Chapter 31 |Confrontation|

15 3 2
                                    

Akala ko ay uuwi na kami after we ate. Nag aya pa si Faye sa loob ng mall dahil nakalimutan niyang bumili ng pouch. She's too lazy para magbrowse pa and umorder sa online.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit palubog na ang araw ay ang hyper pa din ng babaeng to. And I knew for sure na that's the reason kung bakit nagkainlove-ban ito saka si Drew.

She's now choosing a perfect pouch for occasion at ako naman ay ginagabayan siya sa pagpili.

"What do you think to this one? "itinuro niya ang pouch na may pastel pink na kulay.

I just nod as sign na okay lang ang kaniyang pinili.

"How about this one?-----" naputol ang kaniyang pagsasalita dahil sa nakita sa aking likuran.

At dahil curious ako'y napatingin na rin ako sa aking likuran. Baka may kaguluhang nangyayari kaya ganiyan ang itsura niya.
Ngunit heto at heto pa rin ang eksena.

Ang kaninang iniiwasan ko ay talagang nagpakita nga sakin ngayon.

My sister is slowly walking towards me wearing a red dress na terno sa lips, sandals and bag na bitbit nito.

And ofcourse, my ex.

Parang may bumara muli sa aking lalamunan ng magkatinginan kami ng ex ko at nang stepsister ko.

"Oh, look who's here. Hello sis! How are you? I missed you!" pakunwari'y bumeso ito sa akin at nagsmirk pagkatapos.

Napataas ang kilay ko sa ginawa niyang pagpapanggap na aksyon.
Nakakatawa lang ang ginagawa niya ngayon.

Panggap ba gusto mo? Well, I'm in.

Kahit na mabigat sa aking dibdib ngayon na magkasama silang dalawa ay nagawa ko pang magpokerface at ipakitang wala akong pakealam sa kanilang dalawa.

Award me for being the "best pretender" of all. Lol.

Nagfake smile din ako sa stepsister ko at tinuro ang ex ko.
"Who is he?" I said. Straight to his eyes.

Oo. Gusto kong ipamukha sayo na hindi kita kilala.

Gusto kong ipamukha sayo na wala ka ng babalikan pa. At wala kang naging girlfriend na Zaphine Kira Voltahar.
You lose me.

Medyo dumilim ang mukha ng aking kapatid sa aking sinabi pati na rin sa pagtitig ko sa kaniyang 'fiancè' kuno magmula ulo hanggang paa.

Well dapat lang. Mainis ka. Haliparot.

"He's Vandrius. My man. My fiancè" she said it so smooth. Proud.

Fvck.

Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko.

Mahirap pala talaga lalo na't sa kanila mismo nanggaling yon. Sa kapatid ko pa. Na mortal kong kaaway.

Kailangan kong maging matapang. Ayokong magpaapekto lang katulad kanina nung nakita ko sila.

I smirked. "Nice to meet you. I'm Zaphira. Her stepsister." gamit ang natitira kong lakas ay inangat ko ang aking kanang kamay para makipagshakehands sa kaniya.

Well, you played me. At game over ako noon.
And now, I'll play. I'm going to make sure na you both lose at game over sa larong matagal na kong pinapaikot ikot.

Nakita ko namang parang naistatwa siya sa asal ko at pati na rin siguro sa sinabi kong stepsister ko ang fiancè niya.

You said, you want to know me.
Ngayon alam mo na ang kalahati sa kung sino ako. Assh*le.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now