Chapter 17- Pinunong Ramirez

11.4K 375 17
                                    

London

"Ano pa ga ang hinihintay mo di-yan?" Tanong ko kay Jolens ng lumabas siya sa shop. Ako ang driver ng van na puno ng makukulit na nilalang ngayong araw.

Kulay pink ang buhok niya ngayon. Ay...kagaleng!

"Si Saint na lang ang isakay ninyo. Kay Zeb ako sasabay." Sabi nito. Hindi ko napansin si Zeb na nasa likod niya. Binigyan niyang helmet si Jolens.

"Kita-kits Jolens." Kumaway sila V sa kanya.

"Ahhhyyyyy... May boyfriend na si Jolens..." Pang-aasar ni Brook na nasa likod katabi si Trevor.
Natatawa si Baby Saint na nasa likod ko. 

"Naunahan na si London." Dagdag ni Violet. Nagtawanan sila.

"Gusto nyong maglakad?" Tanong ko sa kanila. Tumawa si Ralph na nasa tabi ko.

Kumakaway pa sila V at Saint ng mag-over take sila Jolens sa amin. 

"Ay oh... nakayakap si Jolens. Iba din kapag naka big bike." Sabi ni Mia. 

"Nahahawa na yang syota mo ah." Sabi ko kay Ralph.

"Alam mo Kuya London, si Ate Jolens ay parang langgam. Hard on the outside but soft on the inside." Sabi ni Saint. 

"Uy, masyado ka pang bata para magsalita ng ganyan. Saan mo natutunan yan ha?!" Ganting tanong ko kay Saint.

"Bahala ka nga. Tinutulungan ka na eh." Sabi nito. 

"Hayaan nating umiyak ng dugo si London, Baby Saint." Sulsol ni Violet sa bata.

Masaya ang mga bata ng dumating si Jollibee. Hindi lang bata ang masaya pati ang mga matatanda na nakigulo sa mini party.

Tuwang tuwa sila sa pa-Jollibee namin. Si Baby Saint talaga ang nakaisip nito. Sinabi niya lang sa akin ng minsan magchat kami at hingin ang number ni Jaxx para kulitin sa Concert for a Cause na naiisip niyang gawin sa school nila. Gusto daw makaraise ng fund ni Saint para sa ampunan. Matalinong bata...

"Jolens, ano gusto mo? Chicken, spag o burger?" Itinaas ko ang mga choices sa harapan niya. 

"Burger saka spag siguro. Salamat." Kinuha niya ang binigay ko sa kanya. Kumuha ng drinks sa table, isang fries sa kabilang box. Puno ang kamay niya ng umalis sa TV Area at lumabas. Pinuntahan niya si Zeb at binigay ang mga dala niya.

"Did she gave those foods that you gave her to the other guy?" Nakatanaw si Violet kina Jolens at Zeb. 

"Tsk...tsk..." Tinapik tapik ako ni Violet sa balikat. "Basted ka agad, pumoporma ka pa lang."

"Kumain ka nga. Dami mong alam." Kumuha ako ng burgen at sinaksak sa bibig niya.
Tawa siya ng tawa na kinuha ang burger na naragatan niya at fries.

"Gusto niya ng chicken joy. Yung leg part. You're welcome." Sabi ni Saint bago umalis sa table dala ang soft drinks.

"Nakakagutom ang selos, London. Pilitin mong kumain." Sabi ni Tita Marie na narinig ng group of friends ko na ikinatawa nilang lahat pati si daddy.

Kumuha ako ng pagkain ko. Yung pang tatlong tao para hindi na ako masita na hindi makakain. Halos nagtake-2 ang mga bata kaya ubos na pagkain ng bumalik si Jolens sa loob ng TV room.

"Ubos na?" Tanong niya. 

"Wala na." Sagot ni Violet.

Inabot ko kay Jolens ang tiring chicken joy ko. Hindi ko nagalaw ha... OA kayo. 

