Chapter 38: Unsaid

3.7K 62 1
                                    

[AMIA'S POV]

"Girlfriend na ba kita?"

Gustong humalakhak ni Amia kay Hiro. Nakahiga siya sa dibdib nito habang ito naman ay nilalaro ang kamay niya. "Ang korny mo talaga."

"Anong corny? Tinatanong ko lang naman kung tayo na, eh."

"Pag-iisipan ko muna. Nagmamadali ka ba?" Amia was trying to play with him.

"Nah. Hindi naman. Excited lang,"

"Ang dami natin pinagdaanan noh?" sabi niya.

Hinalikan nito ang buhok niya. "Yes. Sa dinami rami, nandito tayo ngayon. Magkasama."

Pumikit siya. "Nang manganak ako kay Alexander, nagkakulay muli 'yung mundo. Noong umalis ka sa buhay ko dahil nalaman mo na kung sino ka talaga, parang nawalan ng direksyon ang buhay ko. Pero nang marinig ko 'yung unang iyak ni Alexander, lahat ng mali sa buhay ko naging tama."

"Mas bagay ang Samuel sa anak natin. I always call him Samuel kagaya ng ipinangalan mo sa kanya. It reminds me of all the things that we shared way back in Isabela. Yung buhay na ako pa si Samuel, 'yung Mister mo. Iyon ang pinakamasayang bagay na nangyari sa akin. Having you in my life was a blessing."

Nag-init ang mga mata niya. "Hindi ko rin makakalimutan ang lahat ng nangyari noon. Tandang tanda ko pa kung paano kita unang nakita. Napakasungit mo noon. Noong makita kita nakaratay sa Ospital at lumong lumo, gusto kitang yakapin. Gusto kong pawiin lahat ng sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko kaya."

"It must be destiny. Who would have thought na sa'yo ako mapupunta...."

"Naniniwala ako sa tadhana. Magkaibang magkaiba ang mundong ginagalawan natin pero pinagtagpo pa rin tayo. Alam kong ilang beses na akong humingi ng tawad sa'yo dahil sa ginawa ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo, itinago kita sa tunay mong pamilya. Natakot kasi ako na iwanan mo ako."

"Shhsss....let's move on. Naaalala mo ba 'yung sinabi ko sa'yo noon na wala na akong pakialam sa nakaraan ko dahil pwede naman tayo ulit bumuo ng bagong alalaala?" Tumango siya rito. "Ganoon ulit ang gawin natin. Nagkasakitan tayo noon. We damaged each other. At hindi na rin mahalaga iyon dahil may bago na naman tayong bubuuing alaala bilang isang buong pamilya."

Tama ito. "Mahal na mahal kita, Mister...." Nag-uunahan ang pagpatak ng mga luha niya. Missed na missed na niyang tawagin ito sa tawagan nila dati.

"Matagal kong hinintay na tawagin mo ako ulit niyan. Mas mahal na mahal kita, Misis."

Napahagulgol siya lalo. "Sana hindi ako nananaginip..."

"Misis, we made love more than twice kaya malamang hindi ka talaga nananaginip."Hinampas niya ito. "Totoo naman, ah. Hindi pa nga tayo tumatayo mula kanina. Nakakailang round na tayo kaya don't worry this is real."

"Hiro naman, eh. Tama na nga..."

"Love you..." bilong nito sa kanya.

"Love you, too."

"Another round?"

"Ikaw talaga!"

Pumaibabaw ito sa kanya. "Matagal ako nagtiis, Misis. Masyado kang sexy para tiisin."

Hinalikan siya nito sa labi. Malugod naman siyang tumugon dito.

"You're so beautiful...."

He whispered between their kisses. Her inner self glowed as the man she loved was praising her body. Mahal na mahal niya ang lalaking ito. This man owned her mind, heart, soul and body. Ito lang ang lalaking papayagan niyang umangkin sa kanya.

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon