Chapter 15: From Crying To Dreaming

3.4K 49 0
                                    

[AMIA'S POV]

 

 

Matapos ang gabing may nangyari sa kanila ay mas lalong naging malapit sila sa isa’t isa. Mas lalo silang naging open at para silang bagong kasal pa lamang. Sabi nga ni Samuel, sila ay honeymooners.

“Mamaya na tayo bumangon, Misis. Ang aga aga pa, eh. Halika nga rito. Na-miss kita!” lambing sa kanya ng asawa.

“Samuel ha magkatabi tayo buong gabi miss mo na ako?”

Natawa ito. “Missed kong hubaran ka.”

Nag-init ang pisngi niya. “Ikaw talaga napaka mo! Ang bastos bastos talaga. Pasalamat ka gwapo ka!”

“Gusto mo naman, eh! Kunwari ka pa. Hahaha! Joke lang. Love you, Misis ko.” Hinagkan siya nito sa leeg. Lagi nitong ginagawa ito sa kanya. Minsan naman ay inaamoy amoy ang buhok niya. Gusto raw nito ang amoy niya dahil parang baby na honey. Mayroon palang ganoon?

“Love you rin, Mister. Halika na. Kain na tayo!” magka-akbay nilang tinungo ang kusina.

 “Alin ang kakainin natin, Misis?”

               May laman na naman ang sinasabi nito.Pero nakikiliti naman siya sa pinagsasabi nito. Halos gabi gabi nilang pinapadama sa isa’t isa ang pagmamahal nila. Marami itong naiturong bagay sa kanya pagdating sa bagay na iyon.

Gaya ni Samuel ay lagi niyang hinahanap hanap ang init ng katawan ng asawa. Ganoon pala ang bagay na iyon, lubos na nakakaadik. “Samuel, may trabaho tayo pareho kaya please huwag ka munang mang-akit,” frustrated na sagot niya.

“Joke lang, eh. Pero mamaya ulit, ah! Tara na nga at baka mahuli pa ako sa bukid. Tatlong araw palang ako nagtatrabaho doon male-late pa ako,” sabi nito.

 Natutuwa siya sa asawa. Napakasipag nitong magtrabaho sa bukid. Isa itong gwapong magsasaka. Mabilis itong natuto sa kalakaran doon. Mahahalata ditong naninibago pero hindi ito mareklamo. Kadalasan ay nakikita niya itong nage-enjoy sa trabaho. Iyon nga lang, namumula ito sa init ng araw. Medyo umitim ito ng kaunti. Mas nagmukha tuloy lalaking lalaki.

Mabilis ang oras na lumipas ay hapon na. Lubos itong ikinatuwa ni Amia dahil maiibsan na ang pagkainip niya sa asawa. Una siyang nakauwi kaysa rito. Nahinto ang kanyang pagmumuni-muni sa harap ng bintana nang dumating si Harmony. Ngumiti siya rito.

“Nagpapantasya ka na naman diyan?” sabi agad nito.

 “Sabi ko naman sa’yo, Mona, eh. Makikita ko rin ang prince charming ko,” kinikilig pa siya. Napakarami niyang gusting ikwento rito kaya sisismulan na niya. “Mona, alam mo para na talaga kaming bagong kasal. Kung ituring niya ako parang asawa na rin.”

Napapalatak ito. “Ayan ka na naman. Amia, huwag mo sanang kalimutan na hindi ako kinulang ng pagpapaalala sa’yo na wala talagang Samuel, ah.”

Bumangon ang inis sa katauhan ni Amia. Pakiramdam niya ay humahadlang ito sa kaligayahan niya. Napabuntong hininga siya. Kaibigan niya ito kaya maling kwestyunin niya ang pag-aalala nito sa kanya. “Mona...may nang...nangyari sa amin ni Samuel.”

Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. Nanlalaki ang mga mmata nito na tila hindi makapaniwala. Namumutla rin ito. “Anong sinasabi mo, Amia?!”

 “Mona, huminahon ka.”

“May nangyari sa inyo?!” Napatango nalang siya. “Amia, napano ka! Bakit mo ibinigay ang sarili mo sa kanya?! Nahihibang ka na ba?”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon