Chapter 23 |Years|

12 3 0
                                    

Hiyawan at malalakas na dagundong ng musika ang nagpapantig sa buong lugar. Kaniya kaniyang mga grupo at kaniyang kaniyang dahilan ang bawat isa para pumunta sa lugar na ito. Madilim at tanging ang disco lights lang ang nagsisilbing ilaw ng buong lugar.

"Hey Zaphira! C'mon! Let's dance!!" Sigaw ni Faye sa akin upang marinig ko lamang ang kaniyang sinabi.

Nakapulupot ang braso sa kaniyang baywang ng boyfriend niyang si Andrew at binabantayan talaga siya sa dancefloor.

Hindi ko rin alam kung bakit itong dalawang ito ang nagkatuluyan sa paglipas ng tatlong taon.

Masyadong maingay ang paligid at nagkakasayahan sa music na ipinapatugtog ng dj.

"Nope. Ikaw na lang! I want to drink!" Sigaw ko rin sa kaniya dahil kung hindi ko malalakasan ang boses ko ay paniguradong hindi niya ito maririnig.

Mukha namang narinig niya iyon at nakabusangot lamang siyang lumayo sa puwesto kung nasaan ako at bumalik sa dance floor. Agad naman na sumunod sa kaniya si Andrew at paniguradong mamanmanan na naman ang kilos non.

Sa isang taong relasyon nila ay palaging nagmamaktol si Faye na laging nakabuntot si Andrew sa kaniya sa mga lakad niya. Pero at the end, alam ko namang gusto niya rin iyon dahil kada wala si Andrew sa tabi niya ay naninibago siya at hinahanap hanap ito.

Napailing na lamang ako sa kawalan.

Holding a champagne glass and tooking a glance to the whole bar is the only thing I'm doing. Surrounded by ladies and gentlemen swaying their bodies together with the music that's beating.

I sighed.

This is the only thing I did for the three years that passed, Actually yung unang punta ko pa rito ay ang panahong dinamayan ako ni Faye sa heartbreak ko--namin pala.

It's ironic that the person who hates me the most and same with me, will be the person whom I friended with during my heartbreak days and stay still until now.

After taking a sip to my champagne glass, I shut my eyes as the hot feeling of liquor enters my body. Pagmulat ko ay siya namang tunog ng cellphone ko dahil may tumatawag.

Hindi ko narinig ang ringtone ng aking cellphone dahil sa ingay ng musika ngunit naramdaman ko naman ang pag vibrate nito kaya nalaman ko na may tumatawag.

It's Ivani Poszujar.

He's here at Manila at napag alaman kong isa na siyang successful businessman. Well, Natatandaan ko pa noon nung napanuod ko sa siya sa Tv na may kasa-kasamang babae na sa tingin ko'y girlfriend niya ay ibinalita rin doon ang pagiging sikat niya nga na businessman.
Naalala ko pa kung pano siya gawing showbiz man dahil sa tanong sa kaniya about sa lovelife niya.
"Mr. Poszujar, now that your company holds a huge victory of success, may maihihiling ka pa ba? Nasa sa iyo na ang lahat, I know it's a ridiculous question dahil alam naman ng lahat na baka babae pa ang maghabol sayo, pero sa usapang Lovelife, may nagpapatibok na ba ng iyong puso?'

"Yes. Of course. Ayoko din namang mamatay ng walang ganoon sa buhay. I'm a workaholic person, but if she's mine. Handa kong ipagpaliban ang lahat, mabigay ko lang ang lahat ng akin sa kaniya."

Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya natatanong tungkol doon.

Sinagot ko ang kaniyang tawag at ikinulob ng kaunti ang cellphone ko para marinig siya.

"Oh?" I asked.
Di na uso sa amin ang hello noh.

Natawa lamang ito sa kabilang linya. "Where are you?"

In the Shell of EmptinessOnde histórias criam vida. Descubra agora