CHAPTER SIXTY-ONE

Start from the beginning
                                    

"Kanino mo ibibigay?"

"Basta, kumain na tayo."

Nag umpisa na kami kumain habang ng uusap kami sa mga bagay bagay tungkol sa mga nakaraan lang.

"Parang kailan lang nung nag first day," sabi ko.

"Kaya nga, next month lang din ay iiwan na natin ang nagsilbing pangalawang tahanan natin."

"Memorable para sa akin ang year na 'to rito ko naranasan mas sumaya, magkaroon ng kaibigan, sumali sa unang beses sa isang pageant, magmahal ulit at marami pang iba."

"Ako rin, dito ko nahanap ang taong alam ko mamahalin rin ako, mga tao bumuo sa pagkatao ko, mga taong nagsilbing mga kapatid ko at hindi ko makakalimutan yun."

Yung tipong simple lang na usapan namin ay naging isang pagbabalik alaala namin sa mga nakaraan nakakatuwa nga kasi ang sarap din pala bumalik sa panahon na nagkakilala pa lang kami at binubuo pa lang ang barkada namin na sabay sabay tutupad sa mga pangarap namin.

Nandito kami ngayon sa gate naubos namin yung pagkain namin akala ko hindi, kaso nga lang sobrang tagal naman namin naubos nagsimula kami kumain 1pm ano oras na ngayon 4pm na kaya ang paalam ko pa naman sandali lang ako tapos hapon na ako nakauwi umalis pa naman ako rito 6am imagine halos dalawang oras lang ay 12 hours na ako wala rito sa bahay.

Ano kaya idadahilan ko nito kay mama? Haist... bahala na si Superman sa akin.

"Paano mauuna na ako sa'yo, sa lunes na lang ulit." Sabi ni Bailey kaya nabalik ako sa realidad.

"Sige salamat sa treat atsaka sa paghatid, ingat ka text me kapag nakauwi ka na sa inyo." Sabi ko pa

"Sige, thank you rin."

"Sige bye,"

Nag-wave na ako at pumasok sa loob pagpasok ko hindi ko naabutan sila mama at yung kambal.

Naasaan kaya sila?

Hinayahan ko na lang dahil plano kung magpalit muna tapos babalik na lang ako rito sa baba, dali dali ako sa pag akyat sa kuwarto para magbihis.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Nathalia na nakaupo sa sofa habang nagbabasa kaya naman umupo ako sa tabi niya dahilan para matigil siya sa pagbabasa at mapatingin sa 'kin sinarado niya ang libro na hawak niya at nilapag sa table.

"Bakit ngayon ka lang ate?" Tanong niya.

"Sorry, napasarap ng kain bakit may problema ka?"

"Wala po, wala lang po kasi ako kasama. Sila mama at Nathlie umalis nagpunta sa grocery ayoko sumama kasi ang tagal pa nila roon."

"Akala ko naman kung ano yun, maiba nga ako kamusta na pala kayo ni Lawrence?"

"Maayos naman po ate, balita nga po sa school na nililigawan niya 'ko kaya super nahihiya po 'ko. Ayoko pa naman ipaalam tapos malalaman din pala sa huli."

"Ano ka ba? Be proud kasi may guwapo ka na manliligaw, aba hayaan mo sila maingit sa'yo."

"Ate naman!" Pagmamaktol nito kaya natawa na lang ako.

"Bakit ba? Masanay ka na sis sa mga taong nasa paligid mo."

"Kaya nga po, ay ate si Nathalie may manliligaw rin po pala yung tropa ni Lawrence si Christian."

"Talaga kayo may mga lovelife na agad kayo,"

Natawa na lang siya sa sinabi ko.

"Ate puwede magtanong?" Tanong niya sa akin.

"Sige ano ba yun?" Sabi ko.

"Kailan mo balak sagutin si kuya Bailey?"

"Siguro kapag naka-graduate na ako para naman matupad yung pangarap ko na magbo-boyfriend ulit ako kapag nakapagtapos na ako ng pag aaral."

"So.. dapat kami rin po pala ganoon din ate kasi nga idol po namin kayo."

"Wag naman taon sis, kayo ang bahala kapag naman mahal niyo ang isa't isa hindi naman yun hadlang. Atsaka goal ko yun para sa sarili ko." Sabi ko pa sa kanila.

Ayaw ko naman gayahin nila ako na kapag natapos pa nila sasagutin yung mga yun.

Gagi ang tagal naman nila manliligaw.

"Sa bagay po, mahirap din po maghintay ng matagal."

"Buti alam mo, alam mo para hindi tayo nakakapag usap ng mga seryosong bagay magbihis ka at pupunta tayo sa mall."

"Libre mo ba ate,"

"Sige,"

Sabay kami naglakad para magbihis, ilang minuto pagkatapos namin ay lumabas na kami sa bahay at naglakad pasakay ng jeep papunta sa may mall.

Nandito kami ngayon sa Tom's World habang naglalaro ng basketball, habang naglalaro si Nathalia iniwan ko siya habang ako naman nagpunta muna sa cr ng biglang tumunog ang cellphone ko pagtingin ko may text message galing kay Bailey.

Huh!? Siguro ngayon lang siya nakauwi.

From: Bailey

Just got home safe, may pinabili pa si Mommy kaya naman ngayon lang.

To: Bailey

Good.

Pagkatapos ay pumasok na ako sa cr at umihi na rin makalipas lang din ang ilang minuto ay natapos na 'ko pagbalik ko ay naabutan kung nakatayo na si Nathalia at halatang hinihintay ako kasi lumilingon siya bigla ko na lang siya ginulat kaya naman napasigaw siya at napatingin yung mga tao, nung na realize niya ginawa niya bigla na lang siya napatahimik habang yung mga tao ay hindi na lang kami pinansin pa.

"Ate naman nakakahiya ka, bakit ka kasi nanggugulat." Sabi pa niya palabas na kami ngayon.

"Sorry naman, saan naman tayo ngayon?"

"Libre mo ako libro ate,"

"Isa lang,"

"Sige,"

Naglakad naman kami ngayon papunta sa may National Book Store para maghanap ng mabibiling libro dahil pareho kami mahilig sa libro magkakasundo talaga kami atsaka naghihiraman kami ng books kaso tapos na namin pareho basahin kaya kailangan na namin bumili ang dami ko na libro sa bahay namin tatlong basket habang si Nathalia dalawang basket na yung iba nabenta na niya na nung nagkaroon kasi sila ng biglaang fieltrip nung grade 8 siya tapos ay wala kami pera binenta niya libro niya mautak din talaga, pangarap kasi niya makasama kaya gumawa talaga siya ng paraan buti talaga may bumili sobra pa yung nabenta niya sa binili niya hindi ko siya masisi pinayagan naman ni mama ibenta niya kasi sa kaniya naman daw yun eh.

Iba talaga utak kapag graduating ng valedictorian.

𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗥. 𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 ✔️Where stories live. Discover now