Chapter 25- Humanap ka ng Faithful

11.9K 362 24
                                    

Jolens

"Ayan ang sinasabi ko sayo eh. Pagkatapos mong tanggihan, lumalaki ang butas ng ilong mo ngayon." Sira ulo 'tong si Nash kung maka-comment. 

"Ikaw ga ay gustong maplakda dine? Sa harap ng mga estudyante isumbi kita? Ay, hindi ako magdalawang isip Nash. Ako'y pikon na pikon na sa iyo." Lumabas ang accent ko kaya nagtawanan pati ang mga estudyante.

"Galit na pre. Lumabas na ang punto." Sulsol ni Clint. 

"Ate, ang cute mo po." Sabi ng isang binatilyo sa akin. 

"Salamat. Pero may bayad ang ginagawa sa iyo. Huwag mo akong bulahin." Pagtataray ko sa binatilyo na ikinatawa lang nito.

"Bakit ka nakasimangot? Masama sa negosyo yan." Hindi ko napansin si Boss Saint na nasa harap ng booth ng Henna kasama si Ate Cami.

"Daddy Saint, tell me you have food in those paper bags." Sabi ni Sakura na naka mega phone pa. 

"We have food for the staff." Sagot ni Ate Cami. 

"Ayos. Busog na naman." Sabat ni Zeb.

Pumasok sa booth ko si Boss at Ate Cami. Nilagay nila ang mga pagkain namin sa ibabaw ng cooler. 

"Dad... tutulong ka?" Tanong ni Baby Saint na ikinatawa ko. 

Walang nagawa si Boss kung hindi kumuha ng isang upuan at tumawag ng isang customer sa pila.

"Do you still have salted caramel?" Napatingin ako sa customer ko na si...Teacher Shamcey. 

"May nakikita ka pa ba?" Tanong ko. Parang napahinto ng saglit ang mga katabing booth ko. 

"Oh I thought may bago kayong stocks na dumating. Nakita ko kasi ang daddy ni Saint." Sabi niya.

Kinalabit ako ni Ate Cami at siya ang humarap kay Teacher Shamcey.
"Bukas na ulit teacher magdadala ng bagong stocks. Galing pa kasing Tagaytay ang mga ito." Sabi ni Ate Cami.

"Jolens, pumarine ka nga." Tawag ni Boss sa akin. Lumapit ako sa mga kasamahan ko. 

"Umupo ka muna. Gutom ka na ba at nagsusungit ka?" Tanong ni Boss. 

Nagtawanan ang tatlong kumag kong kasamahan.

"Honey..." Sigaw ni Teacher Shamcey sa katabi naming booth. Ang Booth nila London. "Alin ang masarap na flavour sa mga natitira?" Tanong ni Shamcey. 

"London. Hon..." Sigaw ng tinamaan ng saltik na babae na ito.

"Ahh...kaya pala." Sabi ni Boss. 

"Nagseselos ba, Sir?" Usisa ng customer na estudyante ni Boss Saint. 

"Alam mo naman ang mga babae brad, kapag sinabing ayaw, gusto pala." Parinig ni Boss Saint sa akin.

"Ma'am, may girlfriend pala yang boyfriend mo." Sigaw ng isang estudyante. 

"What?" Maarteng tanong nito. 

"London... explain this at once!" Sabi ni Teacher Shamcey. I rolled my eyes. Hindi ako girlfriend pero tingnan natin ang isasagot ng magaling na si London.

"Ha?" Naguguluhang tanong ni London. 

Parang eksena sa classroom ang nangyari. Nakapamewang si teacher sa harap ng pilyong estudyante! 

"May girlfriend ka Raw na iba?" 

"Ha?" Tanong ulit ni London. 

"Kaya ba hindi kana tumatawag sa akin?" 

Napakamot ng ulo si London at natingin sa akin. "Teacher Shamcey... nakavideo ka ng mga student mo. Huminahon ka." 

"I don't care. Answer me." Tumataas na ang boses ni Shamcey. 

Napakamot na naman ng ulo ni London.

