Chapter one

22.9K 311 5
                                    

Alex's POV

Nakakapagod yung meeting! May bago na naman na promo, bago na naman ang ieexplain sa group. Langyang marketing to buwan buwan na lang halos may bago, tsk! Di pa nga umiinit yung isang promo na kakalabas lang nila, eto at may bago na naman!

Bumalik na ako sa floor. And announce it to the group.

"OK guys, we will have a meeting at 1pm sharp at the conference room, I have something to present to you about sa bagong promo ng company, I'll answer all your questions later at the meeting"sabi ko sakanila. Nakakapagod! Asan na ba yung bestfriend ko na yun? Ayun nasa table nya. Gutom na ako, mayaya nga.

"Hey, Leila kain tayo ng lunch, tara?"sabi ko sa bestfriend ko dito. Since High School magkaklase na kami at iisa lang ang pinasukan namin na school nung college. At parang kapatid ko na rin. Alam nya lahat about sa pagkatao ko, yung kwento ng buong buhay ko alam din nya.

"Uhm hindi na may tinatapos pa kasi ako dito. Utos ng hari eh, alam mo na pag sinabi nya sinabi nya, bilhan mo na lang ako ng fav ko" sabi nya at ngumiti sakin.

"OK sige. Ayun lang? Baka may gusto ka pa? Ako na yung bahala sa lunch mo"pahabol ko habang kinukuha yung wallet sa bag ko.

"Wala na lex, salamat! Bawi ako later after work"Nagnod na lang ako at nagwave na sakanya.

Maglulunch na ako ngayon, hay salamat at makakapagpahinga ako, malalayo ako sa lahat ng stress sa work. Andito ako sa favorite kong italian restau at umorder ako ng fav kong carbonara, 3pcs garlic bread at bottomless iced tea, at nagpatake out na rin ako ng fav ni Leila na lasagna na may tatlong garlic bread. Yes pareho kaming mahilig sa pastas at yun na rin siguro ang dahilan kung pano kami naging close. Malapit lang naman ang restaurant sa office namin kaya very convenient ang work place ko. While waiting for my order, my nakita ako, isang familiar na girl, parang si Andrea, yung girlfriend ko, yes I'm a lesbian, but I don't cross dress. And unlike the others, stick to one ako noh. Anyways si Andrea nga yun!

"Andrea!" sigaw ko, pero di nya ako nilingon, matawagan nga.

Dialling...

Honey

ring...

ring...

ring...

ring...

ring...

"The number you have dial---"

Di nya sinasagot ang tawag ko, bakit kaya? Lalapit na sana ako, kaso biglang may lumapit na guy, at hinalikan nya si Andrea! Fvck! Andrea's cheating on me! So tama sila Leila, ang tanga tanga ko! Lumapit ako sakanila. Halatang gulat si Andrea.

"Hi honey! Sino yang kasama mo?"sabi ko sakanya, nagulat din yung lalake.

"The heck Andrea! Ano to?! Akala ko ba wala na kayo netong tibog to?!" sabi nung lalake

"Le-let me explain babe"pagmamakaawa ni Andrea.

"We're done! Bitch! Dyan ka na sa tibo mong jowa!" sigaw nung lalake. At umalis na agad.

"Ba-babe!!" habol ni Andrea, pero di na nya naabutan.

"Ano bang problema mo alex?! Bakit mo ginawa yun?!" tanong nya.

"So they are right, all this time niloloko mo lang ako! Sya ba ang kabit mo?!" sigaw ko sakanya, nangingilid na yung mga luha ko.

"He's my fiancè! Masaya ka na marinig ang totoo?! Ikakasal na ako! And I'm breaking up with you! Di ako naging masaya sayo! Never akong naging masaya sayo! Ginamit lang kita!" sigaw nya, sabay walk out, unti unti ng tumulo yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang tumulo, ang sakit sakit! Pano nya nagawang sabihin sakin tong mga bagay na to?!

Almost 3years na kami and there she goes, niloko ako. Umiiyak ako ngayon, yung puso ko dinudurog na. Unti unti nararamdaman ko na nahihirapan na ako huminga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Tinutusok tusok ang puso ko. Hinayaan ko na umiyak ako, at pagkatapos inayos ko ang sarili ko.

Bumalik ako sa restaurant na kakainan ko, pinilit kong kumain dahil ayaw kong nagsasayang ng pagkain at pera, at kailangan kong kumain, kailangan kong magpakatatag, di pwede na maapektuhan neto ang work ko, at nagaantay pa sa akin si Leila para dito sa lunch nya, ang dami ko ng problema sa buhay ko para isipin ko pa itong bwisit na lovelife ko.

I'm Alexandra Sandoval, Alex for short, dreamt of making a name for myself in the network industry, I work as a junior supervisor sa isang network company. I almost have a perfect life. I have material things, money, car, dream job, everything was perfect, kaso eto, niloko ako ng babaeng minahal ko ng buong buo. Breadwinner ng pamilya, may lasenggerong ama, martyr ang nanay, ayaw kasi nya iwanan ang tatay ko kahit na sinasaktan sya nito. Ang mga kapatid ko naman lahat nagaaral pa, I shoulder all the responsibilities dito sa pamilya namin, di ko na pinagtatrabaho si mama, alagaan na lang nya yung mga kapatid ko at ang ama ko. Ayan ang buhay ko, halos perpekto na pero masaklap pa rin. Sabi nga nila walang perfect dito sa mundo. I have to gather myself. Be strong Alex!

Joyce's POV

"Thea, asan na yung report for this month?! I need it now on my office. Thanks" sabi ko dun sa secretarya ko, I'm Joyce Annabelle Montenegro, only child, fifth generation sa pamilya montenegro, at nagiisang taga pagmana nila Gregorio at Elena Montenegro Garcia, kahit mayaman kami di ako spoiled brat, I know how to value the things I have, alam ko kung gano kahirap ang pinagdaanan ng mga lolo at lola ko just to have this business, well ako ay isa ring sexy hot chiq charot! Haha! Pero mas attracted ako sa kapwa ko, sa mga lesbians. Anyways nakakastress ang work ko, I handle the resorts, hotels, and spas all over the country. I work from 9am-10pm, workaholic ako, after work dito sa office thrice a month binibisita ko ang self owned kong spa sa may QC. Hands on ako dito sa business ko na ito. Ganyan ako kadedicated sa business ko. At kahit mayaman na ako may pangarap pa rin ako, I want to have my own name on the business industry, pinapangarap ko rin na maging Top1 Entrepreneur dito sa Pilipinas. Lovelife ba? Wala pa sa isip ko yan. Busy akong tao. Haha!

Ring...

Ring...

Ring...

"Joyce"pormal kong sagot sa kabilang line.

"Hey! It's me Marian! Busy ka ba? Tara labas tayo! Miss ka na ng barkada!" si Marian ang best friend ko since Elementary.

"Oh hi! Kelan ka pa dumating? I'm sorry best, busy right now, may annual inventory kasi this week, maybe next week"sagot ko

"Kakalapag ko lang. Hmmm! Kakatampo ka talaga best! Minsan na nga lang ako umuwi ng Pinas eh ganyan ka pa!"pagmamaktol ng best ko sa kabilang line, hay miss na miss ko na rin naman sila kaso busy kasi eh.

"Ay sus nagdrama na naman ang best friend ko! Haha! Ok ok I'll see you tomorrow at dinner same place ha! Kumpleto dapat tayo!"hirap talaga tanggihan ng best friend kong ito.

"Yes! Iloveyou best! Di mo talaga ako matiis best! Haha! Sige see yah! I'll contact Chia, Marie and Linda! MIss na miss ko na kayo!" sabay baba ng phone. Hay jusko tsk! Over time na naman ako ulit neto para bukas konti na lang ang gagawin ko.

"Thea, please clear all my schedule tomorrow 5pm onwards, yung mga meeting ko with the board reschedule it on monday"sabi ko sa secretarya ko.

"Yes Miss Montenegro, anything else?"sabi nya sa akin.

"Wala na, yung papers na pipirmahan ko bukas dalhin mo na dito sa opisina ko"pahabol na bilin ko sakanya.

"Copy miss montenegro"sabay baba ko sa telepono ko.

Sumandal ako sa upuan ko at huminga ng malalim. Mayaman nga ako, perfect life, kaso ang boring. I want something new. Buti na lang tumawag si Marian kundi mababaliw na ako dito sa opisina ko. Makapaglunch na nga.

Andito ako sa isang restau sa mall, malapit lang naman ito sa office ko, kahit na pwede naman ako magpadeliver, nakakastress kasi kumain sa opisina ko looking at the desk na puno ng paperworks ko.

100 days with the PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat