Chapter 23: Kurt's Scent

Start from the beginning
                                    

Pinupog ni Amia ng halik ang kanyang anak. Limang buwan na ito. Habang lumalaki ang kanyang baby Samuel ay lumalabas ang feautures nito na nakuha lahat sa ama nito. Kamukhang kamukha ito ni Hiro.

Humagikgik ang kanyang anak sa paghalik na ginagawa niya. Hindi mahirap alagaan ang anak niya dahil napakalambing nito at hindi iyakin. Napangiti siya. “Anak, maraming salamat at dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal ka ni Nanay...”

Hinawakan ng anak niya ang mukha niya. Kinukurot nito ang ilong niya. Natawa siya rito. Oras na ng pagtulog nito. Umupo siya upuan at binreast feed niya ito. Si Kurt ang nagsabing mas maganda kung manggagaling sa kanya ang gatas ni baby Samuel.

Sabi nito, kailangan siya din ay healthy para maging healthy din si baby. Si Kurt ang naging sandigan niya mula ng ipanganak niya si baby Samuel. Hiyang –hiya siya rito pero nagsawa na rin siyang pigilan ito sa ginawa nitong kabutihan sa kanilang mag-ina. Si Kurt ang dahilan kung bakit parang grocery store na ang kubo niya sa dami ng stocks nila doon ng gatas, diapers at kung anu ano pa.

Kung hindi lamang niya ito pinigilan ay baka ibinili na siya nito ng house and lot na malapit dito. Napakabuti talaga nito sa kanila. Kaya naman si baby Samuel minsan ay hinahanap-hanap ang amoy ng Tito Kurt nito.

“Hay, salamat naman anak at hindi mo hinahanap si Tito Kurt. Kasi naman anak ang layo layo ni Tito Kurt dito, eh. Nakakahiya na sa kanya. Umasa ka nalang muna sa pabango niya. ” Kausap niya sa anak niya. Natawa tuloy siya nang maalala niya noong nakaraang lingo.

“Hello, Kurt? Kurt si Samuel kasi, eh…” tinawagan niya si Kurt sa cellphone na ibinigay nito sa kanya.

“Bakit, Amia? Anong nangyari kay baby?” nag-aalalang tanong nito. Dis-oras na ng gabi pero tinawagan pa rin niya ito.

“Kasi iyak siya ng iyak. Kanina pa ito. Pumunta na mga kapit bahay ko rito pero ayaw pa rin niyang tumahan, eh. Anong gagawin ko?” naiiyak niyang sabi.

“Wait for me. Pupunta ako diyan. I’ll use our chopper. Relax, Amia.”

Ilang minuto palang ang nakalilipas ay nakarating na si Kurt sa kanila. “Kurt, pasensiya ka na hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, eh. Si Samuel iyak nang iyak. Hindi ko na mapatahan.”

Kinuha nito sa kanya si Samuel na pawis na pawis at tumutulo na ang sipon kaiiyak. “Shhh…Baby Samuel…Here’s Tito Kurt…Tatahan na yan tatahan na…”Sinaway sayaw nito ang anak niya. Namangha siya nang unti unti nang tumitigil kakangawa si baby Samuel.

“Salamat, Lord.” Nasambit niya. Medyo napanatag na ang loob niya.

“Tahan na baby ha.Pinapakaba mo si Nanay oh.” Tumingin ito sa kanya.

Nginitian niya ito. “Ikaw lang yata ang hinahanap ng anak ko, eh.”

Yumakap ang anak niya kay Kurt. Ang kamay nito ay nasa balikat ng binata at ang ulo nito ay nakahilig sa dibdib ni Kurt. Malamnbing talaga ang anak niya lalo na sa binatang ito.

“Tulog na yata si baby, ah.”

“Naglalambing sa’yo.”

“Asus. Ikaw baby Samuel ha pinag-alala mo si Tito Kurt.”

Natawa siya rito. “Sorry talaga, Kurt. Naistorbo kita. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin.”

“Ano ka ba. Wala iyon. Mas maiinis ako kapag hindi ka sa akin tumawag.” Lumakad ito papunta sa kuna ng anak niya. “Ilapag muna natin siya para mahimbing ng makatulog.”

MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)Where stories live. Discover now