Chapter 33: Stress Reliever

3.5K 55 0
                                    

[AMIA'S POV]


Nasa meeting si Amia at pinaguusapan ang main concept ng photoshoot nila. Present si Hena syempre, Keenan, Kurt and the production staff. Hindi naman siya hinayaang mailang nila Hena kaya agad niyang naintindihan ang mga know-how ng trabaho niya.  

Magkakaroon ang dalawang set of photoshoot. Ang first set, siya lamang ang kukunan at ang second set naman ay silang dalawa na ni Kurt. Sinulyapan niya si Kurt na nasa tabi niya. Cool na cool pa rin ito.

"Alright, are we all good?" sabi ni Hena.

"Yes." Sabi nila.

Tumango lamang siya. Excited siya. First time niyang magiging model at sa tingin niya, ito ang magiging daan para may mapatunayan naman siya sa sarili niya at sa anak niya. Kaya pangako niya sa sarili niyang gagalingan niya.

Hinawakan ni Kurt ang kamay niya. "Alam kong kaya mo, Amia. Smile, relax and enjoy. You're the most beautiful girl in the world so just be you. Okay?"

Nag-inhale at exhale siya at binigyan si Kurt ng matamis na ngiti. "Aja!"

Hinalikan nito ang noo niya. "That's my girl." Para siyang napaso sa simpleng halik nito sa kanya. Laging ganito si Kurt. Laging sweet at tender. Nagtataka nga siya sa sarili niya dahil hindi niya makuhang ma-in love dito.

"Tara na." Yaya niya rito. Lilibot pa sila sa dressing room para makita ang mga susutin niya. Excited din siyang makita ang mga products.

[HIRO'S POV]

Naikuyom ni Hiro ang kamao niya. It was a sore in his eyes to see Kurt kissing Amia in her forehead. He went straight to this studio from the convention to see Amia. Pero hindi niya nagustuhan ang nakita niya. Uminit agad ang ulo niya.

"Easy, Man. Give her space nga 'di ba? Kaya you are not privileged to question that. Matatawa ka sa hitsura mo, Hiro. Para kang mananapak sa sobrang selos." Nasa likod pala niya si Keenan. May hawak itong coffee.

"You should have informed me about this! At saka you can have other male model, bakit si Kurt pa?" aniya. Naiinis kasi talaga siya.

"Its my queen's decision. And Hena's decision cannot be broken, Pare." Tumawa pa ito.

He sighed. He felt restless. "That's stupid!"

"Ikaw ang stupid kung hindi ka pa gagawa ng plan mo. You know, operation love-me-again-Amia. Pero sa tamang panahon. Kaibiganin mo muna. Huwag ipressure. Chill. You are too tensed."

Dumiretso sila sa coffee shop sa ground floor ng building. He ordered his own coffee. "I can't really believe this! I was so excited to see Amia pero iba ang nadatnan ko! Nakakainis."

Lumakas ang tawa ni Keenan. "You act so childish. Grow up!"

Tumayo siya. "Bahala ka na nga sa buhay mo! Uuwi nalang ako."

"Mabuti pa. Alagaan mo 'yang anak mo. Good luck, Pre!"

Tinaas na lamang niya ang keys niya as a sign of good bye. Agad niyang pinatakbo ang kotse niya. Ang anak din niya ang dahilan kung bakit excited siyang umuwi. Marami siyang pasalubong para dito at kay Amia. Kung pwede nga lang isama niya kahit saan ang mga ito ay gagawin niya.

Agad siyang nakarating  sa mansyon. Nadatnan niyang natutulog ang munti nilang anghel. Hinalikan niya ito ng marahan. "Hey, little man. How have you been? Daddy missed you so much."kausap niya rito. His son was peacefully sleeping and just the sight of him made Hiro so happy and complete. Parang nawala lahat ng inis at pagod niya.

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon