Chapter 37: Cotton and Alcohol

3.8K 63 0
                                    

[AMIA'S POV]

Walang palya sa pagpapadala si Hiro sa kanya bawat umaga. Sa paggising niya ay bubungad na agad sa kanya ang boquet ng bulaklak sa tabi niya at may sulat kamay pa nitong letter. Tuwing umaga rin siya nitong nilulutuan. Sa gabi naman ay kapag maaga ito umuuwi, inaasikaso pa siya nito imbes na siya ang mag-asikaso dito.

Kapag nasa Hospital naman ito ay hindi niya ito gaanong name-miss dahil madalas silang magkatawagan sa telepono. Para silang mga teenagers na nagliligawan sa ilalim ng punong akasya. Ang nararamdaman nila sa isa't isa ay parang kasisibol pa lamang.

Naputol ang pagmumuni-muni niya ng tumunog ang phone. "Hello?

Si Hena. "Hi, Amia! Susunduin ka pala dyan ni Kurt ngayon. On the way na siya. Gusto ko lang ipakita sa inyo 'yung outcome ng photoshoot! Grabe, you will definitely love it."

"Si Kurt?"

"Yes. Occupied kasi lahat ng drivers namin. Nag-prisinta naman siya kaya pumayag na ako. May problema ba, Amia?"

Umiling iling siya. "Ah, wala wala. Sige magreready na ako."

"Alright. Bye!"

Binaba niya ang phone. Umakyat siya sa kwarto para magbihis. Sinuot niya ang simpleng dress na binili ni Hiro. Tiyak na matutuwa ito kapag nakita siya nito suot iyon.

"Ma'am Amia, nandito po si Sir Kurt," sigaw ng isang kasambahay.

Nagmadali na siya. "Ito na pababa na. Pasabi sandali lang. Salamat!" Kinuha niya ang bag niya at phone niya. Dumaan siya sandali sa kwarto ng anak. Naglalaro ito kasama ng Yaya nito. "Yaya, saglit lang ako. Babalik din ako agad." Hinalikan niya si baby Alexander.

"Sige po." Sabi nito.

Tumango lamang siya at lumabas na ng kwarto. Pababa na siya ng hagdan nang makita si Kurt sa baba. Nginitian niya ito. Habang pababa siya sa hagdan ay titig na titig ito sa kanya. Sinalubong siya nito sa dulo ng hagdan.

"Paganda ka ng paganda..."

Hinampas niya ito sa braso. "Ewan ko sa'yo. Tara na nga. Mabilis lang ako at si baby baka magmaktol na."

"Tuwang tuwa si Hena sa kinalabasan ng shoot. Mahirap tanggihan ang babaeng iyon."

Sumakay sila sa kotse. "Oo nga, eh. Sana okay talaga noh. Sana maganda talaga. Kinabahan naman ako."

"You did great, Amia."

"Salamat."

Sandali lamang ang binyahe nila at nakarating na sila kaagad. Ite-text niya sana si Hiro pero naiwan niya sa kwarto ang phone niya nang magpaalam sa anak. Hindi bale, sandal lang naman siya. Agad na sumalubong sa kanila si Hena. Humalik ito sa kanila.

"Dali dali! I am so excited! Ang gaganda ng shots! Success!"

Nasa malaking projector ang mga shots nila. Napanganga siya. "Ang ganda..." sambit niya.

Siya ba iyong babae sa picture? Mas gumanda ito after i-process.

Pumalakpak ang mga staff doon. Masayang masaya siya.

"Congratulations, Amia.Sabi ko naman sa'yo kaya mo 'yan, eh!" niyakap siya ni Kurt. Napayakap na rin siya.

"Grabe! Salamat..." para siyang teary eyed.

Niyakap rin siya ni Hena. "Hindi ako nagkamaling kuhanin ka, Amia. You are beyond beautiful alam mo ba iyon. Here." Inabot nito ang isang tseke. "Here's your first reward..."

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon