Chapter 5 |His Eyes|

13 3 0
                                    

"Are you hungry?" Van said.

Kakatapos lamang ng subject namin before recess at ngayon ay tinutulungan niya na kong magligpit ng gamit.

Yung dapat na usapan naming lumabas ay hindi natuloy dahil busy kami sa groupings at concept papers na pinapagawa sa amin.

"Ahuh. But I want to finish my concept paper first." I said at binitbit ko na din ang mga gamit ko.

" Gagawin natin yang concept paper after nating kumain. Let's go, ayokong nagpapalipas ka ng gutom." He said.

Nagulat na lamang ako ng kunin niya ang gamit ko pati na din ang bag ko.

"Van.." Nasanay na ko sa pagtawag sa kaniya nito.

"Hmm?" Nakangisi niyang banggit at nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kaniyang kanang kamay at ang kaniyang kaliwang kamay naman ay hawak hawak ang limang libro ko ng walang kahirap hirap.

"I'm.. fine. Di mo na kailangang gawin to." Sambit ko. Ngunit binalewala niya lang ito at hindi ako nilingon.

Ipinagpatuloy lamang namin ang paglalakad habang ako'y nakatingin sa hawak hawak niyang kamay ko.

Bakit hindi mo binitawan Zaphira?
I want to punch myself after this.
After this? Bakit hindi na ngayon.

Pagkapunta namin sa cafeteria ay ipinaghila niya ko ng upuan.
Itinabi niya naman ang aking mga gamit sa vacant seat na nasa tabi namin at agad na kumuha ng order para sa aming dalawa.

Bumalik ito sa aming table dala dala ang kaniyang inorder.

Bago pa lamang kami kumain ay inasikaso niya muna kung ano pa ba ang kailangan sa hapag. Nang ayos na ang lahat ay tsaka kami kumain.

"Anong oras kayo makakauwi mamaya? I'll fetch you." Sambit nito.

Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya. Makakauwi? Saan ba ko pupunta?

"Did you forgot? May groupings kayo after ng class ah."
Sabi niya na talagang mas kabisado pa ang schedule ko kaysa sa akin.

Naalala kong may groupings nga pala kami sa Philosophy.
Medyo awkward siguro dahil mas komportable ako sa individual works kaysa sa groupings.

"Do you want me to be with you?"
Nakangisi niyang banggit.

I just rolled my eyes.
Duh. Ayan na naman siya. Dahil hindi ako komportable sa maraming tao ay sasamantalahin niya iyon para samahan ako.

"Hindi na ko bata, Vandrius." I said.

"Hmm, okay. If that's what you want. Basta susunduin na lang kita. I'll just text Faye kung anong oras kayo uuwi."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Faye? Faye Delos Reyes?
He has so many textmates huh?

"What's with frowning baby? Are you jealous?" He asked while smirking.

"What? No! No way in hell I would got jealous by that." I said.

Ngayon ay tumatawa na ito na mas lalong nakapagpairita sa akin.

"Why so defensive baby? Halika nga rito" akmang yayakapin niya ko ng tinaas ko ang kilay ko.

Binawi niya naman ang braso niyang yayakap sa akin.

"Ayy, wag na nga. Takot ko lang sayo misis ko. Baka mabali na naman ang buto ko tulad nung firstday." At tumawa na siya.

Naalala ko din iyon. Nagulat kasi ako and I'm not really interested sa mga taong nasa paligid ko that's why it happened.

In the Shell of Emptinessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें