Chapter 27 |Revelation|

13 2 0
                                    

Napamulat ako ng medyo nangangalay ang bandang kanang braso ko. At nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita kong nakaupo na si Ivani habang natutulog sa tabi ng kama ko.

Mas lalo siyang mahihirapan sa puwesto niya!
Ginapangan man ako ng guilt at aakmang gisingin siya para lumipat sa mas komportable na lugar ngunit pinili ko na lang na huwag siyang gisingin dahil baka hindi na rin siya makatulog pa kaya't hinayaan ko na lamang siyang naroon.

Inialis ko lamang ang aking braso banda sa kaniya nang dahan dahan at bumaba na para maghanda ng magiging almusal ngayong umaga.

Habang nagluluto ako ay inisip ko ang mga nangyari kagabi at ang presensya ni Ivani na kinailangan ko.

Sa nakalipas na tatlong taon, hindi ako kailanman binigo ni Ivani. Oo at nagawa niya ang mga bagay na iyon dati ngunit mas tumitibay ang paniniwala ko na ginawa niya lamang iyon dahil sa pagmamahal niya sa akin. At alam ko namang, hindi na niya kailanman gagawin pa iyon.

Sa nakalipas na taon na iginugol ko sa paghahanap ng kasagutan kung bakit ako ang laging trip ni tadhana na parusahan ay nandiyan ang mga kaibigan ko kasama na siya na laging nagpapaalala sa akin na kahit trip ako ni tadhana, nandiyan at nandiyan sila para tanggalin lahat ng kalungkutan na bumabalot sa aking sistema.

Nang matapos na kong magluto ay inihain ko na ito sa dining table at binuksan ang tv.

Akma na rin akong aakyat para tawagin at gisingin si Ivani upang kumain na nang marinig ko ang balitang binungad sa telebisyon.

Escavantes and Pallahar's business's been emerged.

What?
Escavantes? Pallahar?

Hinintay kong may mapakita silang kung ano anong patungkol sa business ng Escavantes at ng kung sinong Pallahar na pamilyang iyon.

Iisa lang ang kilala kong Pallahar.

"Oh yes, they are engaged three years ago up until now. Who would have thought na ang isang arranged marriage e magwowork pala sa kanilang dalawa." Isang nakangiting ginang ang nakaharap sa camera ang nagsalita. A familiar shape of her jaw and face made my body froze a bit. Sinabi niya ang naging dahilan ng pag emerge ng dalawang kompanya.

Nilunok ko ng sunod sunod ang lalamunan ko dahil ginapangan ng kaba ang aking dibdib.

Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mata nang ipakita sa telebisyon ang opisyal na pagmemerge ng dalawang kompanya. At ipinakita doon ang pamilyar na mukha ng isang lalaki at babae.

Fate? Destiny? I am fucking tired to your scheme. Please wake me up.

Tanging dinig ko na lamang sa aking sarili. Di ko na alam kung nasasaktan ba ko o natatawa dahil napaka-mapaglaro ng tadhana.

Sa gulat ng buong sistema ko ay di ko na namalayan ang isang kamay na humarang sa mga mata ko na nakatulala lamang roon.

Oh god, it's dream! It's dream!!!

"No. Hindi iyon panaginip, Zaphira.." Isang baritonong boses ang aking narinig na natitiyak kong pagmamay ari ng kamay na tumakip sa aking mga mata.
Tila nababasa niya ang aking inisip.

"Why.." Sa sobrang pagkatulala ko ay hindi ko namalayang natanggal niya na pala ang kamay sa aking mga mata at napatay na niya ang Tv.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now