Chapter 14- Life Changer

11.9K 383 19
                                    

Jolens

Tigas ng mukha... namaga ang kamao ko.

Sabihan ba naman akong trolls...smurfs... tapos Avatar. Hayop siya.

"Oh...ano ang nangyari sayo?" Tanong ni Boss ng makita na nakabenda ang kanang kamay ko. 

"Tumama sa matigas na bagay, boss." Sagot ko.

"Ano ang napag-usapan kahapon?" Tumambay pa si Boss sa harapan ko. 

"Madami eh." Napakamot ako ng ulo. "Gusto nilang bilin ang lupa ng ampunan at bahay-matanda. Tapos gusto nilang magpatayo ng hospital. Gusto din nilang sumama sa weekend. Gusto nilang gawing private sector ang ampunan at bahay-matanda. Napag-usapan din nila ang mga dadalin sa weekends. At kailanagn daw magkaroon ng shool para sa mga bata..." Inisa-isa ko kay boss ang balak ng mga kaibigan niya.

Tumatango-tango siyang nakikinig. 

"Okay lang ba sila, boss?" Tanong ko pagkatapos kong magkwento. 

"Magagawa nila yan. Not in exact order pero magagawa nila yun." Sagot ni boss. 

"As in?" 

"Kapag may gusto silang makuha, nakukuha nila." Sabi ni Boss.

Ay sya nga! Mayayaman kasi sila.

"Hindi naman sila ang typical na matapobreng mayaman eh. Huwag kang naiilang sa kanila." Sabi ni boss bago pumasok sa cubicle niya.

Mabilis na lumipas ang mga oras. Maraming ginagawa ang mga boys kaya medyo tahimik sa area ko. Nagpapatugtog ako ng kanta ng Parokya ni Edgar dahil hindi nila trip ang love song at hindi ko trip ang heavy metal. Nagkasundo na lang kami sa banda-banda.

Pumasok si London sa shop na visible na ang pasa sa mukha.

"Bakit mo ako sinapak kagabi?" Naiinis na tanong niya. 

"Kasapak-sapak ka kasi." Sagot ko. 

"Wala akong atraso sayo ha." Giit ni London. 

"Anong wala? Sasapakin ba kita kung wala? Sira-ulo ka, pinagkamalan mo ako na trolls ako." Gusto ko siyang batuhin ng stapler.

"Lasing ako nun." Katwiran niya. 

"Eh ano pakialam ko kung lasing ka? Nandoon nga tatay mo nang sinapak kita eh." Sarcastic na sagot ko.

"Ay grabe ka. Hindi ka na nahiya." Sabi niya. 

"Oy, huwag mo ga ibalik sa akin ang sisi. Isa kang kumag kaya nangyari sa iyo ya-an. Ikaw nga ay binato mo ng pakwan ang iyong kaibigan." Sabi ko sa kanya.... Damn, lumalabas na ng paunti-unti ang punto ko. Kalam lang!

"Sino?" 

"Yung hapon kagabi." Sagot ko.

Napamura si London. 

Balakajan. 

Iniwan ko siya sa tapat ng table ko at pumunta sa pantry.
Sinundan niya ako.

"Ikaw nga ay lumabas di-ne. Hindi ka pwede dito." Pagtataboy ko sa kanya.
Narinig ako siguro ni Zeb kaya pinuntahan ako sa pantry.

"Jols, nu problema?" Tanong niya. Nakatingin siya kay London. Malaking tao pa naman si Zeb at tadtad ng tattoo. Siya ang taga taboy ko ng mga bastos na costumer eh. 

"Brad, bawal ka dito. Hindi mo ba nabasa ang nakasulat?" Tinuro ni Zeb ang sign na Keep Out- Authorized Personnel Only.

Umalis si London sa pantry at dumeretsong umalis sa shop. 

"Yung boylet mo, medyo makulit." Sabi ni Zeb. 

Tiningnan ko siya ng matalim. Nilahad niya ang kamay niya at humingi ng kape. 

"Hindi ko boylet yun." Sagot ko sa sinabi niya.

"Hindi ka nga mahagilap sa bahay, lagi mong kasama yun. Hindi pa kayo nyan ah." Sabi ni Zeb. 

"Kung kasi sinasamahan mo ako kahit sa ampunan. Baka gusto mo din magpinta ng mural? Mas may puso pa sa'yo ang bata." Pangongonsensya ko. 

"Nagpipinta si Saint?" Tanong nito. 

"Oo... baka lang gusto mo. Para naman may maiambag ka." 

Tumawa si Zeb. "Lakas mong mangonsensya. Sige sasama ako sayo sa Sabado. Magdadala din ako ng pang graffiti."

Normal na sana ang araw namin. May mangilan-ngilan akong tinaboy dahil hindi na sila nadala na ayaw ni Boss ng babaeng costumer sa kanya. Okay na eh pero tumawag ang school ni Baby Saint.

"Boss, principal ni Saint nasa phone." Sabi ko kay boss na nag-tatattoo sa client niya. Mabilis iniwan ni Boss ang lalaki sa table niya at sinagot ang phone.

"Si Peter Gatchalian poi to." Sagot ni Boss sa phone. "May ginawa na naman po ba ang anak ko?" 

Nakunot ang noo ni Boss.

"Ah... opo. Nagvo-volunteer po kasi ang batang yan tuwing weekend sa ampunan at home for the aged sa Batangas." Sagot ni Boss. 

Nangingiti si Boss habang nakikinig sa principal. 

"Sige po. Salamat po sa information."

Napatulala si Boss sandal pagkababa ng phone.

"Boss, okay lang ba si Saint?" Nag-aalalang tanong ko. 

"Alam mo bang kinausap ng batang yun ang principal nila para magkaroon sila ng fund raising para sa ampunan?" Tanong ni Boss sa akin.

Napanganga ako. Si Saint? Diyos kong batang iyon.

"Kaya pala napuyat kagabi, gumawa ng presentation. Sabi ng principal nakapower point pa daw ang bata." Natawa ng tuluyan si Boss.

Nangilid ang luha ko.

"Marami kang buhay na binabago ah, Jolens." Boss commented sabay bigay ng tissue sa akin.
Humagulgol na kasi ako ng iyak sa harapan ng boss ko.

Two Steps Behind (Completed)Where stories live. Discover now