Chapter 15- London's Idol

11.3K 357 13
                                    

London

Sinalubong ako ng palit lyrics gang pagpasok ko sa The Lakeside.

Yung dalawang buntis, kung todo sa tawa.

"May tulog, may tulog na hugis itlog. May tulog, may tulog na hugis itlog." Kanta nila sa pangunguna ng punong composer na si Violet. 

"Funny." Sabi ko sa kanila.

"Tangina, nagkapasa pala ang panga mo." Sabi ni Ralph sa akin.

"Ay... palitan ang lyrics. May pasa, may pasa sa kanyang panga. May pasa, may pasa sa kanyang panga." Kumanta ng todo si V.

"Mabuti nga at hindi si Kiro ang nanapak sayo. Pasalamat ka at nandoon si daddy." Sabi ni Brook.

"Ano ba ginawa ko kay Kiro? Pinag-iinitan ako nun." Sagot ko. 

"Gago... Hindi ka nga pinatulan kagabi." Sabi naman ni Sakura.

"Hinahagisan mo siya ng mga prutas, hayop ka. Sabi mo kay Kiro...Slice ninja." Naiinis na kwento ni Sakura.

Napanganga ako... tapos nakisabay sa mga tumatawa. Nawawala ako sa ulirat kapag lasing eh.

"Huwag ka ngang iinom, London." Comment ni Summer. "Baka iyan ang maging sanhi ng maaga mong pagpanaw." Sabi niya pa. 

"Isa kang malaking kamote!" Sabi ni Sakura sa akin.

Wanted na naman ako sa hapon na iyon. Masakit ang panga ko pero hindi ko mapigilang tumawa.

"London, ilan ang buntis sa ampunan?" Tanong ni Cami sa akin. 

"Apat ang nakikita ko doon eh. Hindi ko alam kung may nagtatago pa. Bakit?" 

"Mamimili kasi kami ng gamit ng baby, isasabay na namin ni Summer para madala nyo sa Saturday." Sabi ni Cams. 

"Ahh... sige. Bigay nyo na lang sa akin. Kailangan nyo ng kasama sa mall?" 

"Hindi na. Kasama ko si Chase. Si Daddy Saint ang kasama ni Cams." Sagot ni Summer.

"Laki ng effect sayo ng pagsama mo kay Jolens ah." Sabi ni Chase. 

"Wala ka bang pasok?" Balik na tanong ko. 

"Meron akong COO sa office. Saka huwag mong ibahin ang usapan." Sagot ni Chase.

"Nakakaawa ang mga bata doon. Lalo na ang mga matatanda." Sabi ko.
Natahimik ang mga tropa. 

"Maswerte tayo sa mga magulang natin. Yung iba walang magulang. Mapalad ang may mga anak na kasama nila. Yung ibang matanda, iniwan na ng pamilya." Sabi ko. "Para akong sinikmuraan pagtapak ko sa ampunan noong Sabado." Natingin ako sa mga kaibigan ko.

"Well... eye opener sa ating lahat ang nangyari. Salamat kay Jolens." Sabi ni Ralph.

"Sa tingin nyo, masyado bang OA kung gusto kong mag-ampon ng isang bata?" Bigla kong tanong sa kanila. Nakanganga sila sa akin.

"Sino ka?" Tanong ni Brook. 

Napabuntong hininga ako.

"Wala naman masama sa gusto mong mangyari, London." Sagot ni Cami. 

"Thanks Cam." Sabi ko.

"Nagbibinata na si London." Hirit ni Jaxx na akala ko tulog sa sulok.

Umuwi ako sa bahay after lunch. Naabutan ko si daddy na nagbabasa.
"Dad, sasama ka ba sa Saturday?" Tanong ko sa kanya. Hindi na nagci-clinic si daddy pero damn, isa siya sa pinakamagaling na OB-GYNE sa Pinas. 

"Yes. Bakit?"

Nag-aalangan akong sabihin ang nasa isip ko.

"Dad..." 

Nilapag ni daddy sa coffee table ang binabasa niya. "Ano?"

"Kailangan ko ng opinion mo. Kasi merong isang teenager na batang lalaki sa ampunan. Gusto kong tulungan. Kailangan ko ba siyang ampunin?"

"Technically, mas binibigyan ng chance na makapag-ampon ang mag-asawa. Iyon ang alam ko ha. Pero kung legal term sa adoption dahil single ka, kailangan mong tanungin si Sam. Ilang taon na ba ang bata?" Tanong ni daddy. 

"Nasa 16-17 na siguro." Sagot ko.

"At the age of 18, pwede ng umalis ng bahay ampunan ang bata. Kung hindi ka mag-aasawa before mag-18 ang bata, baka gusto mong iconsider na hintayin siyang maging legal age at saka mo siya kupkupin. But remember London, having a child is a big responsibility. Having a teenage child is a bigger responsibility." Sabi ni daddy.

Napatango ako.

"Naghihimala ba ang poon natin?" Biro niya. 

"Isa ka pa eh." Sagot ko sa kanya.

"I am proud of my children. Lalo ka na sa mga ginagawa mong pagtulong. Hindi ko lang gusto ang ginagawa mo kapag lasing ka." 

Natawa ako. "Bakit hindi mo pinigilan si Jolens na sapakin ako?" 

"Ayaw kong makialam sa away magsyota." Sagot ni daddy. 

"Hindi ko syota yun." Tanggi ko.

"Hindi ba?"

"Ayaw kong maging under the Trevor." Sagot ko na ikinatawa ni daddy.

"Sabi ko rin dati yan." Sagot naman ni daddy sa akin. "Look at me now."

"Alam mo dad, idol kita... Kaya nga ganito ako eh." 

"Tado, hindi ako ganyan malasing." Sabi ni daddy. Nag-real talk agad.

Sarap din ng may parents na ganito. Parang tropa lang kayo. Very supportive sa gusto mo at walang judgement sa mata.

Sana lahat ng bata may magulang na gaya ko.

Two Steps Behind (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon