Chapter 10- Meeting

11.6K 387 40
                                    

Jolens

"Ano ba ang problema mo sa akin?" Binato ni Saint ang hawak na paint brush at namewang sa tapat ni Nathan.
"Gusto ko lang tumulong kanina. Ano ang masama?" Tanong ng bagets kong kasama.
"Pwes, hindi ka nakakatulong." Sagot ni Nathan.
Napakunot ang noo ko. Teka, anong problema ng batang ito at pinagdiskitahan si Saint na nananahimik na nagpipinta?

"Hindi ka tumutulong... Pinapamukha mo sa amin kung ano ang meron ka at wala kami." Sagot ni Nathan.
"Nathan... hindi na tama yan ah." Sita ko.

Nakikita kong nagpipigil talaga si Saint ng matatalim na salita hanggang sa lumaki na ang butas ng ilong niya.

"Hindi ko intension yun. Masyado lang masama ang iniisip mo sa'kin. Dahil ano? Dahil sa cellphone ko?" Kalmadong tanong ni Saint.
"Dahil may cellphone ako? Dahil nagdala ako ng pintura para malibang tayo? You don't even know why I am here." Sabi ni Saint.
Ngumisi si Nathan. "Bumalik ka na lang sa tore mo. Hindi ka bagay dito." Sabi niya at saka umalis.

Ano ang nangyari?!

Huminga ng malalim si Saint at saka dinampot ang paint brush na binato kanina. Sinundan ko si Nathan para pagsabihan.

"Hoy." Hinawakan ko siya sa balikat at saka hinarap.
"Ano ang problema mo, bugoy? Bakit ganun ka ha? Hindi ba kita naturuan ng kagandahang asal?" Nakapamewang na tanong ko kay Nathan. Nakita ako ni London na palabas sa office ni Ma'am Elena.
"Hindi namin kailangan ng tulong." Sabi ni Nathan.
"So, ano ang gagawin namin? Papabayaan na lang kayo, ganun? Gusto mo yun? Ang mamalimos ang mga bata na lumaki na kasama mo? Alam mo ba kung bakit nandito si Saint? Alam mo ba kung ano ang naisip niya para tumulong sa inyo? Kaya huwag mong pairalin yang pride mo, Nathan... Hindi lahat ng tao ay kagaya ng mga nang-iwan sayo."

Nagtiim ang bagang ni Nathan at namuo ang luha na pinipigilan na tumulo.

"Ok...Jolens... Usapang lalaki ito. Hindi ka lalaki, doon ka." Pagtataboy ni London sa akin. Pinanlakihan niya ako ng mata ng magsasalita sana ako. Inakbayan niya si Nathan.
"May mens yang si Jolens, kaya mainit ang ulo. Dito tayo, brad." Nakayuko si Nathan para itago ang luha.

Ako na ang bahala. London mouthed to me over Nathan's head. He waved his hand to shoo me away. Inakay ni London palayo sa akin si Nathan. Grrr.... Teenagers!

Binalikan ko si Saint na nakaupo sa damuhan at tinititigan ang mural na hindi niya pa tapos ipinta. Isa itong kamay ng bata na inaabot ang mundo.

"Saint, oks ka lang?" Tanong ko dito.
"Bakit ganun Ate Jolens? Kahit saan ako pumunta laging hindi ako kabilang." Malungkot na tanong niya sa akin. Ilang taon na ba ito? Going 13 pa lang pero parang 30 yers old na ang kausap ko.
"Huwag mong pansinin si Nathan. Emo yun... may galit sa mundo. Masaya naman ang ibang bata kapag nakikita ka ah..." Tumingin si Saint sa mga bata na masayang nagpipinta sa pader.

Tumango siya at tumayo ulit.
"Mas maraming may kailangan ng tulong di ba? Kung ayaw niya eh di manigas siya." Sabi ni Saint at nagsimula ulit na magpinta. Nakuha niya ang talent ni Boss at ng lolo niya sa art.

Pauwi na kami at mukhang napagod si Saint dahil nakatulog sa tabi ko.
"Jolens, sama ka muna sa amin. May meeting kami." Sabi ni Ralph sa akin.
"Saan?"
"Sa Country Club." Sagot ni London.

Hinatid muna namin si Baby Saint sa shop. Naghihintay doon si Boss at nangiti ng makitang puro pintura ang anak sa damit.
"Bye Ate. Sama ako bukas." Sabi niya.
"Sure ka?"
Tumango siya. Nagpaalam kami kay Boss at pumunta kami sa Country Club.

Mabibilang sa isang kamay ang okasyon na nakapasok ako dito. Ang ganda talaga ng lugar. Taliwas sa itsura ko.
Huminto kami sa isang building. Pinagbuksan pa ako ng pintuan ni London. Weehhh... ano ang nakain nito?

Pagpasok namin sa isang kwarto, naghihintay doon ang mga kaibigan nitong dalawang kasama ko. Again, naiiba na naman ako sa kanila. Halata naman mula sa damit hanggang sa kulay ng buhok ko at mga tattoo sa braso.

"Okay guys, si Jolens nga pala. Jolens, kilala mo naman siguro ang ilan sa kanila." Pagpapakilala ni Ralph.
"Ang cute ng color ng hair mo." Sabi ni Violet. Nangiti ako.
"Washable lang yan." Sabi ko sa kanya.
"Pwede sa buntis?" Tanong ng kapartner ni Ate Cami sa resto.
"Hindi ko alam. Tingnan ko sa label mamaya." I replied.

"Okay...Guys... focus." Seryosong sabi ni London.
Natahimik ang lahat. Pero para silang tatawa anytime.

"Kailangan ng tulong ng bahay-ampunan." Sabi ni London. Nawala ang ngiti ng magkakaibigan sa labi. Naging seryoso ang lahat.
"Pinapaalis sila sa lupa na tinitiran nila ngayon. Wala din silang tubig at wala ng donor na nagbibigay sa mga bata para sa pagkain." Sabi niya.
"Can someone check on the land title kung ano ang status?" Tanong ni London.
"I'll check on that." Sagot ni Sakura, kung hindi ako nagkakamali sa pangalan niya.
"Jolens, pakisulat ang minutes of meeting." Inabutan ako ng papel at ballpen ni Ralph. Hanep... ganito sila magmeeting?

"Now, kids haven't given vaccine based sa records nila." Sabi ni Ralph.
"Trevor... pwede bang pakitingnan sila sa vacant slot mo?" Tanong ni London sa boy friend ng kapatid.
"Sa Saturday, wala akong pasok." Sagot ni Trevor.

"Clothes... baka meron pa kayong mga maliliit na damit na pwedeng maipamigay sa mga bata? Meron ding mga buntis doon na kailangan ng tulong. Wala silang mga gamit for baby." Sabi ni London.
"I'll get dad to help us for check up sa mga buntis." Sabi ni Brook.

And so on... ang dami nilang napag-usapan. Kung hindi lang nakakahiya, bakaumiyak ako sa harapan nila.

"Sa bahay-ampunan pa lang yan. Meron pang home for the aged kaming pupuntahanbukas." Sabi ni London sa mga kaibigan.

"Question." Nagtaas ng kamay si Violet.
"Mamamatay ka na ba bakit biglang ang bait mo?" Tanong niya kay London naikinatawa namin... mostly ako.

Hahaha... oo nga, baka may taning na ang buhay nito ah.

Two Steps Behind (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora