Chapter 19- Zeb

11.4K 344 5
                                    

London

Nauna namin hinatid si Jolens sa bahay na tinitiran niya. Nagpaalam siya, nagpasalamat at walang lingon-lingon na pumasok sa bahay.

"Kuya, bukas bilan mo agad ng kape ha. No cream. Sugar lang." Sabi ni Saint sa akin. Natatawa ang mga kaibigan namin. 

"Sino ang may idea nito?" Tanong ko sa kanila. Tinuro nilang lahat si Saint. 

"Ayaw mo ba ng tulong?" Tanong ni Saint.

Hay! Pati bata nahawa na kay Violet... Pinaandar ko ang van at hinatid si Saint sa shop ng tatay niya.

Kinabukasan, ginising ako ng tawag ni Amboy. 

"Tangina, ang aga ha." Bungad ko sa kanya. 

"Mauna na kami. Sunod na lang kayo ni Jolens." Sabi nito. 

"Ano?!" 

"Kuya London...Coffee with sugar... no creamer. You're welcome." Sabi ni Saint at naririnig ko rin sa background ang mga kaibigan ko na gising na.

Anong oras na ba? Ala sais pa lang.

Mga 7:30, nagpunta na ako sa bahay nila Jolens. Kotse ko na lang ang dinala ko at wala naman kaming kasabay. Maka tatlong katok ako ng bumukas ang pintuan at lumabas si Zeb na nakaboxer lang. Ano ang ginagawa nito sa bahay ni Jolens ng ganitong kaaga?

"Si...Jolens?" Tanong ko. 

"Nasa kwarto. Pasok ka. Tatawagin ko." Sabi niya.

Mukhang kagigising ni Zeb.

"Jolens...Nandito na si London." Sigaw ni Zeb at dumeretso sa kusina.

Dito siya natulog? Tang-ina...live in sila?

Lumabas si Jolens ng kwarto na magulo ang buhok. Naka t-shirt na panglalaki at hindi ko alam kung nakapanty lamang siya.

"Ang aga mo." Sabi ni Jolens. 

"Mukhang puyat ka ah. 7:30 na. Baka gusto mong bilisan." Wala sa mood na sagot ko. 

Napigil ang pag-iinat ni Jolens nang makita ang relo sa sala nila.

"Shit... Sorry. Five minutes lang. Hintayin mo ako." Nagtatakbo papunta sa kwarto si Jolens. Lumabas ng may dalang towel at pumasok sa toilet nila.

"Gusto mo ng kape?" Tanong ni Zeb sa akin. Umiling ako.

Eh ano ba kung live in sila? Tang-ina... ano paki mo London?

Lumabas si Jolens sa toilet na basang basa pa ang ulo at nakatapis ng twalya. Pinikit ko na lang ang mata ko ng mahulog niya pa ang mga pinagbuharan niyang damit at tumambad ang panty na hinubad.

Bwisit.

"Sorry ha. Napuyat kasi ako kagabi." Hinging pasensya ni Jolens pagkasakay namin sa kotse.

Mukha nga!

"Seatbelt mo." 

"Bakit parang galit ka? Saglit ka lang naman naghintay saka wala pang 8 o'clock." Katwiran ni Jolens.

"Pinapakabit ko lang ang seatbelt mo." Naiinis na sagot ko. 

"Eh di eto na." Naiinis ding sumunod si Jolens.

Kailangan ko ng kape...

Dumaan ako sa starbucks at umorder ng dalawang black coffee with sugar. Binigay ko kay Jolens ang isa.

"Thank you." Sabi niya. Parang pusa na umuungol pa siya ng humigop ng kape.
"London... okay ka lang?"

"Okay lang." Maikling sagot ko. 

"Bakit parang off ka ngayon?" Tanong ulit ni Jolens. 

Hindi ako sumagot. Pwede 'wag ka ng magsalita?

Sa awa ni Lord, hindi na kumibo si Jolens. Umidlip na lang habang pababa kami ng Tagaytay.

Nasa Home for the Aged na ang mga kaibigan namin ng dumating kami ni Jolens. Kita agad ni Ralph na bad trip ako kaya hindi nila ako biniro.

Nagstart naman si Jolens sa normal routine niya kaya hidi ko na pinansin.

"Problema mo?" Tanong ni Ralph sa akin ng macorner niya sa ko sa labas. 

"Wala." Sagot ko. 

"Mukha ngang wala kang problema." Sarcastic na sagot nito.

"Bakit bad trip ka?" Pangungulit ni amboy. 

"Wala nga sinabi eh." Naiinis na sagot ko.

Tinantanan din ako ni amboy ng tawagin siya ni Ate Cailee para magpatulong sa ward. Mukhang nasa mission si Kuya Gab at pati si Sakura ay wala ngayon.

Naghanap ako ng mapapaglibangan at nakita ko si Saint na nakikipaglaro ng tong-its kay Lolo Berto.

"Lolo, kanina mo pa tinapon yang queen na spade. Binabalik mo yung tinapon mo na kanina. Madaya ka." Sabi ni Saint sa matanda. 

"Huwag ka ngang nambibintang." Sagot naman ng matanda. 

"Ayaw ni Lola Almira ng madaya." Sabi ni Saint.

"Siya itong nakipaghiwalay." Sagot ni Lolo Berto. 

"Ano ba kasi ang nangyari sa inyo?" Usisa ng bata.

Nakiupo ako sa kanila at nakinig na lang sa kwento ni Lolo Berto. Kaya tatlo na kami sa table ngayon at binabalasa ko ang baraha. Nagkahiwalay pala sila dati ni Lola Almira ng ipakilala si Lola ng mga kaibigan sa isang student ng CEU.

"Nagselos po kayo." Sabi ni Saint. 

"Hindi..." Tanggi ni Lolo Berto. "Parang ganun na nga." Pag-amin nya din sa huli. 

"Mahal mo pa ba Lolo?" Usisa ni Saint. 

"Hindi na." Tanggi ni Lolo Berto. 

"Wheeee... Mamatay?" 

"Eh di ipalibing mo ako." Pilosopong sagot ng matanda. Tumasa si Saint.

"Dapat kasi lolo, sa mga ganyang bagay. Dapat nagtatanong hindi nag-aassume. Di ba, Kuya London?"

Parang naiisahan ako nitong bata na ito ah. Nakangisi si Saint sa akin na parang may alam siya.

Two Steps Behind (Completed)Where stories live. Discover now