Chapter 20 |Promise|

10 3 0
                                    

Matapos nang nangyari kanina ay inihatid niya na ako sa pintuan ng aking apartment.

Umandar nga ang pagiging pilyo nito at sinabing dito na lamang siya magpapalipas hanggang umaga.

At dahil sa pagsusungit ko ay hindi niya rin nasunod ang kaniyang gusto.

Kinabukasan ay maaga akong nag ayos ng aking sarili dahil sinabi niya kagabi na sabay na kaming pupuntang school.

Consistent ang pagtetext niya sa akin ng goodmorning tuwing umaga at feeling ko sa simpleng mensaheng iyon lamang ay kumpleto na ang buong araw ko.

Nang marinig ko ang busina ng sasakyan ay bahagya akong sumilip sa bintana at nakitang naroon na siya at lumabas sa kaniyang sasakyan.

Nang bumaba ako ay sumalubong sa akin ang kaniyang napakagwapong mukha. Naka-longsleeve siyang darkblue at kitang kita ko ang pagdepina ng kaniyang mga biceps sa simpleng suot niya lamang na iyon. Dagdag pa sa kaniyang pagkakisig ang kaniyang suot na relo. Pares niya ang kaniyang darkjeans at isang armyboots.

Nag iwas ako ng tingin ng tumama ang aking mga mata sa kaniyang mata. Kanina niya pa pala tinitignan ang aking reaksyon ng makita ko siya.

Umangat lang ang gilid ng kaniyang labi at iminuwestra ang frontseat.
Mabilis na pumasok ako roon at tahimik lamang na kinabit ang seatbelt hanggang sa pagpasok niya.

"Hmm.. Kumain ka na ba?" Tanong nito.

Tango lang ang itinugon ko dahil hindi ko alam kung bakit feeling ko may nakabara sa lalamunan ko at nahihirap buksan ang aking bibig.

Tumaas lang ang kaniyang kilay dahil sa iginawad kong reaksyon. Di na rin naman siya nagsalita at hinawakan ang kamay ko habang ang isang kamay niya naman ang may hawak ng manibela.

Napakagat ako ng labi ng bigyan niya ng isang halik ang likod ng aking kamay.
Taympers muna please?

Sa simpleng mga galaw niya lamang tulad ng iyon ay hindi ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Sabay kaming nagtungo sa gymnasium kung saan kami nagpapractice ng graduation. Maraming mga matang mapanuri ng makita kaming dalawa.

Nang bumilang na ko sa hanay ng mga babae ay rinig na rinig ko ang mga bulong-bulungan nila na tila akala mo'y wala ako sa paligid nila.

Nang makita ko naman si Faye na kasa-kasama ang mga babaeng kanina pa ako pinag uusapan ay pakunwari niya itong sinuway na lamang.

Napairap ako sa kawalan.
Damn her and allies.

Nagsimula na ang pag eensayo nang bumaling ako sa hanay kung saan naroon si Vandrius.
Seryoso lamang ito ngunit kita sa kaniyang mukha na nabobored na siya.

Sunod kong tinignan ang hanay kung saan naroon si Andrew.
Nang makita niyang tumingin ako'y ngumiti ito at kinawayan ako. Ako naman ay ngumiti na lamang din.

Ngunit pagbaling ko sa puwesto kung nasa saan si Vandrius ay kitang kita ko na ang kaninang inaantok niyang mukha ay napalitan ng isang madilim at matalim na titig sa akin.

Shookt.

Kinagat ko na lamang ang labi ko at hindi na muli pa kong bumaling sa kahit na saan mang puwesto maliban sa harapan.

Nakahinga ako ng maluwag ng sumapit na ang oras ng pagtatapos ng aming pag eensayo.
Alam ko namang sabay kaming uuwi ni Van kung kaya't nagpaalam muna akong magc-cr.

In the Shell of EmptinessWhere stories live. Discover now