang files nito sa mansyon. Nagprisinta siyang siya na lamang ang maghahatis doon para hindi na ito bumalik. Ayaw pa nitong pumayag pero siya pa rin ang nanalo. Siya kasi ang boss sa kanilang dalawa.

"Manong, tara po. May ihahatid lang po tayo sandali sa Ospital. Naiwan po kasi ni Hiro."

"Sige po, Ma'am." Sabi nito.

Pinaandar na agad nito ang sasakyan. Sa passenger seat siya nakasakay katabi ng driver. Hawak hawak niya ang folder. Excited siya. Maliit na sakripisyo lamang ang paghahatid ng folder na ito kay Hiro kumpara sa lahat ng effort nito sa kanya.

Nag-ring ang phone niya.

Mister is calling....

"Mister, papunta na kami dyan. Wait—"

Napatili si Amia nang naramdamang may sumalpok sa kanila.Isang nakakasilaw na bagay ang huling nakita ni Amia bago tuluyang sumarado ang kanyang mga mata.

Walang malay si Amia pero parang nakakarinig siya ng sigawan ng mga tao.

At ang nakabibinging tunog ng ambulansya.

[HIRO'S POV]

Nanlalatang lumuhod si Hiro sa chapel sa Hospital ng mga Kress. Nakatulala siya sa altar. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at pumikit. Bumabagsak ang kanyang mga luha. "Lord, this is the first time that I talk to you. I am not a religious person nor devoted...those and that I want to say sorry. Sorry for everything. I did not become your good fellow..."

He felt his tears running from his eyes.

"I am unworthy of your mercy, but please, I am begging, save her. Save Amia."

Napadukdok siya. Naaksidente si Amia. Nabangga ang sinasakyan nitong kotse ng isa pang kotse dahilan para mabangga ang mga ito sa poste. He heard everything because he was talking to Amia over the line while it happened.

"Lord, ako nalang. Huwag siya. Please....Save her please. Ako nalang..."

May kamay na humawak sa balikat niya. "Son..." it was her mother.

"Mom, I don't want to lose her..."

Niyakap siya nito. "Everything is going to be alright, Son. She will survive."

"I can't feel anything, Ma. Nanghihina ako...."

"Ssshh...I know Amia is a strong person and she will fight for you and your son." Her Mom was touching his head. Niyakap niya ang Mama niya. Isa ang Mama niya sa hindi nang-iwan sa kanya kahit lahat na ang sumuko.

"I doubted Amia because of what she did. I even hated her to death. Sinisi ko siya sa lahat ng nangyari sa buhay natin. Mula sa pagkawala mo at sa pagkamatay ng Daddy mo. Gusto ko siyang saktan ng paulit-ulit....."

His heart ached more.

"Walang karapatan si Amia para saktan kaat paglaruan ka ng ganoon. Galit na galit ako sa kanya." His mother's voice cracked. Tumulo ang luha nito sa balikat niya. "But when I saw you with her.. masayang masaya ka, anak. Hindi ko makakalimutan 'yung ganoong kasiyahan sa mga mata mo. The last time I saw that happy was when your father gave you a drum set. You were so happy then. You even hugged your father and said you loved him. Time had past at hindi na naulit iyon. Habang lumalaki ka hanggang sa maging Doctor ka, you became so distant. But when Amia was around, your eyes are always happy..."

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon