Chapter 14 |Forgiveness|

12 3 0
                                    


Totoo nga na pinaalis ng mag inang iyon si Nana Selia.

Narito siya ngayon sa aking tabi at nagpapahinga na.

Nakitulog na lamang kami sa kaniyang kakilala malapit sa aming mansyon.

Tulog na si Nana Selia at ako'y hindi pa tinatablan ng antok. Di naman ako nakapagtext kay Van kanina kaya naisip kong magtext muna sa kaniya.

Nagulat ako nang pagkasend ng text ko ay tumunog na agad ang  aking cellphone. Hinawakan ko naman iyon at sinagot ang tawag.

"Hmm?" Matamlay na sagot ko.

"What happened? Are you okay?" Dinig ko sa kabilang linya ang mga masasayang tugtog at napagtanto kong nasa bar nga ito.

"Nasan ka?" Hindi ko inintindi ang tanong niya.

Dinig ko namang nawawala na ang maiingay na tugtog na narinig ko kani-nina lang. Marahil ay lumayo siya para makausap ako.

"There's a bit celebration here with my friends. We're at the bar." He said.

Tumango na lamang ako na tila nasa harap ko siya.

"So, what happened? Are you okay?" He asked.

Napabuga na lamang ako ng hangin sa kaniyang tanong. Wala rin naman siyang alam sa aking Pamilya. Ang alam niya lang ay naparito ako para magluksa sa pagkamatay ng aking ama.

"Ayos naman ako rito." Iyon na lamang ang sinabi ko.

Dinig ko naman ang pagbuntomg hininga niya sa kabilang linya.
"You sure?" He asked.

"Yup. Don't worry about me. I'm okay." Usal ko.

Ilang segundo pa nang hindi siya sumagot at napahinga ng malalim.
"Damn, baby.. I miss you so much." He said.

Nagulat ako ng banggitin niya iyon. Kanina lang naman kami nagkahiwalay ah. Siraulo to.

Napatawa ako sa sinabi niya.
"Ewan ko sayo."

He groaned.
"Damnit!you don't missed me, do you?"

Mas lalo akong natawa sa tono ng boses niya. Para siyang batang gustong makuha ang gustong candy. Panigurado, sa personal ay nakabusangot ito.

Magsasalita na sana ako ng marinig kong may tumawag sa kaniya sa kabilang linya.

Boses ito ng babae.

"Let's continue what we're doing."

Napakunot ang noo ko sa tono ng babaeng iyon.

Tonong ikinaiirita ng buong sistema ko. Ang tonong tila nang aakit. Nakakasura.

"Hey, Kailangan ko nang bumalik sa party. I'll call you later pagtapos nito." Sabi ni Van.

Hindi na lamang ako umimik at inaantay siyang ihang up ang tawag namin. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay tinawag niya ang pangalan ko.

"Zaphira? Hey, Are you still there?"

Nag ehem na lamang ako para malaman niyang naririto pa ko.

"Sino iyon?" Kuryoso kong tanong.

"Who?" Banggit niya. Napairap na lamang ako sa patay malisya niyang pagsagot.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now