Chapter 21: Cut the Crap

3.2K 54 0
                                    

[HIRO'S POV]

Dumaan pa ang mga araw na nakilala ni Hiro ang sarili. Pumunta siya sa sarili niyang mansyon. Ang dami niyang naalala nang tumuntong siya doon. Ikinasaya niya iyon. Unti unti na niyang naibabalik ang dating buhay.

He sipped his whiskey. He was enjoying the night. A night with his closest friends. Ito ang pangalawang beses na makasama niya ang mga ito. Noong una ay nanibago pa siya pero mula noon ay naalala na rin niya ang mga ito. Ngayon ay kasama niya si Cedric, Kurt at ang pinsan niyang si Keenan.

"We used to play billiards before. You always win here," umpisa ni Kurt. Isa ito sa mga sumundo sa kanya. He missed his kindness.

"I can always win, you know." He said lazily.

They laughed. "You're really an ass, Bro. But we missed you seriously," si Keenan.

Napatingin siya sa pagtira nito sa bola. Na-shoot nito. Napakunot siya. Mukhang madali ang larong ito ngunit parang natatakot siyang subukan kahit sabi ng mga ito ay magaling siya doon. It was so frustrating.

"We all believed that you are dead, Bro. Right now, I still can't absorb the fact that you are still alive," sabi ni Cedric. Naalala niya ito. Ito ang pinakamasayahin ang personality sa kanilang apat.

"Well..that's life." He hissed. He missed the taste of whiskey. He must have missed a lot of good things! Good things that he deserved. He deserved a break and lot of girls that will satisty his needs. Like before.

"You missed a lot of things, Hiro." Dagdag pa ni Cedric.

"Like?"

"Ashley is already married. And the baby is not really yours. She went to your house and apologized to your family. She was so sorry."

Hindi siya nagsalita. Hindi na siya nagulat. Noon pa lamang ay alam naman niyang hindi sa kanya ang dinadala ito. Nanahimik nalang siya. Wala na siyang pakialam sa nakaraan.

"So what happened to you ?" sabi ni Keenan.

"Well, I had an accident and had an amnesia."

"Yeah...and?"

He stared at them. They were really curious. Up to this point, no one knows what really happened to him. "A girl took care of me...that's all. Not so interesting."

"Is she your girl? Where is she now?" tanong ni Cedric. Ito lamang kasi ang hindi sumundo sa kanya kaya wala itong ideya.

"I don't want to talk about her anymore." Sabi niyang matipid. Ayaw niyang masira ang araw niya dahil kay Amia.

"Do you love her?" si Kurt. Napatingin siya rito. Mapanuri ang tingin sa kanya ni Kurt. Tila pinapaamin siya nito.

"Who?" sabi nalang niya.

"Amia." Anito.

Kumunot ang noo nito. Nahihimigan niya na parang may alam ito. Medyo nairita siya. "I will never ever love someone like her. And I am not capable of loving. You all knew that so please cut the crap."

Muling nagsalita si Kurt na seryosong nakasandal sa dingding. "It's been months, Hiro. It's very impossible that you don't feel anything....I think you love her."

Tinignan niya ito ng masama. "Use your common sense, Kurt. I have an amnesia and she was the one to take care of me. I was helpless and she was there...very simple."

"I don't think so."

"I don't love her. Never ."

Hindi pa rin siya tinantanan ni Kurt ng nakakalokong tingin. Naiinis siya. Ano bang gustong patunayan ni Kurt?

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon