Chapter 11|Possessive|

19 3 0
                                    


"Okay ka na ba ngayon?" Napabaling ang atensyon ko sa lalaking may hawak ngayon ng isang tray na may mangkok nang lugaw at gatas.

Iniwas ko lamang ang tingin ko sa kaniya.

Naramdaman kong inilapag niya ang pagkaing dala sa side table.

"C'mon. Kumain ka muna.." Pagsusumamo niya.

Matalim ko lamang siyang tinignan at sinabing wala akong gana.

Huminga lamang ito ng malalim.
"My condolences Zaphira. " he said.

Tinapangan ko na lamang ang mukha ko para makita niyang ayoko ng tumagal pa ang presensya niya.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

Napataas ang kaniyang kilay sa aking tanong.
"Am I not allowed to be here?"
Hinuhuli ng kaniyang mata ang aking mata kung kaya't mas lalong ayokong tignan siya.

"Sinabi ko na sayong kapag hindi NARARAPAT ang ginagawa mo sakin, salungat non ang gagawin ko sayo. Why are you avoiding my gaze? Do you think titigilan kita sa pagtitig sa mga mata mo? No way in hell, Zaph." Matapang niyang sabi.

Napairap na lamang ako.
Yeah, Damn him and his rule.

"Why are you doing this huh? Why are you giving rule when infact, you're not allowed to!"
I exclaimed.

Tumayo ako't pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Nang makakuha ako ay nilagok ko iyon ng diretso.

Nakita ko namang sumunod siya sa akin.

"At bakit mo ko tinatanong ng ganiyang kawalang kwentang tanong Zaphira, nandito ako dahil nag aalala ako sayo. And I got rules because I wanted to!" He also exclaimed.

Napaharap ako sa kaniya at nagtaas ng kilay.
"Ow. Because you want? You want me what? You want me to assume na lahat ng yan ay para sa akin. Na you care for me! But the truth is, pinaglalaruan mo lang ako! You always believe me that eveything you did was for me!" Galit kong sinabi.

"I did! I always did. Because I care for you sincerely." Rinig na rinig ko ang diin sa kaniyang boses ng bigkasin niya ang mga iyon.

Ngayon naman ay nakahilig na siya sa pader at hinihilot ang kaniyang ulo.

Matalim ko lamang siyang tinignan habang siya ay lumamlam lamang ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.

"Damn it baby, Ayokong mag away tayo. Please get some rest." Pagsusumamo niya.

Napapikit ako ng mariin at naalala ang kahinaan ko kapag naririnig ko ang lambing at pagsusumamo ng kaniyang boses.

"Yan! You said you'll avoid calling me by that endearment and yet, tinatawag mo pa din ako sa tawag mong yan! See? Pinaglalaruan mo lang ako. You look at me as if I'm your puppet to manipulate."

Umigting ang panga nito at nilapitan ako. Awtomatiko namang napaatras ako ng makita ang pagbilis ng kaniyang lakad papunta sa akin at sa pag aakalang susugurin na lamang niya ko dahil sa hindi niya makontrol na galit.

"Bakit ba gusto mong mag away tayo huh? " he asked.

Malapit na siya sa akin at mas kita ko na ang kaniyang nag aalab na mga mata.

"No. I'm not into fight Van. I'm just here to say that stop bullshiting me! Hindi ako laro para paikutin mo sa pamamagitan ng kamay at rule mo." Akmang aalis ako ng ikulong niya ko sa sink gamit ang kaniyang dalawang kamay.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now