Chapter 2- Nasaan?

13.3K 358 27
                                    

Jolens

"Nasaaaaannnnn ang mga bra ko?" Sigaw ko pagkagising at nawawala ang mga nilaban kong bra sa sampayan. Ang mga cute na bra ko, nawala silang lahat. Isang bilog na sipitan na lang ang natira. Iniwan ang mga kapartner na panty.

"Putang-inaaaaa sino ang nagnakaw ng mga bra ko?" Sigaw ko sa buong bahay. Nagising ang mga housemate ko. Sila Nash, Zeb at Clint ang natira sa mga original artist ni Boss Saint. Mga bago na karamihan. Kaming apat ngayon ang housemate.

"Jolens... ano na naman yang sinisigaw mo? Tangina, ang aga ha!" Reklamo ni Zeb na nakaboxers lang ng lumabas ng kwarto niya. Ganoon sila dito. Ginawa na akong tropa ng mga hinayupak na ito.

"Sino ang nag-uwi ng babae kagabi?" Nakapamewang ako sa gitna ng kusina suot ang malaking t-shirt na pantulog ko. Tinuro ni Zeb si Nash na papalabas pa lang ng kwarto niya.

"Sino yung babaeng inuwi mo kagabi?" Naiinis na tanong ko kay Nash. 

"Ewan ko. Napulot ko lang sa bar yun eh." Sagot nito. 

"Gago ka...ninakawan ako ng mga bra. Yung babae mo ang kumuha ano? Sino yun?"

Tumawa si Clint na kakalabas lang ng kwarto niya.

"Bumili ka na lang." Katwiran ni Nash.
Napapikit ako sa inis.

"Impakto ka, ang mahal ng bra. Mahal pa sa pantalon ang mga iyon. Tapos nanakawin lang ng babaeng hindi mo alam ang pangalan." Gusto kong hampasin ng monoblock si Nash.

"Ay kung makita ko i-yong babaeng mo na i-yon... Ay makakatikhim sa akin ng suntowk." Lumabas na naman ang puntong Batangas ko dahil sa inis.

Tumawa si Zeb at Clint.
"Bakit mo alam na babae ang kumuha?" Tanong ni Zeb habang kumukuha ng kape. Ang kape na pinakulo ko para sana sa akin. 

"Tinangnan ko na ang cctv. Ay, kaawaan ako... itinira na nga lang ang sipitan. Nahiya pa ang walang hiya. Hindi tinangay ang sipitan ko."

Binigyan ako ng isang tasa ng kape ni Zeb... at pinaupo.
"Bumili ka na lang kaysa mastress ka." Sabi niya. 

"Ay wala akong maisuowt ngay-on. Ako ay lalabas ng walang bra?" Tanong ko sa kanila. 

"Bayaran mo ga yon... Naku Nash...bayaran mo yaw-on."

Sa kasamaang palad... wala akong nagawa kung hindi pumasok ng walang bra. Hayop na babae na iyon...Sasabunutan ko talaga kapag nakita ko.

Kung tutuusin, sampid lang ako sa bahay nilang tatlo. Hindi ko na lang kinaya ang sitwasyon ng adik kong kapatid kaya umalis na ako sa bahay. Mas safe pa nga na kasama ko ang tatlong puno ng tattoo na ito. Kahit sinasabihan sila ng adik, hindi naman iyon totoo. Adik sa kape manapa. Lalo na si Nash.

Pero sa drug? Hindi. Hindi lahat ng burdado ay masamang tao. Yung kapatid ko nga, walang tattoo pero muntik na akong ibayad sa kinukuhanan niyang droga. Sinagip lang ako ng tatlo kong tropa. Malaki utang na loob ko sa kanila...pero ang kuhanin ang mga bra ko sa sampayan, hindi makatarungan.


Pumasok ako sa shop ng nakasimangot. Ganda pa naman ang kulay green kong buhok ngayon.

"Ang aga mo namang simangot." Sita ni Boss Saint.
Bigla na lang akong naiyak sa sama ng loob. 

"Uy, bakit? Ano ang ginawa sayo ng tatlong 'to?" Tanong ng amo ko. Isa pa sa napakabait na nilalang.

Eh di kinuwento ko ang pagkawala ng bra ko sa sampayan. Nakikisimpatya siyang natatawa sa akin.

"Ay, ano ng aking gagaw-en? Etong lalakeng are e hindi man lang tumulong na hanapin ang babaeng i-yon." Ang sama talaga ng loob ko.

"Bumili ka muna sa muslim ng bra pansamantala." Sagot ni Nash. 

"Ay, ayaw ko ga ng bra ng muslim. Hindi naman kumportable i-yong mga i-yon." Umiiyak na sagot ko.

"Tumahan ka na." Sabi ni Boss Saint. 

"Uy... kung hindi mo kilala yung babaeng dinala mo. Bayaran mo yung ninakaw kay Jolens." Utos ni Boss kay Nash. Kamot ulo na lang si Nash.

Umalis si Boss bandang alas tress ng hapon. Tahimik naman ako sa reception area at nagtataboy pa din ng mga babaeng pilit na nagpapaschedule kay Boss Saint.

Buhat ng lumitaw siya bilang kaisa-isang anak ni Pedro Gatchalian, mas lalong dumami ang umaaligid sa kanya. At dumadami din ang mga tinataboy ko.

Gaya nito.

"Hi." Bati ni Ate Girl. 

"Hello. Can I help you?"

Tiningnan niya ako... mula sa green kong buhok papunta sa mga hikaw ko sa tenga hanggang sa mga tattoo ko sa braso na hindi naman madami pero bakit parang mababang nilalang ako?

"Magpapaschedule sana ako ng piercing." Sabi niya. 

"Okay. Saang part saka kailan mo gustong ischedule?" I opened my schedule dahil ako lang naman ang taga pierce dito sa shop. Pinakita ko ang calendar ko sa kanya.

"Umm... pwede bang si Saint ang gumawa sa akin? Sa nipple ko balak magpalagay." Sabi niya. 

"Hindi nagpi-pierce si Boss Saint. Ako ang nag-iisang pwedeng gumawa sayo." I replied.

Nawala ang ngiti ni Ate Girl. 

"Magkano ang kailangan para mailagay ako sa schedule niya?" 

Eto na naman kami. 

"Alin ang hindi mo naintindihan sa mga sinabi ko?" Balik tanong ko. 

Naningkit ang mga mata ni Ate Girl. "Magkano?" Tanong niya ulit. 

Bored akong binalik sa harapan ko ang laptop na gamit ko.

"Miss... kung hindi ka tutuloy, okay lang naumalis ka na. Medyo puno ang shop. Hindi pwede ang tambay dito." Sabi ko.

Nagdadabog na umalis ang babae.

"May kaaway ka na naman." Sabi ni Nash mula sa cubicle niya. 

"Huwag mo akong kinakausap hanggat hindi ako nakakabili ng bra." Sagot ko sakanya na ikinatawa ng ibang kasama namin.

Two Steps Behind (Completed)Where stories live. Discover now