Chapter 25 |Rapist|

21 2 0
                                    

"Nana Selia.." Sambit ko sa kabilang linya.

Sa nakalipas na tatlong taon ay hindi nawawala ang koneksyon ko sa kaniya. Siya na lamang kasi ang natitirang pamilya ko. Inalok ko siya na lumipat dito sa Manila at makasama ako ngunit tumanggi naman siya at sinabing buhay niya ang Puerto Sigla kung kaya't hindi niya iiwan ito. Kung kaya't gamit gamit ang naipon ko sa pagtatrabaho na pera ay ibinili ko siya ng magiging tirahan doon upang hindi na siya manirahan pa sa kakilala niya.

Sa nakalipas na tatlong taon din ay hindi ko na muling binisita pa ang Puerto Sigla. I'm a bit frustrated about myself dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakahanap ng makakapagpabagsak sa mag inang iyon.

Pero sa ngayon ay naghired na ko ng investigator na mag-iimbestiga sa mag inang iyon.

I don't even know why I'm doing this now and not before. Napakatanga ko dati at iniiyak lamang ang paghihiganting isinasaisip ko lang naman.

Ngayon ay kikilos na ko. Tama na ang tatlong taong pinabayaan ko sa mag inang iyon ang mansyong sa aming pamilya talaga nararapat.

"Zaphira, iha.." Sambit naman nito sa mababa at napapaos na tinig.

Tumatanda na si Nana Selia. Pero sa bawat pagkakataong tumatawag ako sa kaniya katulad nito ay palagi niyang pinapalakas ang loob ko dahilan para lumaban ako sa pagsubok ng buhay.

"Kamusta na po kayo? Inaalagaan ba kayo ng caregiver na hi-nire ko? Nakakakain ba kayo diyan ng maayos? Yung gamot niyo po?" Nag aalala kong tanong.

Bahagya ko namang narinig ang paghalakhak niya sa kabilang linya na nakapagpangiti agad sa akin.

"Ikaw talaga iha, ako palagi ang iniintindi mo kapag tumatawag ka sa akin. Dapat nga ay ako ang mangamusta sayo at tanungin kung kamusta ka na riyan?"

Napangiti ako sa sinabi nito.
Wala man ang presensya ng magulang ko sa tabi ko. Nariyan naman si Nana Selia upang alagaan at ituring akong anak.

"Ayos lang po ako rito, Na. Magpahinga ka po ng maayos diyan." Paalala ko sa kaniya.

Kahit na hindi ko man nakikita ang kaniyang mukha ay batid kong nakangiti ito. "Zaphira, iha. Magpakatatag ka lamang ah. Lagi mong tatandaan na hindi ka nag iisa. May mga taong nagmamahal pa rin sayo.. at manalig ka lamang."

Iyon ang huli niyang sinambit bagi maputol ang tawag.

Naging abala ako sa mga paperworks ko. Sa ngayon kasi ay nagtatrabaho ako sa kompanya nila Ivani.

He wants to help me pagkatapos nung Graduation ko. He offered me to be part of his company but I refused. Kaya sinabi ko sa kaniyang mag aapply pa din ako sa tamang proseso.
At sa kaswertehan ay nakapasok naman ako.

Buong araw ay inabala ko ang sarili ko sa trabaho kahit na panay ang vibrate ng phone ko dahil sa tawag ni Faye.
Pinili ko ng sagutin ang tawag nito dahil alam ko naman na hindi ito titigil hangga't hindi ko sinasagot ang tawag.

"Oh?" Bungad ko.

Tumili naman siya sa kabilang linya dahilan para maiwas ko ng kaunti ang cellphone na hawak ko.
"What happened to you last night?!" She asked abruptly.

I didn't know what she suppose to say. But I do have a hint on it.
"Anong ibig mong sabihin?" I asked for this conversation be stop as soon as possible.

"Nakita mo siya?" She asked worriedly.

I roll my eyes. Sabi ko na nga ba.

"Uh..yeah." I nod as if she's infront of me.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now