Chapter 29- 1 on 1 w/ V

11.8K 328 32
                                    


Jolens

"Ang cozy ng place mo." Sabi ko kay Violet pagpasok namin sa condo niya. 

"Thanks. Iiwan ko na nga ito eh." 

"Sayang naman. Ang ganda pa ng lugar."

"Baka gusto mong rentahan. Para makaalis ka na sa bahay ng tatlong housemates mo. It's not healthy din hearing those... sound every night."

"Gustohin ko man rentahan, wala akong pangrent sa ganitong kagandang lugar." I honestly replied. 

"Okay ganito na lang. Since ako naman talaga ang nangangailangan ng favor. Why not tumira ka na lang dito para may tao lang talaga sa condo? ... Please... alam mo naman ang saying, kapag ang bahay ay hindi tinitirahan, nasisira."

Tinitigan kong mabuti si Violet... 

"Bakit ang bait ninyo sa akin?" Biglang naitanong ko. 

Binaba ni Violet ang mga gamit niya sa isang sofa. Kinuha niya ang bag ko at ibinaba din at saka niya ako pinaupo.

"Jols, hindi ka na rin iba sa amin. You gave us purpose. You gave us something to be proud of on this lifetime. You brought us the fulfilment that we were looking for at iyon ay ng lumapit para humingi ng tulong para sa mga bata at sa mga matatanda. Binigyan mo kami ng chance na ipakita na hindi lang kami mga spoiled brat na anak ng mga mayayamang tao." Huminga ng malalim si Violet.

"Huwag mong isipin na binabayaran ka namin. Hindi matutumbasan ang ginawa mo sa amin, Jols. You changed us all. At sa samahan namin, walang iwanan... Lahat kami tulungan. Kaya tulungan mo ako. Please Jols, pumayag ka ng tumira sa condo ko. Namiss ko na din ang fiancé ko eh."

"Eh Violet, kasi ano... nakakahiya kasi sayo." I replied honestly. 

"Kung magkano ang binabayad mo sa rent mo sa bahay mo ngayon, iyon din ang ibayad mo sa akin kung gusto mo. Sige na Jolina... Parang awa mo na..."

Napakamot ako ng ulo.

"Sasabihan kita ha kung kailan ko maayos ang paglipat ko sa Cordonia." Pinisil ni Violet ang kamay ko at binigyan ako ng napakalaking ngiti. "Thank you Jols."

"Hindi pa ako pumapayag." 

"Papayag ka rin. Kapag bumagsak na lahat ng frame mo sa bahay, you will say THIS IS ENOUGH." Tumatawag sagot niya.

"Now, change topic tayo. Kamusta kayo ni London?" Nanunuksong tanong niya.
I rolled mye yes at tangkang tatayo ng pigilan ako ni Violet. 

"Wait lang. Chichika pa ako sayo eh. Let me tell you some stories about the Country Club men. Totoong mga babaero sila, pero during their single days yun. Kapag sila ang nagmahal, mahal ka talaga nila. Walang second thoughts sa kanila. I saw how Kuya Carlos feel in love. How Kuya Jon protected Ate Beth. I saw how Kuya Rome changed. Iyon talaga ang totoong babaero. Pinagsasabay talaga niya ang mga babae, but Ate Zoey came and he changed. Nakita ko rin kung paano hinabol ni Chase si Summer. At kung paano nanligaw si Ralph. At si Kuya Gab... papatay yun para kay Ate Cailee."

"Sa lahat ng mga kaibigan at kapamilya ko sa Country Club, si London ang kaladkarin. Siya ang on the go lagi. Siya ang isang tawag mo lang, nasa pintuan na agad. Minsan, akala mo nagbibiro lang siya, pero bukal sa loob niya yun. Minsan akala mo insensitive siya, pero hindi. Sadyang mapangbuska si London pero kapag hiningan mo ng tulong yun, nakasapo agad sa nangangailangan. Read between his jokes Jolens. Sinasabi na niya ang feelings niya sa iyo pero akala mo joke lang."

