Chapter 27- Ang Pangaral ni Baby

12.3K 348 34
                                    


Jolens

"Uy nagbu-blush si Ate Jolens." Tukso ni Baby Saint. 

"Ayi-hi!" Tukso na naman ng tatlo.

"Tumigil ka nga." Naiinis na sabi ko kay London na sobrang makangiti. 

"Bakit ba ayaw mong maniwala?" Pinipilit nya talaga!

"Para kang tanga." Ganti ko sa kanya. 

"Hindi katangahan yun ah! Yung katangahan eh yung kay... Teacher Shamcey." Sagot nito sa akin.

"Ayi-hi." Sabat na naman ng tatlo. 

"Open na po kayo?" Tanong ng isang student. 

"Hindi pa. Nanliligaw pa ako. Bumalik ka na lang mamaya." Sagot ni London.
Kamot ulong umalis ang estudyante. Tatawa-tawa ang mga kaibigan ni London.

"Ihhh... London. Sira-ulo ka." Nauubusan na ako ng sasabihin. 

"Sayo lang nasira ang ulo ko." Sagot niya. 

"Baliw ka na." 

"Sa'yo lang ako nababaliw."

"Ihhhh... beket eke kenekeleg?!" Sabi ni Sakura kay Violet.

"Mahiya ka nga." 

"Hindi kita ikakahiya." Sabi niya. 

"Hindi ako nakikipaglokohan." Tumataas na ang boses ko. 

"Sa harap ng mga kaibigan mo sa tingin mo niloloko kita? Seryoso kaya ako sayo." Nawala ang ngiti ni London.

"Umayos ka nga." 

"Maayos naman ako." Sagot niya. Lagi siyang may sagot. 

"Stop it," I said. 

"I won't." Giit niya.

"Nakakapagod kang kausap." Tumayo ako at kumuha ng plastic. 

"Hindi ako mapapagod sa'yo. Magiging Jolina Ramirez ka." Sagot niya. 

Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko ang mga pinagkainan namin at nilagay sa isang trash bag.

"Kainggit naman." Comment ni Violet. 

"Hindi nyo naranasan na ligawan...kasi kayo ang nanligaw! Huwag mong gagayahin 'tong dalawang ito Baby Saint." Sabi ni Carlos sabay turo kay Violet at Sakura. Hinampas ng dalawa si Carlos sa braso. 

"Wala naman masama Kuya Carlos kung sinunod nila ang feelings nila. Sabi nga ni Papa P, follow your dreams. Kaya sinundan nila Ate Sakuta at Ate Violet. Ang mahirap kasi, yung may feelings ka na tapos pinipigilan mo pa. Di ba, Ate Jolens?" Painosenteng tanong sa akin ni Baby Saint.

Ewan ko sa'yo, bata ka!

"Matalinong bata talaga itong anak nyo na ito." Sabat ni London sabay kuha sa akin ng trash bag.

"At saan mo nakuha yung mga sinabi mo?" Tanong ni Ate Cami sa anak. 

"I really don't understand why adults make things complicated. If you want a sweet but afraid to have tooth decay, then you will just leave wondering its taste. The same thing as feelings, if you are afraid you will get hurt, then at the end of the day you will just end up asking yourself the greatest what-ifs of your life. Naisip ko lang naman at hindi pinagdadaanan. Ang dami kasing what-ifs ni Papa P. " Nagkibit ng balikat si Baby Saint.

Natahimik lahat at natingin kay Baby Saint.

"Kung hind sila sumugal Ate Jolens..." Tinuro ng bata si Boss at mommy niya. Tinuro niya din si Carlos, Violet at Sakura. "...sa tingin mo, masaya sila ngayon?"

Nganga kaming lahat sa bagets.

"Makinig kayo sa bata." Nakipagfist-bump si London kay Baby Saint bago lumabas ng booth para itapon ang basura.

"Okay people...back to work." Kumindat pa si Baby Saint sa akin bago lumabas ng Henna Booth.

"Napangaralan ka pa ng bata." Natatawang comment ni Clint sa akin. 

Tulaley kami pati magulang niya.

"Teenager lang ba talaga yang anak nyo na yan? Parang 40 na siya kung mag-isip." Biro ni Carlos kina Boss. 

"Naspeechless ako ni bagets." Sabi ni Violet sabay tawa.

"Ikaw kasi Jolens. Pakipot ka pa. Naghomilya tuloy yung bata sayo." Sabi ni Zeb sa akin.
Kamot ulo na lang si Boss. Wala na ding masabi sa anak.


Maaga kaming nagsarado dahil sa concert mamaya. Tinulungan pa rin namin si Baby Saint kahit medyo tinamaan ako sa sinabi niya. Nanguha pa kami ng damit sa mga nakastocks na pangbenta namin bukas para makapagpalit kami.

Eight o'clock pa ang start ng concert pero 5 pa lang nasa Auditorium na kami. Nandoon na si Jaxx at ang banda niya Overdrive kasama si Mia na nagpapractice.

Fan ako ng banda na ito pero ang hirap naman maging fan girl sa harap ng mga kaibigan ni Boss. Kaya nakaupo ako sa isang upuan sa tapat ng stage at tinitingnan silang magpractice. 

"Fan ka?" Tanong ni London na umupo sa tabi ko. 

"Hindi masyado." Sagot ko. 

"Kaya pala may puso ang mata mo habang nakangiting nakatitig sa kanila." Sabi niya. 

Natawa na lang ako. "Halata ba?" 

Tumango siya. 

"Magpapicture ka na. Mamaya, mukha na silang basing sisiw after ng concert." 

"Nakakhiya. Saka nagpapractice pa sila." Sagot ko.

"Jaxx." Sigaw ni London. Nahinto sa pagtugtog sila Jaxx. 

"Uy... Sira-ulo ka." Hinampas ko sa braso si London. 

Ngumisi si Jaxx at hinubad ang gitara. Bumaba ng stage at lumapit sa amin. 

"You must be Jolens. I'm Jaxx." Nilahad nito ang kamay niya. 

Nahihiya akong nakipagkamay. 

"Nice meeting you..." Sabi ko. 

"How about we go out after nitong concert?" Tanong ni Jaxx sa akin. 

"Huh?" 

"Sira-ulo ka. Tatamaan ka." Nailagan ni Jaxx ang isang playful na suntok mula kay London.
Tumatawa itong tumayo. 

"Joke lang Jolens. Ang kay London ay kay London." Kumindat pa si Jaxx sa akin.

Ahhh eto talaga ang playboy...

"Papicture daw... Sa buong banda mo, hindi lang ikaw." Sabi ni London. 

"Sure... Halika sa stage." Yaya sa akin ni Jaxx. Kinuha nito ang kamay ko at hinila ako. Nanlalaki ang mata kong tumingin kay London. 

"Kupal, ikaw ang magpicture sa amin. Ano pa silbi mo kung uupo ka lang?" Sigaw ni Jaxx kay London.

Nakapagpapicture ako sa Overdrive ng hindi ko ine-expect. Kasama pa si Mia, ang unofficial na member nila. How cool is that?

"Kasama naman ako." Sabi ni London. "Selfie."

"Sama kami..." Sigaw nila Violet out of nowhere.

Dumami ng dumami ang picture namin hanggang sa hindi na sila nakapagpractice bago mag-eight.

"Send ko sayo mamaya." Sabi ni London.

Why am I looking forward to later?

Two Steps Behind (Completed)Where stories live. Discover now