Chapter 12: Damn Hard

3.7K 60 0
                                    

[AMIA'S POV]

Isang mabigat na braso ang gumising sa diwa ni Amia. Hindi siya sanay sa ganoong presensiya. Ngunit, aaminin niyang umaapaw ang kalagakan niya habang pinagmamasdang matulog ang asawa sa kanyang tabi. Magkatapat ang kanilang mga mukha. Napangiti siya.

Hinawakan niya ang perpektong mukha ni Samuel. Ang sarap umpisahan ng araw kung ito ang mamumulatan ng kanyang mga mata. Hinaplos-haplos  ng kanyang mga daliri ang bawat sulok ng mukha nito. Pangarap lamang niya ang ganito dati, ngunit ngayon ay nasa kanyang mga palad na.

“Mahal na mahal kita....”

Gumalaw lamang ito at sumiksik sa kanya. Buong buhay niya ay ngayon lamang siya may nakasamang lalaking estranghero sa kanya. Lalo na sa kanyang puso. Kaya minsan ay hindi niya alam ang iaakto niya. Kapag kasama niya si Samuel, lahat ay nagiging natural. Kung ano ang nararamdaman niya, iyon ang inaakto niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na kasama niya ang taong nagpatibok sa puso niya.

Kinintilan niya ito ng halik sa noo at saka bumangon na. May kinuha siya sa kanyang lumang aparador.  Napabuntong hininga siya. Paubos na ang perang ilang taon niyang naipon. Paano na sila ni Samuel? Malakas ang kutob niya na hindi ito sanay sa buhay na mahirap.

Itinago na lamang niya iyon at pumunta na sa kusina. Isang umaga na naman. Mahihirapan na naman siyang mag-isip ng ipapaulam kay Samuel. Mabuti na lamang at maraming natira sa handa nila kagabi. Pwede pa naman iyon.

Habang iniinit ay pakanta kanta pa siya. Masayang masaya lamang siya. Hindi niya maipaliwanag ang lahat. Basta ang masasabi lang niya, “Ganito pala ang may pakiramdam ng hindi nag-iisa..” Pakembot-kembot pa siya habang hinahalo ang pagkain.

“Good morning my Dancing Wife,”

“Ay anak ng tokwa...”

Nakangiting Samuel ang nabungaran niya sa kanyang likuran. Nakaupo na ito sa kanilang lamesa. Mukhang kanina pa ito doon. Mukhang napanuod nito ang mini concert niya. “Kanina ka pa ba diyan?” ngayon ay kasimpula na niya ang kamatis. Hiyang hiya siya.

“Don’t mind me here. I’m enjoying watching you. You look so sexy, Dear Wife.” Lumapit ito malapit sa kanya at tinignan ang kanyang niluluto. May ngiti itong parang nang-aasar. “Oh, bakit?”

“Bakit ka tumatawa?” sabi niya. Nahihiya na talaga siya.

“Hindi naman ako tumatawa, ah. Natutuwa lang ako, eh.” Sabi nito na nagpipigil ng ngiti.

“Weh! Tumatawa ka, eh. Nakakainis ka naman pinagtatawanan mo ko.”

“Why should I? Masaya lang nga ako na makita kang masaya,” napatitig siya sa mukha nito. “Nagugutom na ako. Baka masunog na yan, Sweetheart.”

Agad siyang napalingon sa nililito niya. Oo nga pala! “Naku sandali nalang at mas pinapasarap ko pa. Maupo ka muna diyan.”

“Masarap naman na ‘yan, eh.”

Naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Ang braso ni Samuel ay nasa kanyang tiyan at ang mukha nito ay nasa kanyang kanang balikat. Binibigyan nito ng maliliit na halik ang kanyang leeg. Nakikiliti siya sabay ng pagkawala niya sa sarili. “Ikaw  talaga ang bolero mo.”

“Ang bango bango naman ng Misis ko.” Nararamdaman niya ang init ng hininga nito. Ang bango nito. “Mabubusog na ako kakahalik sa’yo. Pwede bang bumalik na muna tayo sa kama? I wanna work you, Babe...”

Nanginglabot siya sa mapang-akit na boses nito sa tainga niya. Nanghihina siya rito. Kaunti nalang ay bibigay na siya. “Samuel, ang aga aga. Ikaw talaga.”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon