Chapter 22: Welcome Baby Samuel

3.5K 56 0
                                    

[KURT’S POV]

 

“Araaaay!”

Dali-daling pinuntahan ni Kurt si Amia sa kusina nito. Nakita niyang namimilipit na ito sa sakit ng tiyan. “Shit...”

“K-Kurt...manga...nganak na..na ako.”  Hingal na sabi nito.

“Yes. I know, Honey. Just relax okay?” bulong niya rito. Maingat niya itong kinarga. Maliban sa kaba ay wala siyang ibang nararamdamang bigat habang buhat niya ito. He was lean and strong. And, nervous too. Ganoon pala ang pakiramdam kapag may manganganak. Now, he felt responsible for her.

“Keep still, Honey...”

He drove fastly straight to the nearest Hospital there. How he wish to bring her to the most prestige Hospital as she deserved but he had no choice. Buhat buhat niya si Amia hanggang sa may makapansin sa kanilang nurse doon.

“Miss, please...manganganak na siya,” sabi niya sa nurse na titig na titig sa kanya. Nainis siya dahil inuna pa nitong pagpantasyahan siya.

“Ah....hospital bed! Hospital bed! May manganganak!” sigaw ng nurse.

Hindi niya binitawan ang kamay ni Amia. Pawis na pawis ito. Nang dumating ang Hospital bed ay tinawagan niya si Hiro. Dapat malaman nito na manganganak na ang ina ng anak nito. Habang tinatawagan ay nakasunod siya kila Amia papuntang delivery room.

“Hello...Hiro, manganganak na si Amia!”  sabi niya sa telepono.

“SO? I don’t care!” sabi nito sa kabilang linya.

Inis na inis siya. Anong klaseng lalaki si Hiro! Napakaduwag nito at iresponsable. Ibinababa niya ang telepono. Kung tutuusin ay kayang kaya nitong pumunta doon kahit nasaang lupalop pa ito dahil napakaraming chopper ng pamilya Kress.

“Kurt...”

Bumaling siya kay Amia. Hawak hawak nito ang kamay niya. Ang init ng mga haplos nito sa kamay niya. Awang awa siya sa hitsura nito. Ayaw niyang makakakita ng babaeng nasasaktan lalo na si Amia. Nasa tapat na sila ng delivery room.

“Amia, kaya mo ‘yan...” bulong niya rito. Hinalikan niya ang kamay nito.

“Huwag mo akong iwan, Kurt. Hawakan mo lang ang kamay ko...pakiusap.” hikbi nito.

“Hush...yes I will be beside you.” Sabi niya. Tinignan niya ang mga nurse doon. Mukhang naintindihan ng mga ito na nais niyang pumasok  habang nanganganak ito. Agad tumango ang mga ito at pumasok na sila.

“Ahhhhh!” sigaw ni Amia.

He composed himself. Nasa tabi niya si Amia. Hawak hawak niya ang kamay nito. Babae ang doktor na nagpapanganak kay Amia kaya hindi siya masyadong mailang. “Amia, relax. You can do it, Sweatheart.”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon