Chapter 14: Gladly

3.5K 55 0
                                    

Hindi natuloy sila  Amia at Samuel sa plano nilang pagsu-swimming sa batis dahil sa lakas ng ulan at kulog. Pareho silang naghinayang pero wala silang magagawa. Nakasarado na ang kubo nila. Gabi na rin at tapos na sila maghapunan. Nauna na si Samuel sa kwarto dahil naghugas pa siya ng plato.

“Samuel?” tawag niya rito.

 “Pasok, Misis,” tugon nito.

Napapangiti siya kapag tinatawag siya nitong Misis. Kaya iyon na ang nagiging tawagan nilang dalawa. Misis at Mister. Minsan naman ay Misis ko at Mister ko.

“Samuel, anong nangyari sa’yo?!”

Gulat niyang sabi. Pagkakita niya kay Samuel ay magang maga ang mukha nito. At ang braso nito ay puno ng pantal. Dinaluhong niya ito ng takbo. Takot na takot siya.

“Wala lang ‘to. I think allergies. Gagaling din naman,” nakangiti pang sabi nito. Bakit ang cool pa rin niya?

“Allergy?”

Tumango ito. “Yes. A hypersensivity disorder of the immune system. It’s a common matter don’t worry. I’ll be okay.”

“A-Ano? Ha..haype...Ay ewan. Bakit ka nagkaganyan?” nag-aalalang tanong niya.

“Food allergy, I’m sure. May nakain ako na hindi tama kaya ako nagkaganito. Basta ganoon ‘yun.”

“Susmaryosep naman, Samuel. Ano bang nakain mo?”

“Maybe the sardines,”

Agad siyang napatayo. Sardinas? Ang sarap nun ah! “Naku patawad, Samuel. Hindi ko alam na papantalin ka doon. Wala na kasing maulam na iba. Pakiramdam ko kasi nagsasawa ka na sa puro gulay.”

“Hey! Calm down. Okay lang ako. Mawawala rin ito.”

 Umiling iling siya. “Anong ayos lang! Tignan mo nga ang sarili mo pulang pula ka. Susmaryosep, anong gagawin ko?”

“Anong hitsura ko?Panget na ako?” simangot na sabi nito.

“Ano ka ba naman! Ikaw ang pinakagwapong taong nakilala ko! Para ka ngang artista, eh! Tatanungin mo pa ako kung panget ka eh ang gwapo gwapo naman! Ang macho macho mo pa!” naiinis na sabi niya. Kahit kailan ang asawa niya parang laging ayos lang ang lahat ng bagay.

“Whoa! Misis, relax! Oo o hindi lang naman ang sagot. Ang dami mo pang sinabi.”

“Oh, bakit ka tumatawa? Samuel naman, eh!”

“You always make me the happiest, Misis. Kahit anong mangyari sa akin malaman ko lang na nag-aalala ka ayos na ako. Ang sarap sa pakiramdam na nag-aalala ka sa akin alam mo ba iyon?” bulong nito habang hinahalik-halikan ang kanyang buhok.

“Huwag mo naman ako pinag-aalala, Mister.”

 “Shhtt..sorry..everything will be alright as long as you are with me.”

Buong puso niya itong niyakap. Araw araw niya itong minamahal. Pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya sa galak sa presensya nito. Napakasarap magmahal.

 “Eh, paano ba kasi gagaling ‘yan eh?”

Tumawa ito. “Ikaw talaga! Asukal lang ang katapat nito. Halika sa kusina. Magtunaw tayo ng isang kutsarang asukal. Magiging okay na ako nun.”

“Asukal? Bakit? Saan mo natutunan ‘yon?” takang tanong niya rito.

Nagkibit balikat ito. “Hindi ko rin alam, eh. Basta ayun ang nasa isip ko.”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon