Chapter 26 |Hunt|

5 2 0
                                    

Be careful on what you wish for.
Hindi ko alam kung may galit ba sa akin si tadhana dahil sa mga ginagawa niya sa buhay ko ngayon.

Lahat na nawala sa akin. Pati ba naman ang sariling 'puri' ko ay gusto niyang mawala?

Ang sakit sakit na pati si Tadhana ay kalaban ko sa buhay.

Tinignan ko lamang ang lalaking ngayo'y nakatayo at nagdudugo ang kamay dahil sa kaniyang pagsuntok sa pader.

Hinarap ako nito at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kumirot ang puso ko ng makitang may pumatak ng kung ano sa mata niya at lumandas ito sa kaniyang pisngi.

"Kung nakita lang agad sana kita. Hindi ka na sana nahalikan ng bastardong yan! Kasalanan ko to!" Pagsisi niya sa kaniyang sarili.

Galit at hindi ang kakilala kong Ivani ang nakikita ko ngayon.
Isa itong Leon at kahit na sino ay papatulan at bubugbugin na lamang.

Siguro kasalanan ko din to. Kung di sana ako nag acting pa, edi sana hindi na ito natuloy sa totoong buhay. Pero hindi e, kung sakaling hindi ako nag acting at hindi tumawag si Ivani. Panigurado ay walang magliligtas sa akin.. Maski siya.

Hagulgol lang ang naibalik kong saad sa kaniya.
Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa din ang halik ng lalaking iyon. Nakakakilabot.

Hinubad niya ang kaniyang longsleeve na polo at itinakip iyon sa akin at pagkatapos ay niyakap ako habang dinudukot ang kaniyang cellphone at may kung anong tinawagan doon.

"Hello? Chief? Magpadala ka ngayon rito ng mga pulis. Kailangang maaresto at mabulok sa kulungan ang rapist dito." Ma-awtoridad niyang banggit.

Marami pa siyang inutos sa taong nasa kabilang linya at isinisigurado niyang makukulong ang gumawa nito sa akin.

Pagkaraan ng ilang minuto'y nagsalita na rin ako.
"Salamat.." Usal ko sa napapaos na boses.

Kahit na paos ako ay alam kong dinig na dinig niya iyon dahil nakayakap ako sa kaniya.

"F-ck. Mapapatay ko talaga yung lalaking yon kung hindi mo lang ako pinigilan." Bulong nito habang sinusuklayan ng malumanay ang buhok ko.

Bahagya naman akong kumalas sa pagkakayakap at tinignan ang nagdurugo niyang mga kamay.
"Yung kamay mo..." Nag aalala kong sabi.

Iniwas niya lamang ang tingin at muli akong niyakap.
"Pwede bang ganito muna tayo?" Pag iiba niya ng usapan.
Hindi naman na ako nakaimik pa at pinagbigyan na lamang siya sa kaniyang hiniling.

Pagkaraan ng ilang minuto'y dumating na ang mga pulis at inaresto ang lalaking hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Inihatid na rin muna ako ni Ivani sa kotse at lumabas muli para sabihin sa mga pulis ang mga nangyari.

Ang mga nangyari ngayon ay isa na namang totoo.. na hindi ko mapaniwalaan.

Hindi si Ivani ang inaasahan kong magliligtas sa akin pero isa siya sa nasa isip ko.

Hindi naman gaanong nagtagal pa si Ivani sa labas at pumasok na muli sa loob.
Bumaling na muna siya sa akin bago magsalita.
"Magpahinga ka muna.." Saad nito sa malambing na boses.

Tumango na lamang ako't pumikit upang magpahinga gaya ng sinabi niya.

Nagising ako ng akma niya kong bubuhatin at iaakyat sa condo ko.
"Wag na, kaya ko na to." Kahit na paos na ang boses ko ay nagawa ko pa ding magsalita.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now