Chapter 35: Jealousy

3.7K 58 0
                                    

[AMIA'S POV]

Hindi maitago ni Amia na mas kinakabahan siya sa photoshoot niya na iyon. May partner na kasi siya – Si Kurt. Nakasuot siya ng white V-shaped neckline na sobrang baba ang yari. May kaunting cleavage na nakikita pero may necklace naman kaya hindi halata. Meron pa rin siyang flower crown na kulay gold. Ang color combination nila, white and gold.

Napasulyap siya kay Kurt na ready na rin. He was very handsome. He was topless. She haven't seen Kurt topless. Lagi itong gentleman tignan pero hindi siya akalaing mas babagay rito ang daring and bold. Lumapit ito sa kanya.

"Ready?"

Tumango lamang siya. Inalalayan siya nito papunta sa harap ng mga photographers. Sinulyapan niya muna si Hiro sa gilid. Hinatid siya nito. Dumaan ang mga araw na hindi nagbago ang mood nito. Lagi itong gentle, soft and caring.

Nakatitig lamang si Hiro sa kanila. Ipagdarasal na lamang niya na hindi uminit ang ulo ni Hiro dahil kay Kurt.

"Okay, ready guys?" sabi ng photographer.

Tumango silang dalawa ni Hiro. Kinakabahan siya.

"Alright. Closer, guys. Be comfortable. Kurt, wrap your arms around her waist. That's it..that's it. Amia, closer..." Anito.

"Ehem...ehem...ehem..."Napatingin sila kay Hiro. Wala naman itong ubo kanina. "Sorry..." Nag-peace sign ito.

"Alright, again again again. Focus." Sunod sunod ang pagflash ng camera sa kanila.

They striked a pose. Habang tumatagal ay nawawala ang kabang nararamdaman niya. Nagpapasalamat siya kay Kurt dahil sa galing magdala nito. Minsan ay bumubulong ito ng joke sa kanya kaya natatawa siya.

"Do it again! Oh my, God! You two look good together. I love it. Very natural." Tuwang tuwa ang photographer nila sa kanila ni Kurt.

Nag-appear sila ni Kurt for a good performance.

[HIRO'S POV]

Anytime ay gusto manuntok ni Hiro. Nagtitimpi lamang siya dahil iyon ang tama. Selos na selos siya sa nakikita niya. Komportableng komportable talaga si Amia at Kurt sa isa't isa. They were so close and it killed him inside.

Relax, Hiro. Relax....

Somehow, he wanted to be Kurt. He can make Amia laugh everytime. Mga bagay na hindi niya kayang gawin kay Amia na ito lang ang may kakayahan. Pero, mula nang bumalik siya galing San Francisco ay maganda ang tinatakbo ng pagsasamahan nila ni Amia. Para silang friends. And it was a good start.

That is enough for him but not more than enough. Sabi nga ni Keenan, it will be a step by step process and like a scientific method. Wala siyang karapatang magtanong kay Amia dahil wala naman silang relasyon.

Ngayon ay matatawag niya ang sarili niyang bodyguard. At least naman kahit personal guard ay may papel siya sa buhay nito.

Hindi siya nito boyfriend.

Wala siyang papel sa buhay nito kundi ama ng anak nila.

At, masakit iyon.

[KURT'S POV]

Holding Amia like this made him the happiest. Amia was the girl on his favourite song. She inspired him and he adored her even more each day. Being so close to her took away all his doubts and fears. Doubts of not having confidence to accept if Amia still loves Hiro. He was surely uncertain because he knew Amia even more and he was not blind not to see that this girl is still hoping for a happy family with his bestfriend. Also, the fear of losing his bestfriend if ever he disclose his feelings towards Amia.

But, he freed himself from thinking. He had been stopping his feelings for her for so long and it was about time to just be so close to her. Bawat dampi sa mga balat ni Amia ay ingat na ingat siya. Gusto niyang maramdaman nito na hindi niya ito kailanman sasaktan.

"Break muna, Guys. Good job!"

"Whooo!" sabi ni Amia. Pinunasan nito ang noo nitong may butyl ng pawis. Natawa siya. Inalalayan niya ito. "Grabe, Kurt. Bakit hindi ka nalang mag-model. Ang galing mo, eh."

"Maganda lang talaga ang leading lady ko..." sabi niya. Hinawakan niya ito sa kamay. "A-Amia, do you want to eat with me later?"

"She's not going." Hinila ni Hiro si Amia mula sa kanya. Nagtapatan sila nito ng tingin. Hindi naman siya nagpatinag.

"Let Amia decide..."

"No..."

Mas tumindi ang titigan nilang dalawa.

Lalaki sa lalaki.

Pumagitna na si Amia sa kanila. "Hiro...Kurt..tama na. Kurt, next time nalang kasi si Baby Samuel aalagaan ko muna. Sorry ha." Inakay nito si Hiro palayo sa kanya. "Hiro, tara na muna dito. Kurt, sandali lang ha mapahinga ka muna."

Tinititigan lang niya ang papalayong si Amia at Kurt.

Si Hiro na naman ang pinili ito.

Naiwan na naman siya.

[HIRO'S POV]

Napunta sila ni Amia sa parking lot. Sa paanong dahilan ay hindi niya malaman. Malamang ay nadala sila ng init ng ulo niya kay Kurt sa parking lot. Binitawan niya si Amia at sumandal siya sa sasakyan niya. Nakatingin lamang sa kanya  ito.

"Hiro, hindi mo dapat ginawa iyon." Anito.

"Ano ba dapat ginawa ko?"

Kumamot ito sa ulo. "Hinintay mo nalang sanang tumanggi ako. Tatanggi naman ako kasi alam kongmay responsibilidad pa ako sa anak natin."

"Bakit ba naman kasi inaaya ka pa niya?"

"Magkaibigan kami kaya walang masama."

Hinilot niya ang noo niya. "This is bullshit..."

"Ano bang problema mo kasi kay Kurt? Wala namang ginagawa 'yung tao. Tinutulungan nga niya ako lagi, eh. Kaibigan ko siya."

"I'm jelous!"

Napanganga ito sa sinabi niya.

"Nagseselos ako, Amia! Nagseselos ako sa kanya..."

"A-Ano?"

"You know I am not good at this, Amia." Bigla niya itong nilapitan at niyakap. "Feel me, Amia.  Feel my hug and it will explain everything. Nagseselos ako kay Kurt kaya anytime gusto ko siyang suntukin. I want you by myself, Amia....Sa akin lang..."

"Hiro....."

"Please...just a second. Yakapin mo lang ako."Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa tagiliran niya. Ang pisngi nito ay nakadikit sa dibdib niya. That was really magical. He missed her loving touch. Sana hindi pa matapos ito.

"Amia, stay with me though I am unworthy...."

He whispered.

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon