Chapter 21 |Together|

13 3 0
                                    

"Hey sleepyhead, wake up." Napamulat ang aking mga mata sa pamilyar na boses na narinig ko.

Nang makita ko si Vandrius sa harap ko ay nagulat ako at nagtaka.
Paano siya nakapasok dito?

Mukhang nabasa niya naman ang aking iniisip dahil sa reaksyong nakita niya sa akin.
"Uhm.. I called the landlady, and ask a spare key of your room." He said.

What? Bakit binigay ni Aling Melita yun?
Gusto kong magsalita ngunit bahagya akong naconscious sa hininga ko at sa ayos ko. Daheck! Baka may muta pa ko!

Mabilis kong inangat ang comforter ko at kinapa kung may muta ba ko pati na din ang pag alis ng panis na laway ko, at pati na rin ang pag amoy ng hininga ko. All in all, okay naman siya.

Binaba kong muli ang comforter at naroon na siya sa harap ng pintuan ng kwarto at nakahalukipkip na tinitignan ako.

Nang magtama ang aming mga mata ay ngumisi ito.
Inirapan ko lamang siya.
"Labas ka nga muna! Kasi naman e." Pagmamaktol ko sa kaniya.

Humalakhak na lamang siya at humakbang palapit sa akin.
Tamo tong gwapo to! Sinabi ng lumabas e.
"B-bingi ka ba? Labas muna sabi e!" Sigaw ko.

Napapikit ako nang mapagtanto kong masyadong halata na kinakabahan ako sa presensya niya.
Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti at tuluyan ng nakalapit sa akin. Nakaupo na ko sa kama ko ngayon at kinorner niya ko gamit ang kaniyang dalawang braso sa gilid.

"Hmmm, ano ulit yun?" Pang aasar niya sa akin.

Napakagat labi ako sa tanong niya. Bwisit na lalaking to. Mapang asar.
Kahit na hindi naman ganoon kasama ang hininga ko ay nacoconscious pa din ako.

Di ako nagsalita at bahagyang tinulak siya.
Di man lang siya napadistansya sa tulak kong iyon.
Nakalimutan ko ata na bato pala ang katawan nito sa sobrang kakisigan.

Patuloy pa din siyang humahalakhak habang sinusubukan kong kumawala sa kaniya.

"Di kita papakawalan." Seryoso nitong sabi. Nagtama ang aming mga mata at pagkatapos ay humalik sa noo ko at nagsabi ng goodmorning.

Dinamdam ko ang simpleng gawad niya ng paghalik sa akin. Ilang segundo lamang iyon pero nagbigay iyon ng libo-libong boltahe sa aking katawan. Damang dama ko ang pagmamahal na ibinuhos niya roon.

Kung ganito lang din pala araw araw ang bungad ng umaga ko ay talagang mapapa"MAGANDANG UMAGA" ako.

Matapos niya kong halikan ay tumalikod na siya at pumunta sa pintuan at aakmang lalabas.
Pagtapos ay lumingon siya sa direksyon ko.
"Go on and fix yourself. I am always tempted whenever I see you, please stop being so hot this morning." Seryoso nitong sabi.

Ano daw?

Pagkalabas niya ay agad akong lumingon sa salamin at banyo ng aking kwarto.

Messy hair, and again--the heck.
I almost forgotten that I don't wear bra bago ako matulog.
So, he saw that?

Naghilamos na lamang ako at inayos ang sarili ko.

Friday na ngayon at bukas na ang inaantay naming graduation. Bukas na ang araw kung saan kami ay magtatapos na ng pag aaral at bukas na ang magiging araw kung saan ang totoong simula ng buhay ay mag uumpisa.

Last practice na namin kahapon kung kaya't naging restday na ang araw na ito.

Nang matapos na kong maligo at mag ayos ay lumabas na ko sa kwarto at nakita siyang nakahalukipkip sa sofa habang matamang tinititigan ako.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now