"Thank you." Sabi niya. "Ay, leg part. Thank you Lord."

Ang ngiti si Baby Saint, abot hanggang tenga. Nag thumbs up pa ang batang usisera. Nag-usap sa mga mata ang mga kasama ko. Pati si Tita Marie...

"Ehem... parang may langgam." Sabi ni Mia at nagpagpag ng table. 

"Ha? May guyam dine?" Biglang tanong ni Jolens sa kanila. "Ay nasaan? Baka ga makagat areng mga bata..."

"Hahaha... ang cute ng accent mo." Sabi ng kapatid ko.
Nahihiyang nagyuko ng ulo si Jolens.

"Mga sira ulo talaga kayo." Sabi ko sa mga kaibigan ko kahit nandoon si Tita Marie na nakikitawa din.
"Uy, Jols... Hindi ka namin niloloko. Ang cute talaga." Sabi ni Sakura.

Nakakahawa nga eh. Parang virus.

"Yung boyfriend mo sa labas. Bakit ayaw mong papasukin?" Tanong ni Sakura. Ang dakilang chismosa.
Tumingin si Jolens sa labas. Tanaw namin si Zeb na gumagawang graffiti.
"In fairness kay boyfie mo, yummy din ah." Sabi ni Violet.
Natawa si Jolens. Naghihintay ako kung itatama niya ang sasbaihin ng mga chismosa kong friend pero nagpatuloy siya sa pagkain.

Sila ba?

"Baby Saint, tapos ka ng kumain?" Tanong ng mahaderang si V sa bata.
Tumango si Saint.
"Pwede bang pakisamahan muna si Yummy Zeb sa labas? May pag-uusapan lang kami. For adults only." Sabi nito. Nangingiting tumayo si Saint at dinala ang softdrinks palabas.

"Ayan wala na ang bata... Mahina lang tayo baka marinig tayo ng ibang bagets." Sabi ni Sakura. 

"Ano na naman yan?" Tanong ko sa kanila.

"Shhh... huwag kang makialam. Si Jolens ang tatanungin namin. Jols..." Simula ni Violet.

"Hmmm?" 

"Di ba ikaw ang naglagay ng piercing kay London?!" 

Binato ko ng tissue si V. 

"Huwag ka nga. Lumabas ka kung gusto mo." Naiinis pa si Violet na humarap sa akin.

Nangingiting tumango si Jolens.

"Para saan ang piercing sa totot ng lalaki?" Tanong ni Sakura... Deretsong tanong... Curious na curious siya. 

"Magandang tanong yan. Para saan nga?" Tanong din ni Tita Marie.

"Tanungin nyo na lang si London." Nahihiyang sgaot ni Jolens. 

"Natalo lang naman ako sa pustahan eh." Sagot ko.

Nagsisimula ng mamula si Jolens. Kinuha niya ang softdrinks at napangalahati ang baso.

"Para saan?" Tanong ni Tita Marie.

Hahaha... Sumagot ka Jolens.

"For..." Huminga ng malalim si Jolens. "sexual pleasure." Sabi niya.
Ows?!

"Sa guy or sa babae?" Tanong ni Tita. 

Natingin kami sa kanya. Tumatawa si daddy. 

"Curious ako. Not that I am complaining sa mga ganap sa kwarto namin. Pero kung may itotodo pa ang 100% at maging 200%, why not." Sabi niya. 

Nagtawanan kami... Si Tita...

"Aba, huwag kayong tumawa. Ano akala nyo sa amin, tigang na. Kayo ni D... Kamusta?" Tanong ni Tita kay daddy. 

"Ayaw kong marinig." Sabi ni Brook. 

Ngumisi si Daddy. "Hindi kailangan ng Viagra at tinatawag niya pa rin si God sa gabi." Sagot ni daddy.

Alam nyo na kung kanino kami nagmana ha?

Two Steps Behind (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon