Chapter 16 |Secrets

16 3 0
                                    

"How's your visit?" Pagkapasok pa lamang ng kaniyang sasakyan ay iyan na agad ang kaniyang bungad sa akin.

Nagpakawala na lamang ako ng buntong hininga. "It's fine." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Ramdam ko naman ang titig niya pabalik sa reaksyon at sinabi ko.

Nang salubungin ko ang tingin niyang iyon ay pinagsisihan ko na dahil grabeng epekto sa akin non.

Bahagya ko na lamang kinunot ang noo ko at umiwas sa kaniyang tingin.

Narinig ko naman ang kaniyang halakhak matapos non.
"Look at me."

Damn! Simpleng salita niya lang ay parang sasabog na ang buong sistema ko.

"M-Magdrive ka na nga lang diyan!" Napapikit ako dahil sa inis! Inis sa sarili ko. Bakit ako nautal?

Nang hindi na siya nagsalita ay muli kong ibinaling ang tingin ko sa kaniya. Nakatungkod lamang ang siko niya sa bintana ng sasakyan habang hawak hawak ang labi na nakangisi. Ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa manibela.

Bakit simpleng ganiyan niya lamang ay napakagwapo niya?

Isang sulyap ang iginawad niya sa akin at ayan na naman ang ngisi niya. Hinampas ko nga.

"Damn!" Giit nito at pinakawalan na ang kanina pang halakhak na pinipigilan niya.

"Vandrius ano ba!" Napatakip ako ng bibig dahil sa pagsuway ng tono ng boses ko. Imbis na galit ay hindi ko alam kung palambing ba.

Nang sinubukan kong tumingin sa gawi niya at bigyan siya ng matalim na tingin ay para akong mauubusan ng hininga sa tingin niya.
"Sungit ng baby ko." Saad nito sabay halakhak at hinawakan nito ang kamay ko.

Pinagsalikop niya ang kanang kamay niya at ang kaliwang kamay ko. Ang kaninang kaliwang kamay niya na nakahawak sa labi ay nasa manibela na ngayon.

Pumula ang pisngi ko ng dahil sa aksyon niyang iyon. Lalo na't kasabay non ay ang pagtawag niya sa akin ng 'baby'.

Buong biyahe ay magkahawak ang aming mga kamay.
Napakakomportable ng kaniyang hawak na di ko na namalayan ang pagtulog ko.

Nagising na lamang ako ng maramdaman ko ang paghalik sa kamay ko.

Nang mapamulat ako ay ganon na lamang ang gulat ko ng nakita ko siyang nakatitig lamang sa akin.
Huminto na pala ang kaniyang sasakyan.

"I'm sorry, I wake you up. We need to eat first. Hmmm." Saad niya habang pinupugpog ng halik ang kamay ko.

Kahit na kagigising ko pa lang ay natatawa na lang ako sa inaasta niya. Lecheng to! Ano bang mayron sa kamay ko? Pwede bang sa iba na lang? Ayy! Talande.

Kinagat ko ang labi ko at tumango na lang. Nakakahiya naman din kasing magsalita gayong kagigising ko pa lang. Nakakaconscious.

Nang makalabas na kami ay iginiya niya ko papasok sa isang fine dining restaurant. Nagulat pa ko ng hinawakan niya ang aking baywang.

Tinignan ko lamang siya sa kaniyang ginawa ngunit nakangisi lamang siya at nagkibit balikat.
Nakakarami na to ah.

Kung wala lang kami sa public place ay masasapok ko na to.

Pero bigla na lang din akong nahiya sa sarili ko dahil traydor din ang puso't isip ko at nagugustuhan ang kaniyang ginagawa.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now