Chapter 9: Where You At

3.2K 51 0
                                    


[AMIA'S POV]

 

 

 Ilang beses ng tinatanghali ng gising si Amia. Tumayo na siya at hinanap agad si Samuel. Pinuntahan niya ito sa kwarto.

 “Samuel?” tawag niya ngunit pagsilip niya ay wala na ito agad. Pumunta siya agad sa likod ng bahay nila. “Samuel? Nasaan ka?”

Nangunot ang noo niya. Bigla siyang kinabahan. Tumakbo siya sa labas nila at sumigaw. “Samuel?! Samuel, nasaan ka?” Hinihingal siya. Nararamdaman niya ang kabog ng dibdib niya kasabay ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata.

 Nasaan na si Samuel? Nasaan na ang asawa niya?

“Hoy! Ang aga aga ang ingay ingay mo!”

 Agad niyang niyakap si Harmony. Napaiyak na siya. “Mona, si Samuel iniwan na niya ako. Umalis siya Mona...umalis siya. Anong gagawin ko? Nasaan na si Samuel?”

“Huy ano ka ba naman. Kumalma ka nga diyan.”

 Lalo siyang napahagulgol. “Umalis si Samuel. Nagtampo siya siguro sa akin. Dapat pinatulong ko nalang siya sa paglalaba sa akin kagabi. Mona, nagtampo siya sa akin kasi hindi ko siya pinagbigyang tulungan akong maglaba. Kasi ayoko lang namang mapagod siya, Mona. Anong gagawin ko?”

Patuloy siya sa pag-iyak. Hindi niya kayang wala si Samuel sa ilalim ng bubong ng kubo niya. Para siyang mamamatay.

“Bakit naman kasi hindi mo pinaglaba? Maglalaba na nga ‘yung tao, eh!”

“Hindi ko naman alam na dadamdamin niya iyon, eh!”

 “Wala ka nang magagawa. Umalis na siya hayaan mo na siya.” Sabi nito na lalong nagpangawa sa kanya. “Kapag kasi gusto maglaba, paglabahin mo! Basag trip ka naman kasi Amy, eh!”

 “Hindi ko alam..ang tanga tanga ko. Ang tanga tanga ko.”


 “Tanga tanga mo talaga. At ang OA OA mo pa!”

“Aray Mona!” napahawak siya sa ulo. Kinotongan na naman siya ni Harmony.

“Hindi ka naman iniwan ng asawa mo! Nasa bukid lang sa may talian. Ikaw naman! Mawalay sandali sa pundya mo ‘yung tao makaiyak ka naman diyan.”

 Nanlaki ang mga mata niya. “Ano?! Anong ginagawa niya sa Talian?!”

 “Maagang nagpunta sa bahay at samahan ko raw siya kung saan ka nagtatrabaho. Ayun!”

“Bakit mo ginawa iyon? Paano kapag nalamang niya? Mona, hindi siya kilala rito!”

 “Hindi nga siya kilala. Kaya nga hindi mahirap lusutan, eh. Bago ko siya pinapunta doon ako muna ang nauna doon. Kinausap ko na ang mga tao doon na dadalaw ang asawa mo. Siyempre lahat sila nagulat.”

  “Anong sabi nila?!” kinakabahang tanong ni Amia.

“Ayun nagulat nga. Sabi ko sa Maynila kayo nagpakasal at doon kasi naninirahan at nagtatrabaho si Samuel. Tinago mo lang kako kasi nahihiya kang sabihin sa kanila dahil hindi ka naman nangumbida sa kasal niyo. So ayun. Madali nalang naman ‘yan lusutan. Alam mo naman ang mga tiga-probinsiya. At saka tuwang tuwa nga sila sa asawa mo.”

 “Eh, paano naman si Samuel? Anong sabi niya? Hindi ba siya nagtaka o ano?”

 “Nagtaka. Siyempre magaling ako lumusot, eh.  Bakit lang daw siya hindi kilala rito. So okay naman na nga. Huwag kang mag-alala.”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon