Chapter 17 |Manila

10 3 0
                                    

Napamulat na lamang ako ng magtama ang liwanag ng araw sa sasakyan ni Van.

Nang ipalibot ko ang aking mata sa paligid ay tanaw ko na ang mga malalaking buildings na nagpapahiwatig na nasa Maynila na ulit kami.

Ibinaling ko naman ang atensyon ko sa lalaking nagda-drive.
Mahaba haba din ang oras ng aming biyahe at alam kong gustong gusto na ng kaniyang mga mata ang magpahinga.

"Are you sleepy?" I asked even if my question's really obvious.

Bumaling naman ito sa akin at pagod na ngumiti. "A little bit."

Kinagat ko na lamang ang labi ko dahil damang dama ko ang husky niyang boses. Di ko alam kung dahil ba sa pagod o ano e. Damn!

"Do you want me to drive?" I offered.

Kitang kita ko naman ang mangha sa kaniyang mukha ng sinabi ko iyon.
"What? Marunong ka?" Ngisi nito.

"Hindi naman gaano. Isang beses ko lang nasubukan. Wala din namang gaanong sasakyan sa Puerto Sigla e kaya hindi ko din alam kung kaya ko pa. But I'll try." Pangungumbinsi ko sa kaniya na mukhang di naman siya nakumbinsi.

Natawa na lamang ito sa mga sinabi ko.
"You're not sure kaya huwag na lang."

Nagkibit balikat na lamang ako.
"Kaya nga di ako sigurado e. Kung marunong ba o hindi. Vandrius, dalawa ang pagpipilian. Di mo pa nga nasusubukan, nagcoconclude ka na agad" pagtatampo ko sa kaniya.
Pero kunwari lang iyon.

Napabuntong hininga na lamang siya at iginiya ang kaniyang sasakyan sa gilid. "Fine, fine! Alam mo namang talo lagi ako basta ikaw kalaban ko e."
He chuckled.

Lumabas ako ng front seat at lumipat sa driver seat. Nang dinama ko ang manibela ay napakagat ako ng labi.

"You're serious about this?" Saad niya at sinuot ang seatbelt.

Tinitigan ko na lamang siya at binigyan ng malaking ngisi.

"Damn! Natatakot ako sa ngisi mong yan. Are you serious about--WOAAAAH."

Di ko na pinatapos ang pagsasalita niya at pinaandar na ang kaniyang sasakyan. Kumpara sa safe na kph niya kanina ay kabaligtaran ang akin.

Nakakailang mura na siya at sigaw sa ginawa ko.
"Damnit baby, stop the car!"
Mas binilisan ko pa ang andar at iniwas sa papasalubong na kotse.

"Woaaah. Hellashit! Slowdown!"
Di ko na halos marinig ang kanta sa kaniyang radio dahil sa mga sinasabi niya.
"Be f-cking safe Zaphira!"

Nang makarating na kami sa tapat ng apartment ko ay tsaka lamang ako bumagal.
"What the hell?!" Mariin niyang sabi habang nakapikit at naghahabol ng hininga.

Nang makabawi na siya ay binaling niya ang kaniyang tingin sa akin at tinitigan ako ng masama.

"What?" Painosente kong tanong.

Bumuga lamang siya ng hangin at tsaka nagsalita.
"That's.. f-ck. I think I lost my soul somewhere. I thought..."
Di niya maibigkas ang dapat niyang sabihin.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now