Chapter 16- Bibo

11.7K 381 25
                                    

Jolens

Parang may fieldtrip... Dalawang van ang nakahinto sa tapak ng shop namin.
"Tara na Ate Jolens." Yaya ni Baby Saint sa akin.

Sumunod kami ni Zeb palabas sa bata. Kumakaway ang mga tropa ni London na nakasakay sa isang van.
"Ano pa ga ang hinihintay mo di-yan?" Tanong ni London na ginaya ang punto ko.

Kulay pink ang buhok ko pero parang gustong maging pula sa pangbubuska ni London.

"Si Saint na lang ang isakay ninyo. Kay Zeb ako sasabay." Sabi ko. Tinanguan ko si Baby Saint at hinintay na makasakay sa van. Inabutan ako ng helmet ni Zeb.
"Kita-kits Jolens." Kumaway sila Violet sa akin.

Sumampa si Zeb sa big bike niya.
"Kumapit kang mabuti sa bewang ko." Utos ni Zeb sa akin.

Maingat naman magmaneho si Zeb pero dahil mabilis ang bike, kumapit ako sa bewang niya.
"Hindi ba ako titirahin ng mga babae mo, ha?" Biro ko kay Zeb.
Tumawa ito. "Huwag tayong dumaan sa rotonda." Ganting biro niya sa akin.

Kumakaway pa sila V at Saint ng mag-over take kami sa van.

Nauna kami ni Zeb sa bahay-ampunan. Parang may tampo pa sa akin si Nathan pero tinanguan naman niya ako noong nakita niya kami ni Zeb.

Maayos ang TV room at mukhang nakaligpit ang mga chair. 

"Parang may bisita kayo." Sabi ko kay Ma'am Elena. 

"Tumawag sa akin si London noong isang araw. Dadating daw si Jollibee. Kakatawag nga lang sa akin ng Jollibee at papunta na nga daw sila." Nakangiting pagbabalita ni Ma'am Elena.

May pa-Jollibee sila... Hindi ako aware ah.

"Bida ang saya sa jowa mo." Pang-aalaska ni Zeb. 

"Doon ang mural. Kung gusto mo ng magsimula. Malaya kang lumabas." Naiinis na pangbabara ko sa kanya.

Hinintay ni Zeb na dumating si Saint bago sila nagsimulang magpinta sa wall.
Nagkagulo naman ang mga bata ng dumating ang Jollibee. Sinamahan namin ni London ang daddy nya para matingnan ang mga buntis. Si Ma'am Marie naman ay kausap si Ma'am Elena. At ang buong tropa na kasama ni London, pinagtitripan si Jollibee. Kasama namin si Doc Trevor na tumitingin sa mga medical records sa ampunan.

Nahihiya pa ang mga tinamaan na mga buntis dahil ang gwapo ng doctor nila. Hahaha... ang comedy ih.

"Ilang buwan na ang tiyan mo?" Tanong ni Doc Tristan kay Berna. 

"Hindi ko po alam. Hindi pa ako nagpapacheck up." Sagot nito.
Napakamot ng ulo ang daddy ni London.

"May gumagalaw naman ba sa tiyan mo?" Tanong ulit ni Doc. 

"Wala po akong asawa. Wala pong gumagalaw sa akin." Sagot ni Berna. Hala, sabaw ang sagot.
Nagtawanan kami. 

"Sumobra ka na sa lugaw. Tinatanong kung gumagalaw ang bata sa tiyan mo." Sabi ko.

"Ahh... Ay oho." Mabilis na sagot ni Berna. "Sorry Doc, ang gwapo mo kasi." Sabi pa ni Berna.

"Sinisi mo pa yung nagmagandang loob." Saway ko kay Berna.

"Ate Jolina naman. Hindi ko lang naintindihan." Sagot sa akin ni Berna.

Binigyan sila ng vitamins ni Doc Tristan pagkatapos macheck up. Kinikilig pa ang mga tinamaan...

Naririnig namin ang tawanan sa TV Room. Si Violet at Sakura nakikipagshow down kay Jollibee sa stop dance.

"Napasukan kayo ng mga baliw." Tumatawang comment ni London.
Nagstop ang music... Huminto din ang dalawa.

"Gumagalaw si V." Sigaw ni London kahit hindi naman gumagalaw si Violet. 

"Gumagalaw daw si ate." Sabi ng emcee sabay turo kay V.

Nanlaki ang butas ng ilong ni V.

"London... bigyan mo ng crayola ang team ko." Sabi ni Violet. "Pinatalo mo kami. Salbahe ka." Pangungunsensya ni Violet. Tumingin kay London ang mga bata. 

Parang binuhusan ng malamig na tubig si London.

"Okay fine... sagot ko na ang crayons." He said in resignation. 

Nagtalunan ang mga bata...

"Ang bait naman ni Kuya at dahil diyan, sasayaw si Kuya ng Bboom-Bboom." Sabi ng emcee. Tatakas sana si London pero pinigilan ko. Nahablot ko ang leeg niya gamit ang braso ko...

"Teka...papatayin mo ako." Nagpapasag si London. 

"Ganon Jolens? Sige, pati ikaw sasayaw." Sabi nito.

Ako naman ang tatakbo sana kaya lang nahablot ako nito sa bewang at binuhat.

"Bitaw." Nagsisigaw ako. Nagpapatugtog na si Jollibee... Bibo 'tong bubuyog na ito.

Binaba ako ni London sa gitna. Sumenyas si Jollibee na sundan siya sa steps.

"Huwag kang KJ." Sabi ni London na sumusunod na sa steps ni Jollibee.
Hindi naman sa pagmamayabang pero para akong kawayan kung sumayaw. Kaya hiyang hiya ako at kakulay ko ang buhok ko ng matapos ang lecheng kanta na yan.

Happy lahat... maliban sa akin.

"Ang galing ni Ate Jolina di ba kids?" Tanong ni London. 

"Opo..." Sagot naman ng mga bata. 

"Gusto nyo pang makita siyang sumayaw ulit?" Nakangising tanong ni London.

Yung iling ko, kasing bilis ng iling ko noong last week ng napagkaman kaming magsyota.

"Opo." Sagot ng mga batang nabrain wash ng poging kuya.

Wait lang... sino ang nagsabing pogi si London.

"Jollibee, hit it." Lecheng London, nag-enjoy sa Bboom-Bboom.

Isa kang bangungot, London Ramirez!

Two Steps Behind (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin