Twenty-Five Note

89 4 0
                                    

Streyla Freigh

Isang araw na ang nakalipas mula noong sinabi ko kay Zky na iwasan na nya ako.

Hindi ko na sya hinintay na magsalita noon dahil agad na akong umalis at nauna ng umuwi sa bahay.

"So, the only thing you can do right now is to read in this article and react to it. It's a reaction paper."

Nabalik lang ako sa huwisyo nang nagsalita ang guro namin sa english at agad na kaming iniwan. May meeting kasi sila.

Kahit anong pilit ko na intindihin yong mga letra, para bang nagsasayaw sila at yon pa ang nakadagdag sa hilo ko.

Kanina pa umaga to. Feeling ko rin ang init ng kalamnan ko. Feeling ko, sasabog ang ulo ko sa sakit pero hindi ko pinapahalata at tinakpan ang namumula kong pisngi ng pulbo.

Inulit ko ang article habang ang mga kasama ko ay nagsusulat na. Wala parin talaga. Nakakainis kasi. Nahihilo talaga ako at feeling ko talaga kung tatayo ako ay hindi ko na kayang tumayo at mahuhulog na lang ako.

Kahapon, masakit lang ang ulo ko kaya naman nagawa ko pang magpraktis kasama si Zky kahit na walang pansinan.

Hindi nya ako kinakausap at magandang bagay na iyon sakin dahil ginagawa nya ang favor ko sa kanya pero sa kabilang banda, nadissapoint ako. Ewan ko ba! Ako itong nagsasabing itigil nya na ang maging mabait sakin pero gusto ko namang umayaw sya don at pansinin parin ako. Kaloka.

Nagbell na at lahat-lahat ay hindi ko pa nauunawaan ang nakasulat sa libro at hindi pa ako nakagawa ng reaction paper ko, kahit Introduction manlang. Di ko pa nga alam title eh.

"Mr. Samonte is not around due to the upcoming Music Festival next week and with that, he told me that we need to solve this problem in page 307." Sabi ni Cheska at dali-dali naman naming kinuha ang libro namin sa math.

"Malapit na ang Music Festival"

"Ano kayang pangalan ng banda nina Cheska no?"

"Oo nga, nakakainggit sila"

"Nasabi mo pa, naiinggit ako kay Trixie kaso pinsan nya pala si David"

"Yong david ko? Magpapalakad ako sa kanila. Hihi"

"I'm sorry girls but David is no longer available" singit ni Cheska sa mga kaklase naming nagtsi-tsismisan habang dinig na dinig namin.

"Hey, baka mawalan ng fans yong pinsan ko ches" natatawang sabi ni Trixie at gusto ko mang tumawa ay hindi ko magawa. Pumikit na lang ako nang maramdaman kong dumilim ang paligid ko ng panandalian. Lintek.

"Che! Meron parin yan no" natatawang sabi ni Cheska. "Sa tingin mo, hindi fan to?" Tiyak kong tinuro nya si Cheska kasi narinig kong hinampas sya ni Cheska.

"A special fan." Sabi ni Cheska at tumawa silang apat habang ako ay sinubsob ang ulo ko sa desk ko at pumikit.

Kahit ilang sandali lang, baka naman magiging okay din ako.

"Eyla, anong oras yong praktis nyo ni Zky?" Tanong ni Cheska pero hindi ko sya sinagot sa tanong nya.

"Matutulog lang ako, huwag kayong mag-ingay."

Agad akong nakatulog at nagising lang nang magbell na naman. Ibig sabihin Lunch Break na.

"Gigisingin na ba natin to?"

"Malamang! Magugutom yan kung hindi"

Agad kong dinilat ang mata ko at pumikit ulit. Nahihilo ako. Feeling ko mas dumoble ang init sa loob ko. Mas sumakit ang ulo ko.

"Eyla, tara na sa Canteen"

Pinilit kong maging normal lang at tumayo sa pagkaka-upo.

Nauna sila sa akin kaya naman sinamantala ko iyon upang hawakan ang mga pader upang suportahan ang sarili ko dahil talagang nahihilo ako. Parang gumagalaw ang lupa at naduduling din ako sa mga tao.

"Punta muna tayo sa locker room, nandoon yong wallet ko" sabi ni Trixie.

"Ano?! Grabe ka! dapat sa bag o sa bulsa yon linalagay hindi sa locker!" Rinig kong reklamo ni Cess at naglakad papunta sa locker room.

Nahihirapan akong nakarating sa locker room at andon na sila

"Eyla, bakit ang tagal mo?" Sabi ni Cheska at dali-dali naman akong humiwalay sa pagkakapit sa pintuan at nagkunwaring lumilinga sa paligid kahit ang totoo ay hindi ko naman makita ng klaro ang mga locker, maging sila.

"Wala lang" sabi ko at huminga ng malalim.

lumapit si Cheska sa akin at tinignan ako ng masinsinan.

"Tara na---- May lagnat ka" sabi nya at agad akong kinapa sa noo. "Oh my god! Ang init mo Eyla! Bakit hindi mo sinabi?" Sabi nya at dali-dali naman silang lumapit sa akin.

"Hawakan nyo sya, tatawagan ko lang si Zkyler." Sabi ni Cheska. Pipigilan ko na sana sya kaso nadial na nya.

"Hello Zky, huwag muna kayo magpraktis ni Eyla ha? Ang taas kasi ng lagnat nya eh. Sige. O sige. Bye."

"Gutom na ako" wala sa sariling sabi ko at hinawakan ang tyan kong kumukulo.

"Nakuha mo pang sabihin yaan gayong ang init-init mo na nga!" Sabi ni Trixie.

"Nagugutom ako kaya ako nahihilo, kaya pwede kumain na muna tayo, kaya ko pa to." Sabi ko at isang malaking kasinungalian yon, ayaw ko lang talagang pumunta sa Infirmary sa isang dahilan.

"Pakain na nga lang talaga natin sya." Sabi ni Lei at alam kong nagets nya kung bakit ako nagkakaganito.

"Pero ang taas ng lagnat nya Lei! Baka mapano to! Ipunta na natin sya kay nurse----"

"Trust me Cheska, huwag natin syang idala don, baka mas lalala yan" sabi nya at alam kong naguguluhan naman sila.

Wala silang nagawa kundi ang maglakad papuntang cafeteria, inaalalayan nila ako at todo sila sabi na ang init ko na daw, baka mamaya nyan bumaliktad na daw ang mata ko. Huwag naman sana.

Nakarating kami sa cafeteria namin at tulad ng inaasahan, ang iingay nila. Ano pa nga ba? Babae eh, nature na ang maging maingay.

Tungkol sa mga lalaki ang usapan nila, ang mas nangingibabaw ay ang tungkol sa mga iniidolo nilang Korean Boy Band at ang isa sa banda na sikat hindi lang sa RM school kundi pati rin sa labas, ang SLAYER!

Hindi ko masasabing nabusog ako dahil wala ako halos nakain! Ang pait ng lasa! Gayong masarap naman daw sabi nila.

"Tara na" sabi ni Cheska at tumayo na. Bigla namang umingay ang paligid. Mukhang may dumating.

Tumayo na ako nang bigla ay nahilo ako at dumilim ang paligid ko. Mas dumoble ang parang paggalaw ng lupa at ang pagsakit ng ulo ko,parang sasabog sa sobrang sakit.

Feeling ko babagsak na ako at tatama na ng ulo ko sa katabi naming silya nang may naramdaman akong humawak sa akin dahilan upang hindi ako matumba.

Nakita ko muli ang mata nyang puno ng pag-aalala. Hindi cold kundi warm.

"Zky, l-let me go" sabi ko at pilit na tumayo ngunit mas lalo akong nahilo.

"Let me do this Streyla, don't worry I'll be the one to avoid you after this"

Pagkasabi nya non ay naramdaman kong umangat ako at napagtantong binuhat nya ako. Sinandal nya ang ulo ko sa dibdib nya at hindi ko mapigilang pumikit at damhin ang sarap na pakiramdam na buhat ka ng taong gusto mo.

"You're hot, you little broken hearted girl"

Yon lang ang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Thank you, broken hearted boy"

-----------

Just the Melody (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя