Chapter 23- Bumabagsak ang Tulay

12.2K 337 11
                                    

London

"Kumusta ang panliligaw?... Takte, binata na ah." Bungad ni Violet sa akin pagpasok ko sa The Lakeside ng alas nuebe ng umaga. 

"Bakit nandito ka pa? Pinipilit moa ng sarili mo sa Pinas." Sagot ko.

Tumingin sa kuko nya si Violet. "Ngayon pang nagsisimula ka ng manligaw... Naks naman London. Uubra ka ba sa Batangueña?" 

Hindi ko pinansin si Violet. Nabaling ang tingin ko kay Summer na palabas ng office nila.

"Bakit ang laki mo yata, Summer?" Natanong ko. Nahinto sa paglabas si Summer ng office at biglang umatungal ng iyak.

"Sabi ko na eh. I look like a fucking whale." Sabi nito. Eh talaga naman ang laki ng tiyan niya eh.

"Hala ka." Sabi ni Jaxx. Pinuntahan naman agad ng mga girls si Summer at pinakalma.
Pinasok ulit sa office nila para hindi ako makita.

"Walang isip yang si London. Kinakain na ng sperm niya ang utak niya dahil 6 months siyang tigang." Sabi ni Violet na ubod ng lakas para marinig ko. Nagtawanan si Ralph at Jaxx. HAyop ka Violet!

"Naiinsecure na nga si Summer dahil hindi na daw siya kasya sa pintuan tapos sasabihan mo pang malaki siya." Hinampas ni Ralph ang nguso ng suot kong cap. 

"Tangina, malay ko ba." Katwiran ko. Inayos ko ang cap ko na suot.

"Insensitive mo sa feelings ng babae." Sagot ni Jaxx. 

"Namo ka." 

"Kaya hindi ka pinapansin ni Jolens kasi panay ka biro." Comment ni Jaxx. 

"Sira ulo." 

"Magbago ka na. Sa kwentuhan ka lang magaling. Torpe ka naman." Sulsol ni Jaxx. 

"Ano ang atraso ko sayo ha?!" Sarcastic na tanong ko kay Jaxx. Nagtawanan silang dalawa.

"Kunwari ka pa. Landi mo London." Natatawang umilag si Jaxx sa binato kong tissue.

"Bahala nga kayo d'yan." Iniwan ko si Ralph at Jaxx na tawa ng tawa.
Natanaw kong pumasok si Saint sa shop nya. Makatambay na nga lang doon.

Dumaan ako ng Sweet Bells para bumili ng kape ng makita ko ang mga cupcakes.
"Make it two coffee with no cream. Both. And 6 pieces of red velvet cupcakes." Sabi ko sa tindera.

"Ang aga mo namang nanliligaw." Nagsalita si Tito Frank na nagbabasa pala ng news paper. 

"Tito..." Bati ko sa BFF ni mommy. Umupo ako sa tapat ni Tito Frank habang hinihintay ang kape. 

"Para kang tatay mo. Hilig magpasiklab." Sabi ni Tito. Natawa ako. That 80M cheque is a legend.

Lumabas si Tita Bella sa kitchen na nakasuot pa ng chef uniform. 

"Isama nyo nga si Dakota sa mga volunteer works ninyo ng hindi puro arte ang alam." Sabi ni Tita Bells. 

"Model kasi ang anak nyo Tita. Syempre panay party yun." Sagot ko. 

"Yung tatlo na iyon. Si Margaux, si Dakota at si Sky, Diyos na mahabagin... ewan ko sa magkakaibigan na iyon." Naiiling si Tito Frank. 

"Mabuti nga si Sky at hinahawakan na ang mga negosyo nila. Yung anak mo Frank, ayun puyat na naman. Gumimick kasama si Margaux kagabi." Naiiling na lang si Tita Bella.

"Magbabago din ang mga yun. Sige Tito, Tita..." Kinuha ko ang dalawang kape at ang isang boxe ng cupcake. 

"Sabagay... Sino mag-aakala na magbabago ka sa isang iglap? Pagpatuloy mo lang London." Sabi ni Tito Frank. Hindi ko alam kung maiinsulto ako o matutuwa eh. Ano ba ako dati at sinasabi nilang nagbago ako?

Two Steps Behind (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя