Chapter 18 |A Shell and Pearl|

20 3 0
                                    

Isang buong linggo ang continuation ng practice ng graduation.

Nextweek na rin ay makakamit na namin ang kaniya kaniya naming diploma. Ang bunga ng aming pagsisikap at determinasyon.

"Z-Zaphira." Napabaling ang aking atensyon sa baritonong boses na tumawag sa akin.

Kakatapos lamang ng buong araw naming pagpapractice. Narito ako ngayon at papunta na sa locker ko ng marinig kong may tumawag sa akin.

Nakita ko naman si Andrew. Classmate ko siya sa isang minor subject.

Nang nilingon ko ang paligid ay kita kong wala ng tao bukod sa amin.

At nang tignan ko ito ay yumuko ito't inayos ang kaniyang salamin na bumagay sa kaniyang mukha at kinamot ang kaniyang batok.
Mukhang nahihiya pang sabihin kung ano yung sasabihin niya.

"Why?" Malamig kong sabi. Di kasi ako sanay na makipag usap sa ibang tao.
Di ko siya tinignan dahil abala ako sa pagkukuha ng mga gamit ko sa locker. Nang matapos kong kunin ang bag ko ay isinabit ko agad ito sa aking braso at muli siyang hinarap.

Ganoon pa rin ang postura nito. Ano bang kailangan niya? Pupunta punta siya dito tapos ganiyan itsura niya.

"A-Are you busy this coming weekend?" Utal nitong sabi.

Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I'm not that dumb para hindi malaman ang sinasabi niya.

"And why?" I asked again. C'mon. Just tell it straight to the point, man. So I can go home.

I know he isn't a type of a man na playboy or may gagawing masama but I am not really that comfortable na makihalubilo sa kaniya lalo na't hindi ko naman siya close and out of nowhere, susulpot siya; asking that thing..

"Since one week na lang bago tayo magkakahiwalay-hiwalay, I'll confess. I have a feelings for you." Sa sinabi niyang iyon ay hindi siya nautal. Nakakagulat iyon.

Tinignan ko lamang siya dahil hindi ko alam kung anong irereact o sasabihin.
But at the end, to finally finish this scene, nagsalita ako.

"How?" Yun na lamang ang nasabi ko. What the hell, nawiwindang din ako okay?

Ang daming tanong na dumadaloy sa utak ko. Like, HOW? E hindi naman kami nagcross ng landas. Hindi kami nagkatinginan, nagkausap. And now.. Nawindang ako ng lumapit siya sa akin. Nawiwindang ako ng nakipag usap siya sa akin and then, MAS NAKAKAWINDANG NA MAGCOCONFESS SIYA SA AKIN? How will I suppose to react in this kind of situation? Be calm? What the hell, how to be calm?

He chuckled, "I don't even know. Kapag nakikita kita, you were like a puzzle to me, gustong gusto kitang lapitan at---"

"And complete the missing piece of her, being a jigsaw puzzle? C'mon man. That's so cheap." Isang malamig na tono ang nakapagpahinto sa taong nasa harap ko na nagsasalita. It's him.

Halata sa mukha ni Andrew ang pagkairita dahil sa taong dumating.
"Van. Don't interfere. Gusto ko si Zaphira and I won't let any man. Even you, ang hahadlang sa akin." He's really determined.

Tumawa lamang ang taong nasa likod ko.
"Go on, as if she mapupunta siya sayo." Paghahamon nito. Ramdam na ramdam ang pagkadiin ng bawat salitang binibitawan niya.

Tinignan ko lamang si Andrew at hinintay ang kaniyang sasabihin. Parang sa ilang minutong nakatayo ako rito ay hindi ako nakahinga. F-ck. His presence is really intimidating. It's Vandrius whom I'm talking about.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now