Chapter 31 |Confrontation|

Start from the beginning
                                    

Nang maramdaman kong hindi siya makikipagshake hands ay natawa ako ng bahagya.

Oops. I played it good.

"Mukhang namangha pa ang fiancè mo na may maganda kang kapatid, sis." sabi ko habang plastik na tumatawa't hinawi na lang ang aking buhok.

At siguro mamamatay na ko sa kakatawa dahil sa itsura ng kapatid ko ngayon. She looks like a devil. Oh no, devil na pala siya. I forgot.

Bagay sa kaniya ang pula ngayong araw na to dahil namumula na rin ang mukha niya sa mga pinagsasabi ko.

"Chill, sister. I'm just kidding. Nakakatawa lang kasi na hindi nakipagshakehands sa akin ang fiancè mo which I find it so rude, " nguso ko at iling.  Pagkatapos ay tumingin sa mga mata nitong walang masabi sa aking sinabi at nananatiling nakatingin pa rin sa akin. "Well, the situation earlier ang magpapatunay na you both rude." I said at umalis ng may ngiti sa labi dahil nakayanan kong maging matatag sa harap nilang dalawa.

Nang makahakbang na ko ng dalawa ay may naalala ako't muling humarap sa kanila.

"Oh and by the way sis, huwag ka namang magpakaplastik na close tayo. We're not even close that much. Kahit na konti. We. Are. Not. Sister in blood and will NEVER be.

And... I like your fiance's rudeness towards me. Ayan pa naman ang mga gusto ko. Masungit sa umpisa, pero sa dulo, bibigay din naman pala." nakangiti kong sinabi at kumindat sa kaniya't umalis.

Mas lumawak ang ngisi ko ng makita ang mukha niyang nagpipigil sa galit.

Ganiyan nga. Mainis ka.

I'm going to make your lives as a living hell.

Bago ako tuluyang umalis ay tumingin muna ako sa dalawang pares ng mata na sinaktan ako 3 years ago.

I am your baby, Van. Pero noon yon.

Hindi ko man lang naisip na may mga tao rito sa mall or what. Hindi ko na rin naisip na nasa tabi ko pala si Faye sa sobrang focus samin ng pangyayari.

"Grabe gurl!!!! Iba ka!!! Hindi kita nakilala. Goodness gracious! Kanina lang mangiyak ngiyak ka na sa bench and now, " sabi nito at iginaya ang mga kamay sa aking ulo na parang may invisible crown na ipapatong sa akin. "You're Queen!"

Natawa na lamang ako sa mga sinabi niya.
"I need to be strong Faye. Tanging sarili ko na lang ang maasahan ko bukod sa inyo."

Laking gulat na naman ang makikita mo sa mukha niya dahil napahinto siya sa paglalakad.
"Grabe talaga yung awra mo sis e! Ayan ba napapala ng streetfoods? Halika dali, makabaon at makakain nga nang sa ganon, maging ganiyan ako katapang! Kanina talaga, gusto kong magvideo e kaso naistarstruck din ako sa mga bars mo e. Ang lulupet!" daldal nito.

Natatawa na lamang ako habang nangingiti sa mga nangyari.
Atleast I took my revenge ng ganon kasmooth even my heart's feeling a pain.

Masyado nang maraming nangyari ngayong araw na ito.

I need to prepare myself to the real battle.

Babawiin ko lahat ng akin.

Bumili na lamang kami ni Faye sa kabilang store medyo malayo sa kung saan nakita namin ang ex ko at ang stepsister ko.
At nang matapos ay umuwi na kami sa condo dahil nakakapagod rin ang nangyari sa araw na to.

Habang bumabiyahe ay nagkaroon na naman ako ng oras para pagnilayan ang mga nangyari kanina.

"Baby.. You're the most beautiful woman I've ever seen. At sa tingin ko, kahit saan ako tumingin, ikaw at ikaw lang ang makikita ko."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now