Chapter 9 |Power of Love|

21 3 0
                                    


Hindi ko alam kung maniniwala ba ko o hindi.

Kahit na ang bigat ng aking nararamdaman ay ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa kanilang litrato.

Narito pa rin ako at tumitingin sa wall ni Faye.

Nakakainis mang isipin na bakit pa ko tumitingin rito, hindi ko rin naman maalis ang mata ko sa kanilang mga litrato.

Oo. MGA. Dahil bukod roon sa kaniyang display profile, may mga post pa si Faye na mga pictures nila magmula noong bata pa sila at may mga sweet captions na talaga namang kung hindi ka bitter ay magiging idolo mo na sila.

Di ko naman din ipagkakaila na sa paglipas ng mga buwan na nakilala ko si Van ay may nararamdaman na ko. Alam kong nagugustuhan ko na siya.

Pero hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pagkagusto ko sa kaniya gayong alam kong may nagugustuhan na pala siya.

Maglolog out na sana ako ng pagkarefresh ko ay nakita kong may panibagong post si Faye.

Napangiti ako ng mapakla sa post nito.

Kamay lamang nila ang nasa picture. Magkahawak ito. Ng mahigpit.

Sobra sobra ang sakit na nararamdaman ng aking dibdib at napangiti na lang ako ng mapakla ng may tumulong luha galing sa aking mga mata.

Kilalang kilala ko kasi ang kamay na hawak nito.

Ang maugat nitong kamay at ang relo nito.

Ang higpit ng hawak ng kamay nito na para bang ayaw niyang pakawalan ito.

With caption pa ng, "give me your hand darling, do you feel my heart beatin'?"

Ilang saglit pa na hindi ko na maaninag ang screen ng phone ko dahil sa pagkalabo ng aking mga mata gawa ng mga luha na pumapatak sa aking mata ay pinunasan ko agad ito.

Ilang minuto lang ay ang dami nang nagreact, nagshare at nagcomment dito.

"Sabi na e. Sila talagaaaa"

"Childhood couple is the best <3"

"Do you feel the same? Yes! Vandrius feel the same too!"

Sobrang sakit na hindi magawang tanggapin ng sistema ko ang lahat.

Kailan pa?

Malamang ay si Faye ang kasama nito sa pag uwi.

Malamang ay kumain at nagdate pa iyon kung kaya't hindi na ko naalala pa ni Van.

Pumikit ako ng mariin at inaalala ang mga nangyari kaninang umaga.

Kaya ba nanahimik na lamang siya dahil narealized niyang napagtataksilan niya ang girlfriend niya? Na dapat hindi niya ko tinatawag na 'baby' huh?

Fine. Lalayo na lang ako. Tutal ay may girlfriend na siya.

Malamang ay alam niya na ring hindi pwedeng mag usap kami dahil may girlfriend na siya.

Lalo na't isang beses na ring pinagselosan ako ni Faye.

Matapos ng mga nangyari ay itinulog ko na lamang ito.

Gabi na ng magising ako at nakitang 8:29 na.
Medyo nalipasan na din ako ng gutom dahil sandwich lang ang kinain ko kanina.

Dahil gabi na rin ay tinatamad na kong magluto. May cup noodles naman kaya't nilagyan ko na lamang ng mainit na tubig.

Habang hinihintay ko ang pagluto ng noodles ay hindi maalis alis sa isip ko ang mga nangyari kanina.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now