Chapter 15 |Sundo|

12 3 0
                                    

Kinabukasan ay nangalap ako ng impormasyon sa kung saan inilibing si Papa.

Agad naman na itinuro sa akin ang lugar.
Hindi na sumama si Nana Selia dahil may aasikasuhin pa siya sa malapit na bayan.

Ako na lamang ang pumunta sa lugar na iyon at hinanap ang labi ng aking ama.

Nang makita ko ang pangalang ng aking ama ay hindi ko napigilang lumuha.

Kung maibabalik lang ang mga panahong kasa-kasama ko pa si Papa. Siguro ay hindi ko na lamang siya dadaan daan o sasagutin man lang.

Pero sabi nga nila, "nasa huli ang pagsisisi."

Kaya sa isang buhay na ipinagkaloob sa atin ng diyos ay dapat nating pahalagahan ang ating sarili maging ang mga tao at bagay sa ating paligid. Maliit man ito o hindi, Di man ito perpekto, we should love them with all of our hearts. We only live once, and as we live, We must live our life on it's fullest.

Siguro ang dapat ko na lamang magawa sa sitwasyong ito ay ang tanggapin na wala na ang aking mga magulang sa aking tabi.
Acceptance is the key to move forward and continue the life that God given by us.

Forgive. Forgive those people who sincerely regret their sins. Wala namang perpekto sa mundong ito. People are equally created. At kung may masama, may mabuti. Kung masaya, may malungkot.. And those people na nagpatawad kahit mahirap, they're truly a child of God.

Lastly, continue Loving. Because you are not going to accept the reality if you don't love that person.
You don't forgive if you don't love that person.
You don't trust if you don't love that person..
"Love conquers all" and in every situation, even in difficulties, you are not going to become the person whom you are today if you don't even love yourself at all.

I love my parents. And it will always stay eternally.

Tumingala ako sa langit.
I smiled genuinely.

Kitang kita at damang dama ko ang liwanag ng araw na tumatama sa aking mukha kasabay ng luhang pumapatak sa aking mata.

I should live now by my own. I will fight my rights at hinding hindi ko hahayaang makukuha na lamang ng basta basta ang lugar kung saan marami kaming naipundar na memorya kasama ang aking magulang.

Di ko na namalayan ang oras at magtatanghali na. Masyado akong nag emote at hindi ko na inisip ang mga susunod kong gagawin.

Nang makauwi ako ay todo ang alala sa itsura ni Nana Selia.

"Naku, ano ka ba namang bata ka! Bakit natagalan ka? Nag alala ako sayo!" Sermon nito sa akin.

Ngumiti lamang ako ng matamis at tsaka hinawakan ang kaniyang kamay upang igiya na sa loob.

Panay naman ang kaniyang tanong kung anong nangyari, at anong ginawa ko. Ako naman ay inilahad sa kaniya ang gusto niyang malaman.

Bukas ay babalik na ko ng Maynila. Kailangan kasing mag ensayo ng Graduation at ang tanging paalam ko lamang rito ay ang pagkamatay ng aking ama.

Ang dalawang mag inang iyon naman ay masyado na sigurong kampante sa ngayon. Pero mainam na rin iyon dahil pagkabalik ko rito ay hindi na sila makakatuntong kahit anino nila sa mansiyon ng pamilya ko.
Ipaglalaban ko ang mansiyong iyon. Wala pa kong plano sa ngayon ngunit titiyakin kong babawiin ko ang mansiyong iyon sa kanila.

In the Shell of EmptinessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt