Chapter 11: Practically

3.3K 53 2
                                    

[SAMUEL'S POV]

Samuel couldn’t help to stare at Amia’s smiling face. She was lovelier with that smile. She looked so hot yet innocent one. He felt he achieved the best award a man could ever have. Ito ay ang mapasaya ang kanyang asawa.

Never in his wildest dream that he will be enjoying the act of giving happiness on his wife. Ang gaan sa pakiramdam na napapsaya niya ito kahit sa simpleng bagay lamang.

“You look so happy.” Sabi niya rito. Sila na lamang dalawa ang natira.

Lumingon ito sa kanya. “Sobrang saya ko, Samuel. Maraming maraming maraming salamat sa’yo.”

“Kanina ka pa pasalamat ng pasalamat diyan. Duyan tayo?” aya nya rito. Tumango ito at hinawakan niya ito sa kamay. She had a rough hand. But still, she looked perfect in his eyes.

Nauna siyang humilig sa duyan. “Halika rito. Tabi tayo.” Humilig na rin ito. Halos ang katawan ng kanyang asawa ay nakahilig sa kanyang katawan. Napangiti siya. She looked so serene. Ang ulo nito ay nasa leeg niya at bandang balikan. Naamoy niya ang natural na bango nito.

“Samuel...” sabi nito habang nakatingala sa buwan.

“Amia, naiilang ka ba sa akin?” tanong niya. “Napapansin ko kasi kapag lalapit ako sa’yo parang hindi mo alam kung saan ka tatakbo. Minsan naman ayaw mo akong tignan. Lagi ka nalang nakayuko. Tapos kapag hinahawakan kita para kang napapahinto nalang.”

“Hindi naman sa ganoon Samuel. Siguro, oo. Kasi naninibago nga ako sa’yo, eh. At saka natatakot kasi ako na baka masigawan mo na naman ako.”

Pinaglaruan niya ang buhok nito. Hinaplos niya ang mga iyon. “I want to say sorry. Masyado kong hinanap ang nakaraan ko. Nakalimutan ko na pwede pa naman ako gumawa ng sariling alala ulit kasama ka. Let’s start again, Amia. This time, magiging mabuti na akong asawa sa’yo.“

Hinawakan nito ng kamay niya. “Samuel, hindi ko naman kailangan ng asawa na perpekto. Kung ano ka, mamahalin kita. Kung anong mayroon ka ay kailangan ko. Gusto ko lang na makasama ka, Samuel...”

“Simula ngayon pinapangako ko na aalagaan kita. Mamumuhay tayo ng masaya, Amia.” Sabi niya. Gusto niyang ipagpatuloy ang buhay niya kasama ang asawa. Pakiramdam niya ay ito ang bubuo sa kanya. Kulang siya kapag wala ito. Kaya itatama na niya ang dapat itama.

“Mahal kita, Samuel...Mahal na mahal kita..” sabi nito sa kanya.

Siniksik niya ang mukha niya sa batok nito. “Kahit hindi ko maalala kung gaano kita kamahal noon, masasabi ko ngayon na kapag wala ka lagi kitang hinahanap-hanap. Kapag hindi kita nararamdaman, parang kulang na kulang ako.”

“Maghihintay ako Samuel hanggang makaya mo na akong mahalin.”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Where stories live. Discover now