Parang k-drama na mabagal na tumalikod si Shamcey. Kinuha ang box ng cupcake at maarteng lumakad palayo.

"Hoy, bayad mo!" Sigaw ko. Hindi pa nagbabayad, aalis na agad.

Nagdadabog siyang bumalik at binigay ang bayad kay Ate Cami. 

"Keep the change." Sabi niya at mabagal na naman na tumalikod at parang slow motion na naglakad palayo.

Nagpalakpakan ang mga studyante sa mga booth namin. Pati ang mga nakapila sa photo booth ay nanonood pala. 

"That K-Drama was brought to you by, Sweet Bells cupcake- ang cupcake ni Mama Bells. Ink of Saints..." Sabi ni Sakura sa mega phone... 

"Heh...tumigil ka nga." Bulyaw ni London sa mga sasabihin pa niya.
Nagtawanan sila... SILA pwera ako. Gusto kong dukutin ang eyeballs ni London.

"Pasok mga suki... presyo ay discounted. Ang mga stocks ay orig. Galing Country Club." Nagsimulang kumanta si Violet ng sosyal na version ng kanta sa Divisoria. Sinabayan pa ni Sakura sa megaphone. Nagduet pa ang dalawa.

Nagtatawanan kami at si Ate Cami ay napaupo na sa upuan dahil hindi mapigil ang tawa. Ang mga booth lamang namin ang maingay. Etong mga lokong estudyante, pinahiram ng megaphone si Violet. Dalawa na tuloy sila ni Sakura na may megaphone...

"London, para sa iyo 'to mahal kong pinsan." Sabi ni Violet. 

"Tumigil ka na." Sabi ni London na nakatayo sa harap ng booth ng cupcakes. 

"Eh di wag. Kay Jolens na lang." Sabi ni Violet. Nagbulungan ng kaunti ang dalawa at nagsimula ng kumanta si Violet sa megaphone.

Ay naku kasi si ano,
Ang hihilig kasi nyan sa magagandang babae
Ang hilig sa mga sosyal na babae
O anong napala niya e 'di nganga
Kaya kung ako sa inyo girl
Makinig na lang kayo sa sasabihin ko
Humanahap ka ng FAITHFUL at ibigin mong tunay
'Yan ang dapat mong gawin
Kaya makinig ka sa akin
And it goes a little something like this

Ang bilis ng utak ni Violet sa mga kalokohan. Sa iilang pagkakataon na kasama ko siya, lagi siyang kumakanta na pinapalitan ang lyrics. Alam ko ang kantang 'to eh. Andrew E ang tinitira ni Violet.

Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng FAITHFUL at ibigin mong tunay
Isang FAITHFUL na talagang 'di ka iiwan
At h'wag ang lalaki na isang playboy
Ngunit kung bakit ko sinabi 'to'y simple lang
Pagkat magagandang lalaki ay naglalaro lang
Ng 'yong oras, pagod, hirap at salapi
Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali
Na siya ay wala nang bantay, 'di ba?
Kaya FAITHFUL na lalaki ang hanapin mo 'day
Kung hindi, sige ka puso mo'y mabibiyak
Mawalay man ang FAITHFUL hindi ka KAKABA

Violet: Humanap ka ng FAITHFUL

Sakura: (Go na Girl! Go na go na girl)

Violet: Humanap ka ng FAITHFUL

Sakura: (Go na Girl! Go na go na girl)

Violet: Humanap ka ng FAITHFUL

Sakura: (Go na Girl!)

Violet: Ibigin mong tunay. Break it down!

Hagalpak kami sa tawa pati lahat ng nakakarinig kay Sakura at Violet. Si Carlos napatakbo sa booth nila Violet at nakitalon sa dalawa habang tumatawa. Parang nanalo sa World Cup kung magsaya.

"Ang sarap gumati...My God. Baka maging hobby ko na London." Sabi ni Violet habang naiiyak sa tawa.

Si London lang ang hindi masaya sa mga nangyayari.  Buti nga sa'yo. Pasalamat ka at tapos na ang pustahan nyo kundi pinutol ko yang kapitan mo!

Two Steps Behind (Completed)Where stories live. Discover now