Chapter 1: Si Amia, Ang Prinsesa Ng Pantasya

11.9K 103 2
                                    

Mula pagkabata ni Amia ay namulat siya sa pamilyang nagmamahalan kaya hanggang ngayon na beinte dos na siya ay hawak hawak pa rin niya ang paniniwala sa wagas na pag-ibig. Kwento sa kanya ng kanyang ina at lola, wala ni isa sa kanilang mga ninuno ang seperado. Namatay ang mga ito ng nagmamahalan pa rin. Mas lalo siyang humanga dahil nakita niya kung paano nagmahalan ang kanyang Lolo at Lola at ang kanyang mga magulang.

 Ang Lola Linda at Lolo Deto niya ay halos 65 years ng kasal bago sabay mamatay. Nasaksihan niya ang pag-aaway at agad na pagbabati ng mga ito sa mga problemang nais humadlang sa kanilang pagsasama. Nakita niya kung paano  maglambingan ang mga ito sa kabila ng mga kulubot na balat at kubang likod. Narinig niya ang mga palitan ng mga ito ng matatamis na salita kahit kapwa hindi na magkarinigan dala na rin ng katandaan. Para sa kanya, hinding hindi kukupas ang alaalang iyon ng kanyang Lolo at Lola. Walang sinabi ang mga love story ni Cinderella at Snow White sa kwento ng pag-ibig ng mga ito.

Unang namatay ang kanyang Lola dahil nalang siguro sa katandaan. Ngunit, apat na araw lamang ang lumipas ay sumunod naman ang kanyang Lolo dahil sa lubos na kalungkutan. Halos gumuho ang mundo niya noon pero nang tumagal ay masaya na rin siya dahil alam niyang wala ng mas sasaya pa sa kanyang Lolo at Lola kapag magkasama ang mga ito.

Hinaplos niya ang lapida ng mga ito. “Lola, Lolo, nami-miss ko na po kayo. Kahit sampung taon na po kayong wala parang bago pa rin sa akin. Ang lungkot-lungkot po kapag wala kayo sa bahay. Ang lungkot ko po.”

Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mga mata. Buwan buwan lang ang pagdalaw  niya sa sementeryo dahil napakalayo nito sa kanyang bahay sa bundok. “Pero pangako ko po sa inyo na kakayanin ko po ito. Sana po masaya po kayo diyan sa langit ng magkasama. Mahal na mahal ko po kayo.”

Tumayo na siya at nagpaalam sa mga ito. Sunod niyang dadalawin ay ang puntod ng kanyang mga magulang. Sa edad na trese anyos ay ulila na siyang lubos. Wala na siyang pamilya na makakasama. Ang kanyang mga magulang naman ay namatay sa isang aksidente sa Maynila. Dinalaw ng mga ito kaibigan ng mga itong nakakaangat sa buhay. Humingi ang mga magulang niya ng tulong dito upang siya ay tulungang makapag-aral. Sabi ng Inay niya ay mahirap kapag sa probinsya siya nag-aral lalong lalo na ay napakahirap ng buhay nila doon.

Kaya napagdesisyunan na kung tutulungan siya ay sa Maynila na siya mag-aaral gaya ng pangarap sa kanya ng kanyang pamilya. Para isa man lang daw sa kanilang pamilya ay may makatapos ng pag-aaral.  Ngunit, isang malamig na bangkay na ang umuwi sa kanya. Naaksidente ang kanyang mga magulang sa isang banggaan sa Maynila.

“Amy, umiiyak na na naman. Wala ka talagang sawa. Pati tuloy ako naiiyak sa’yo, eh.” Hinagod ni Harmony ang kanyang likod. “Tahan na. Sige na, Amy. Kaya ayaw kitang sinasamahan dito sa sementeryo kasi hindi ko na masikmura ‘yang kakaiyak mo, eh.”

Matalik niyang kaibigan si Harmony Herrera. Magkapareho silang hikahos sa buhay ngunit mas swerte ito dahil buo pa ang pamilya nito. Hanggang 1st year high school lamang ang kanilang natapos. Masasabi ngang achievement na iyon dahil sa nayon nila, pagsasaka at pagbabanat ng buto nalang ang inaatupag. Oo nga’t mahirap sila ngunit masaya naman sila.

“Pasensiya ka na, Mona. Hindi ko lang talaga mapigilan. Missed na missed ko na sila Inay...Gustong gusto ko na sila ulit makasama. Napakalungkot ng wala sila  sa tabi ko. Kulang na kulang ako..”

“Nandito naman ako, eh. Nandoon sila Nanay at Tatay, mga kapatid ko pa. Sabi ko naman kasi sa’yo sa amin ka na tumira para hindi ka nalulungkot sa kubo mo. Ikaw lang itong makulit.”

Tinignan niya ang magandang kaibigan. “Ayokong iwan ang kubo namin. At saka nakakahiya kila Nanang Alma. Hayaan mo na ako doon sa kubo. Lagi naman akong nasa sakahan at ilog kaya naiibsan ang kalungkutan ko. Maraming salamat talaga sa’yo, Mona.”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon