Chapter 5- Palo

11.5K 346 30
                                    

London

Nagpahatid ako sa bahay kay Ralph. Ikinalat na agad ni Ralph sa GC namin ang picture ko na mukhang natuli habang lumalakad. Hindi ko pa binabasa ang usapan nila pero mukhang ako ang pulutan.

Nasa sala ang buong pamilya namin ng dumating kami ni Ralph. Nagmano si Ralph sa parents ko. 

"Ano ang nangyari sayo?" Tanong ni mommy ng ngingiwi-ngiwi akong maglakad. 

"Talo sa pustahan." Sagot ng mahadera kong kapatid na si Brook.
Nagtawanan sila maliban kay mommy na naningkit ang mata.

Dinampot nito ang isang tsinelas niya at hinabol ako.

"Dimunyu ka. Pinabutasan mo ang titi mo?" Tanong ni mommy habang hinahabol ako at papaluin pa ang titi kong masakit na nga. 

"Mommy..." Pag-iwas ko sa kanya. Hindi nga ako makatakbo ng maayos.

"Tito London." Sigaw ng kambal at dumamba sa akin. Tumama ang ulo nila sa ulo ng titi ko. 

"Ahhhhh...." Sigaw ko sa sakit. 

Si Kuya Rome hindi man lang alisin ang dalawang kampon niya. Tawa lang nang tawa.

Hindi ako makahinga sa sakit...amputa.... Gusto kong magtungayaw. Dali-daling hinila ni Ate Zoey ang kambal na pumapasag-pasag pa. Namamalipit ako sa sakit na napaupo sa sahig.

"Sige... magpabutas ka pa, dimunyuo ka." Nakapamewang si mommy sa harapan ko hawak ang tsinelas.

Napaupo na din si Ralph sa sahig kakatawa. Amuse na amuse sila... Siguro kung kay Ralph nangyari ito baka isa ako sa tumatawa. Pero sa akin nangyari eh!

"Mommy masakit." Daing ko. 

Sinipa pa ako ni mommy sa pwet bago bumalik sa tabi ni daddy. 

"Sino ba kasi ang pasimuno ng pustahan. Di ba ikaw din naman?" Tanong ni mommy.

"Gusto mong palda Kuya London?" Tanong ni Brook sa akin. Tatawa-tawa si Trevor sa tabi niya. Pag-untugin ko kayo eh. 

"Iwasan mong mainfection." Sabi ni Trevor.

"Hayaan mo siyang mainfection ng matanggalan siya ng titi." Walang preno si mommy. Hindi uso ang brake fluid sa kanya. 

"Mahal din kita, mommy." Pamimiloso po ko.

"Sino ba ang nagkabit sa iyo?" Tanong ni Daddy.
Umupo ako ng maayos...yung maayos sa pakiramdam ko. Yung boxers ko nga pala nasa bulsa ko sa likod. Hindi ko na sinuot ang leche...

"Si Jolens. Yung assistant ni Saint."Sagot ko. 

"Babae? Eh di mangangamatis yan." Sabay ni Brook. Nasa lahi talaga namin ang pilosopo. 

"Hindi naman ako tinuli eh." Sagot ko sa kanya.

"Sinabi ni Jolens sayo kung paano mo lilinisan yan?" Ngumuso pa si daddy para lang ituro ang pundilyo ko. 

"Mayroon siyang binigay na papel. Follow the instructions daw." Sagot ko. Para lang kaming tropa ano? 

"Baka kapag umihi ka, limang direction na ang ihi mo." Sabi ni Kuya. Nagtawanan na naman sila. 

"Kung ang UK mayroon one direction, si Kuya London, lima ang direction. Hahaha..." Sira-ulo talaga si Brook.

"Sabog." Sabi ni Ralph. At nandito pa pala ito. 

"Hoy...umuwi ka na nga. Gumugulong ka pa sa tawa." Sabi ko kay Ralph. 

"Bakit ba? Ikaw pasimuno niyan eh." Sagot nito.

Hay...iisip ako ng paraan para magantihan kita amboy.

Hot topic ako pati sa GC... Tadong Ralph 'to nakavideo sila ni Saint kanina habang nasa cubicle ako. Dinig na dinig ang sigaw ko ampota. At tawa sila ng tawa.

Sinunod ko ang sinabi sa instruction paper ni Jolens. Nanghingi na ako ng mefenamic acid kay daddy dahil masakit talaga. At nagkatotoo ang sinabi ni Kuya. Limang direction nga ang ihi ko. Taenang kubeta 'to... Sa laki ng bowl, walang nashoot na ihi. Nasa lapag lahat.

Basang basa ang toilet ko nang matapos akong buhusan ang floor.

Kinabukasan, nakasuot ako ng maluwag na shorts. Nakabalot ng gauze si kapitan at hindi ako nag boxers. Ayaw ko ngang magpakita sa mga kaibigan at pinsan ko kaya nagkulong ako sa bahay.

Nasa kwarto lang ako at kachat ang mga babae sa Makati.

London, kailan ulit tayo magkikita?"
-Sent by Cindy

Honey, busy ako. May next month?
-Sent by London

Tagal na din ng last time.
-Sent by Danica

Miss ko na nga ang LAST TIME, honey.
-Sent by London

Sabi ng mga expert na binata, namely Tito Mark, Tito Audi, Tito Nick at Tito Neil, para iwas buko, iisa lang ang itawag sa mga babae. So I call them HONEY.

Sobrang naughty ni Danica at nagpadala pa ng nude. Amputa, nagagalit si kapitan kaya lalong sumasakit.

"Hayop..." Napasigaw ako sa unan. Tinigilan ko ang pagcha-chat sa mga babae. Hindi kaya ni kapitan at sumusuka siya ng dugo. Para akong may mens pagka-ihi ko kaninang pagkagising, amputa.

Isa itong maling desisyon na ayaw kong panindigan pero dapat kayanin. Hayop ka talaga Ralph.

Two Steps Behind (Completed)Where stories live. Discover now