"Hindi kita maintindihan." Sabi ko kay Violet. 

Tumawa ng bahagya si Violet. "Ayaw mo lang akong intindihin. Hindi kailanman nagbitaw ng joke si London sa pag-aasawa, much more kapag seryoso ang usapan. Ikaw lang ang sinabihan niyang pagbibigyan ng apelyido niya at sa harap pa namin." Tinapik ni Violet ang braso ko at saka tumayo. "Tara tulog na tayo. Papagalitan tayo ng amo natin bukas kapag nalate tayo." Yaya niya.

Binigyan ako ng airbed ni Violet. At dahil isa lang ang kwarto, pinili ko na lang sa sala maglatag kahit pinipilit ni V na sa kwarto niya ako.

Pinapaasa ako ni Violet. 'Tong magpinsan na 'to.

Nagising kami ni Violet sa tunog ng door bell kinaumagahan. 

"Hindi laruan ang door bell..." Sigaw ni Violet na pupungas pungas pa. Nagtalukbong ako ng kumot. Parang kakatulog ko lang ah.

"Ang aga mo naman." Reklamo ni Violet pagbukas ng pintuan. 

"At bakit tulog pa kayo? Kanina pa tawag ng tawag ang bata sa akin." Sagot ni London. 

Pumasok si London at naamoy ko agad ang coffee.

"Jols, lalamig ang coffee. Sa kotse ka na lang matulog." Sabi ni London sa akin. 

"Akin na ang isang coffee. Iinumin ko na habang naliligo. Mauna na akong maligo, Jols."Sagot ni Violet. 

"Grabeng multi-tasking." Biro ni London kay V.

Nag-iinat akong bumango at sumandal sa sofa na inuupoan ni London.
"Parang katutulog pa lang namin." Reklamo ko. Tumayo ako at naghilamos sa maliit na sink.

Nakangiti si London pagharap ko. 

"Bakit ka nakangiti?" 

"Ang ganda mo sa umaga." Sagot niya. 

"Sa gabi hindi na masyado, ano?" Sarcastic na tanong ko. 

Binigyan ako ng coffee ni London. 

"Mas maganda ka kasi kapag wala kang make-up." Sabi ni London. 

"Ang aga mo akong binobolo." Umupo ulit ako sa airbed at sumanda sa sofang katabi ng inuupuan ni London. 

"Hindi kaya kita binobola." 

"Oo na." 

"Oo na? As in tayo na?" Tanong ni London. Napaso tuloy ang dila ko.

"Uy, ano ka! Grabe..." Kumabog tuloy ang puso ko. 

"Seryoso Jols." Tumabi sa akin si London sa airbed. Tumalbog ako ng slight dahil sa laki niya. 

"I really like you... I might be falling for you..." Sabi ni London. 

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin.

My God... Sinasabi niya sa akin lahat yun ng hindi pa ako naliligo.

"Heck, mahal na siguro kita." He said sincerely.

Diyos ko Lord... Ang aga naman ng pasabog ni London.

"Jols, ikaw na." Sabi ni Violet na nakatayo sa labas ng toilet. "Uh... naistorbo ko ba kayo?" Nagtatakang tanong niya.

"OO VIOLET... Nanliligaw ako eh." Naiinis na sagot ni London. 

Tumawa si V. "Sorry naman." Saka siya nagpeace sign sa amin. Nagmamadali siyang pumasok sa kwarto niya.

"Huwag mo akong tawanan." Sabi ni London sa akin. "Totoo sinasabi ko. Promise." Sabi pa niya.

Pinigilan kong tumawa... 

"Maliligo na ako." Sabi ko. 

"Hay... one day maniniwala ka din sa akin Jolina." Sabi niya.

I might be believing in you na...

——————
A/N
wala ng edit-edit... balanakayo 😂

Two Steps Behind (Completed)Where stories live. Discover now