Chapter 26- Jolina Magdangal

12K 407 35
                                    


London

Tang-inang... pulutan na naman. Kung hindi lang tumatawa si Jolens, pinatulan ko si Violet. Instead na tulungan ako, lalo pang ginagatungan ang galit ni Jolens. Paano kung maturn off siya sa akin? Bakit ba may pinsan akong baliw?

"Masaya ka na?" Sarcastic na tanong ko kay Violet ng humupa ang tawa nila ni Sakura. Pati naman si Carlos, kulang na lang gumulong sa tawa. Akala mo hindi playboy ang animal dati.

"Ate, isa pa." Sigaw ng isang estudyante. 

"Pumapatol ako sa mga bata." Sagot ko na ikinatawa na naman ni Violet at Sakura.

"Lunch break na. Hindi pa ba kayo kakain?" Tanong ni Cami. 

Binigyan ng number ang mga nakapila sa photo booth at henna tattoo booth para same pa rin ang pila nila pagbalik. Sinarado muna pansamantala ang boutique at sabay-sabay kaming naupo sa henna booth para kumain.

"Humanap ka ng Faithful." Bumubulong pang kanta ni Violet. 

"Alam mo Jolens..." Simula ni Nash. 

"Wala akong pake sa iyon." Pagbabara agad ni Jolens.

Si Jolens ang namimigay ng mga nakacontainer na food. 

"Tulungan na kita." Sabi ko. 

"Ayyyiieee..." Tukso ni Violet, Sakura at Baby Saint. 

Hindi ako pinansin ni Jolens at namigay siya ng pagkain. Kamot ulo na naman ako.

"Hindi dahil playboy noon. Playboy na forever." Pagpapatuloy ni Nash. 

Nakipag-apir ako kay Nash. Nadali mo. 

"Tingnan mo si Carlos." Sabi ni Nash. Napabuga ng tubig si Carlos. "Dati, umiiyak si Allie sa tuwing may nababalitaang babae si Carlos sa Espanya. Pero ngayon, nagbago na." Pangaral ni Nash. 

"Namo ka. Ginawa mo pa akong example." Mahinang binatukan ni Carlos si Nash.

"Hinihingi ko ba ga ang opinion mo? Masusumbi na ga kita. Pagkatabil-tabil ng iyong bunganga." Sagot ni Jolens sa kanya.

"Girlfriend mo ba kasi si Ma'am Shamcey?" Nang-usisa na ang bata. 

"Shhh... Saint." Bawal ni Cami sa kanya. 

"Hindi noh." Malakas na tanggi ko. 

"Yun naman pala. Bakit hindi mo kasi itinanggi agad kanina." May paninisi pa si Sakura sa akin. 

"Mapapahiya siya kanina. Ang daming estudyante na nagvivideo. Malamang nga ngayon pinag-uusapan na siya eh. Kahit gaano kababa ang tingin ninyo sa isang babae, hindi pa rin dapat siya pinapahiya sa harap ng maraming tao." Katwiran ko.

"I agree with London." Sagot ni Cami. 

"Thank you, Lord..." Napathank you tuloy ako.

"Pero Cams paano kung yung babae eh nagmamaganda sa harap mo?" Tanong ni Sakura. 

Natawa ng bahagya si Cami. "They can try. But I don't think they can win my husband. It's a matter of trust." Sagot ni Cami.

"Iyan ang tinatawag na: Nakahanap siya ng Faithful." Kumanta pa sa dulo si Violet. 

"Paki-seminar si Allison." Sabat ni Carlos. 

"Tinext ko na Kuya." Biro ni Sakura.

"Ano sagot?" Natatawang tanong ni Daddy Saint. 

"Sa labas ka raw ng kwarto ulit matutulog." Sagot ni Sakura. Nagtawanan kami.

That...epic fail... stag party care of Lucas. Nakasulat na sa history ng Country Club boys ang pangyayari na iyon.

"Eh paano kung hindi pa nanliligaw pero bumabakod na?" Tanginang Violet. Sarap talagang sakalin. 

"Manligaw muna." Sagot naman ni Cami. 

"Mukha namang mutual ang feelings." Sabi ni Clint. 

"Ayi-hi." Sabi ng tatlong kolokoy. 

"Jolens..." Tawag na naman ni Nash sa nananahimik na si Jolens. 

"Ano?" Sigaw ni Jolens.

"Hihingin ko lang yang half rice mo. Bakit ba lagi kang galit?" Parang aping-api si Nash. 

Inabot ni Jolens ang half rice kay Nash. 

"Jolens..." Tawag ulit nito. Kinagat ni Jolen ang labi dahil sa inis.

Ang cute niya.

"May bata... huwag kang magtungayaw..." Babala ni Clint sa kanya.
Huminga ng malalim si Jolens bago sumagot. "Ano na naman?" 

"Hihingin ko lang yung ketchup." Sagot ni Nash. Inabot ni Jolens ang ketchup kay Nash.

"Jolens." Tawag ko. 

"Ano ba?" Tuluyan ng sumigaw si Jolina. 

"Hindi ko girlfriend si Shamcey." Paliwanag ko. 

"Ayi-hi." Nakijoin pati si Cami at si Baby Saint sa mga kolokoys. 

"Paki ko." Aba...tinarayan ako.

"Akala ko nagseselos ka eh." Sabi ko sabay subo ng kanin. 

"Hindi mo kasi dinalan ng kape kanina, brad." Sabat ni Zeb. 

"Tumigil nga kayo. Nakakapikon na kayo." Humaba na ang nguso ni Jolina.

Ay ka-cute areng babae na are.

"Jolina Magdangal, making ka nga." Sabi ni Nash na ikinahinto namin. 

"Sino si Jolina Magdangal?" Tanong ni Jolens. 

"Ikaw... Dapat tinatawag ka sa buong pangalan mo para making ka eh." Parang tatay si Nash na pinapagalitan si Jolens. 

"Kuya Nash, Suarez apelyido niya." Pagtatama ni Baby Saint sa kanya. 

"Ha? Kailan pa?" 

"Tanga mo Nash. Tagal mo na akong kasama sa shop, hindi mo alam ang buong pangalan ko." Naiinis na sagot ni Jolens.

Hindi kami nakatapos ng pagkain namin kakatawa.

"Suarez ka pala. Alam nyo?" Tanong ni Nash kay Zeb at Clint na nakayukong tumatawa. 

"Isa kang kamote, Nash." Sabi ni Jolens sa kanya.

Mas lalo siyang nainis kaya hindi ko muna pinilit ang pangungulit ko. Mukha naman siyang nagselos nga kanina. Ayi-hi! May chance!

"Ano yang ngini-ngiti mo d'yan?" Masungit na tanong ni Jolens. 

"Mas bagay ang Jolina Ramirez sayo. Ano sa palagay mo?" Hirit ko.

" Ayi-hi!" Tukso ng mga kasama namin.

At doon ko nakitang namula ang mukha ni Jolina. Ay...ka-cute eh!

Two Steps Behind (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora