Chapter 5: Stick-to-itiveness

3.9K 47 0
                                    

Gumawa ng ingay sa buong Ospital ang lalaking nasagasaan nung nakaraang gabi. Halos lahat ay tila gustong malaman ang tunay na istorya. Lalo na ang mga kababaihang sa kabila ng pasa at sugat ng lalaki ay nakuha pa ring humanga sa angkin nitong kagwapuhan. Magdadalawang araw na ang lalaking ito dito ngunit wala pa ring pumupunta upang i-claim ito.

“Doc, kumusta po ang lagay niya?” sabi ng isang nurse.

Masasabi kong ligtas na siya. Pero ang oobserbahan natin ay ang natamo niyang head injury. Maghintay pa tayo ng ilang oras dahil baka may makakilala na sa pasyente.”

Tumango lamang ang mga nurse. Lahat ng mga ito ayaw awang awa sa sinapit ng lalaki.

“Mukha siyang artista. Ano kaya ang pangalan niya?” sabi ng isa.

“Ang gwapo niya ano? Paano pa kaya kung wala siyang galos sa mukha. Mukha pang may sinabi dahil ang ganda ng kutis. Sana wala pa siyang girlfriend o asawa ano?”

“Napakasasama ng gumawa sa kanya nito. Kung hindi siya ninakawan ay sana may pagkakakilanlan siya. Sana naman maligtas na siya. Para mas lalo siyang pumogi.”

“Kahit ganyan na ang mukha niya ayos na ayos na ako. Ang gwapo pa rin oh!”

“Kayong tatlo hindi lang siya ang pasyente dito.”

“Sorry, Doc! Sige ho, tawagin n’yo nalang po kami kung may kailangan kayo.”

“Active na active kayo kapag siya ang aasikasuhin, ah. Nakuu! Kayo talaga. Ah, pakisabi pala kay Mang Tunying pakilinis niya ngayon dito ‘yung CR. Salamat!”

Sabay na sabay tumango ang mga nurses. Ilang minuto lamang ay dumating na ang janitor. “Doc, magandang hapon po.”

“Ah, Manong pakilinis po ang CR. Baka po kasi dumating ang pamilya ng pasyente. Mukhang mayaman pa naman kaya kailangan malinis.”

“Hanggang ngayon ho wala pa ring dumadalaw sa kanya?” usisa ni Mang Tunying. Lumapit ito sa pasyente upang makita ng malapitan. Nanlaki ang mata ng manong.

“Doc! Kilala ko ‘ho siya! Asawa ‘yan ng anak ng kaibigan ko.”

“Nako, Manong! Bakit ngayon n’yo lang po sinabi?”

“Ngayon ko lang po nakita. Sigurado po ako, Doc.”

“Alam n’yo po ba kung saan nakatira ang asawa nito?”

“Oho! Ako na ho ang bahala. Maglilinis po muna ako at tapos na rin po shift ko. Pupuntahan ko na po agad.”

“Maraming salamat, Manong. Kayo lang pala ang susi.”

[AMIA'S  POV]

Pakanta-kanta pa si Amia habang hinuhulog ang nakwentang pera sa loob ng kanyang alkansyang kawayan. Isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa kanya ang paglalagay sa kanyang alkansya. Ipon niya iyon para sa kanyang pag-aaral. Desidido siyang matapos kahit hayskul.

“Wow! Mukhang nakakarami ka na, ah! Pautang naman diyan.”

“Hayaan mo, Mona. Kapag nakarami ay pauutangin kita.”

Tumawa ito. “Ang bait mo talaga! Niloloko lang naman kita. Alam kong mahalang mahalaga sa’yo ang perang iyan kaya uutangan ko na ang lahat huwag lang ikaw.”

“Ano ka ba! Hindi ka na iba sa akin. Kaya kung kailangan mo, bubuksan ko para sa’yo ang kawayang ito.” Aniya.

“Ang iniisip ko kasi kapag nakapag-aral ka na ay mas malaki ang mauutang ko sa’yo. Oh, daba?!”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon