"Pwede bang ibalik ang sa akin?" Tanong niya. 

"Hindi." Sagot ng mga girls ng sabay-sabay.

"Jolens, alam mo bang mas mayaman pa si Kuya London sa akin? Hindi ko nga iyon matanggap eh to think na may sarili akong hacienda. Kumikita yan sa mga stocks niya kahit natutulog yan maghapon. Hayaan mong gastusan ka niya." Sabi ni Brook. 

Napanganga ang Cashier sa narinig niya. 

"Masanay ka na. Ganyan talaga sila. They will pamper you." Sabi ni Mia sa akin.
Hindi makapagsalita si Jolens. Allergic din ba siya sa mayaman kagaya ni Nathan?

Kinuha ko ang mga bags na para kay Jolens. 

"Tara, kain tayo." Yaya ko.

Alanganing sumunod si Jolens sa amin. Parang wala lang sa mga kasama ko ang sinabi ni Brook pero shook ang Cashier talaga.

As usual nagkakaingay kami. Nakaupo kami sa isang Korean Restaurant at naghihintay ng order. 

"Galit ka ba?" Bulong ko kay Jolens. 

Huminga siya ng malalim. "Nakakahiya lang na ang laki ng binayaran mo." 

"Wala naman sa akin yun. Saka huwag ka ng nahihiya sa akin. Hindi naman ako aalis kaya masanay ka na." 

Alangang ngumiti si Jolens.

"Hon..." Tawag ng isang babae.

Patay na naman.

Lahat kami napatingin sa bagong babae na familiar sa akin ang itsura pero hindi ko alam ang pangalan. 

"Hey. Ang tagal mo ng hindi nagrereply." Sabi niya na walang pasintabi sa mga kasama ko. 

"Baka kasi ayaw na niya sayo kaya hindi siya sumasagot." Sabat ni Brook na katabi ko. Nakagitna ako sa kanila ni Jolens.

"May bago ka bang niloloko? Siya ba?" Turo ni girl kay Jolens. 

"Leave her out of this. Look, kung ako ang may kasalanan sa iyo, then sa akin mo ilabas. I didn't reply because we are over. Hindi ba malinaw yun sayo?" Mabilis na defense ko.

"Saan ka takas, babae ka?" Tinitigan niya si Jolens na parang mababang uri. 

"Hindi sa mental kagaya mo, obviously." Sagot ni Summer sa kanya. 

Hindi niya pinansin si Summer.

"Type mo pala ang babaeng mukhang takas sa kulungan." Sabi ng babae. 

Hindi ko talagang ugaling mamahiya ng babae in public pero kapag si Jolens ang pinahiya, tangina, papatulan kita.

Tatayo sana ako ng pinigilan ako ni Jolens. Siya ang tumayo at hinarap ang babae.

"Obiviously na hindi nabibili ng pera ang kabutihang asal. You can buy your boobs but you can't buy your grace. Ano ba kinakagalit mo? Na nakawala ang malaking isda sa iyo? Hindi lahat ng may tattoo ay galing Munti... Yung iba galing tattoo shop lang, TANGA." Sabi ni Jolens sa kanya.
Obvious ang ginawang pagtawa ng mga kaibigan ko.

"Alam mong pinagsasabay niya tayo at hindi ka nahihiya? Ginagamit ka niya? Nakikipagsex din siya sa akin!"

Tumawa si Jolens. "Kailan? Teka? Ano ng itsura ng alaga nya ngayon? Kindly describe? Kasi ako alam ko. At mapapahiya ka sa maling sagot." Nakangisi si Jolens na umupo ulit sa tabi ko. 

"You will pay for this." Sabi ng babae. 

"How much?" Tanong ni Violet.

Kunwari ay naglabas sila ng wallet at nilabasan ng cards ang babae. 

"Mamili ka ng card. Name your price, tutal mukhang in need ka today. O baka gusto mo ng cheque?" Tuya ni Brook. 

"Mamili ka na. Last chance mo na yan, baka wala ka pang kita today." Dagdag ni Summer.

Umalis ang babae na napahiya...

"Sorry..." Sabi ko kay Jolens. 

"Lagi bang may babaeng susulpot?" Nakakunot noong tanong niya. 

"Sa mga first-second months... Asahan mo Jolens. Di ba, Chase?" Makahulugang tanong ni Summer. 

Uminom ng iced tea si Chase at hindi sumagot. Tumawa si Jaxx...

"Pero hindi ibig sabihin eh babae nila yun. Yung iba, feelingera lang talaga." Sabi ni Summer.
Tumango-tango si Jolens. Nakahinga ako, akala ko matinding explanation na ang gagawin ko.

"Kumusta naman si Cedie... Magaling na ba?" Tanong ng lokong Sakura. 

Nagtawanan ang mga nakakaalam ng kwento ni Prince Cedie. Kaya inulit nila ang kwento at once more, maingay na naman ang table namin. Baliw tong Sakura na ito. Binigyang pangalan si kapitan!

"Hindi ka galit?" Bulong ko kay Jolens. 

Umiling siya. "Hindi." Sagot niya.

"Di ba Jolens?" Tanong na naman ni V. "Ay...Sorry. Sige lang. Wala akong tinanong. Manligaw ka na ulit London." Natatawang nagtakip ng mukha gamit ang menu si Violet.

Napapadalas ka ah, Violet!

Two Steps Behind (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα